Chapter 8

1079 Words
AEXL POV Dala-dala ko ang bag ko para umuwi na at kasabay ko sina Janella at Cloud. Naglalakad kami sa mag corridor habang nag ku-kuwentuhan nang mapatigil kami ng may sumigaw sa napakagwapo kong pangalan. Napalingon naman kami kay nerd na hinihingal na tumatakbo papunta sa amin. Tumigil naman kami sa paglalakad hanggang sa nakalapit na nga sa amin si nerd. Hinihingal na napahawak sa may tuhod n'ya si nerd bago inayos ang salamin n'ya at nagsalita. ''A-Aexl, saan ka pupunta?'' hinihingal na tanong nito sa akin. ''Siguro, pauwi na?'' sagot ko. ''Pero may tutor ka pa sa akin ngayon,'' sabi nito at napaisip naman ako. Oo nga pala. Lumayo ako kina Janella bago ako lumapit kay nerd. ''Sweety, pwede bukas na lang? Promise!'' sabi ko habang initaas pa ang kanang kamay ko. ''P-Pero Aexl, malapit na ang exams natin,'' sabi nito. Seriously!? ''Alam mo honey, hindi naman ikaw ang babagsak sa exams kung sakali man na hindi ako magpa tutor,'' sabi ko at natigilan siya. ''Pero Aexl... Kailangan talaga. Utos ito ni Principal K,'' mahinang sabi nito at napakamot naman ako sa ulo ko ngunit ikinatawa ni Cloud. ''Aexl, pagbigyan mo na. Baka gusto ka lang talaga makasama!" sigaw ni Cloud at napatungo naman si nerd. Ang kulit! ''O' sige na nga! Janella babe, hindi kita maihahatid. Pasama ka na lang kay Cloud. Sige na, mauna na kayo,'' sabi ko kina Cloud at natatawa namang tumango si Cloud. Aangal pa sana si Janella pero kaagad na tinakpan ni Cloud ang bibig nito at kinaladkad palayo. ''I'm all yours now, honey!'' malanding sabi ko kay Ara at inakbayan siya bago kami naglakad papunta sa library. Ang tambayan ng mga nerd na kagaya niya. Akbay-akbay ko si Ara papasok sa library at ang daming mga estudyante ang napapalingon sa aming dalawa. Marahil ay nagtataka kung bakit kasa-kasama ko si nerd. Umupo kami sa dalawang bakanteng upuan at bali magkaharap na kaming dalawa. Pagkaupo ko pa lang ay kaagad na akong nagpahalumbaba at nakangiting nakatingin lamang kay nerd. ''Tungkol saan bang subject ngayon?'' tanong ko. ''Earth and life science,'' sabi nito. I hate science! Kinuha nito ang kan'yang libro at natigilan sandali na para bang may nakalimutan siya. ''S-Sandali lang. Restroom lang ako," sabi nito sabay kuha ng bag n'ya at nagmadaling umalis. Nagtataka naman akong sinundan ng tingin ito at ng makalabas na ito ay bored kong kinuha ang ballpen at pinaikot-ikot ito sa kamay ko. Ilang minuto na ang nagdaan bago bumalik si nerd at halos mapatawa ako sa itsura nito. Kung kanina ay gulo-gulo ang buhok n'ya, ngayon naman ay naka pony na ito pero magulo pa rin tignan. Kung wala siyang make up kanina, ngayon naman ay naka make up na ito simula sa maskara hanggang sa kalat kalat na lipstick na sinobrahan sa pula at naamoy ko din ang pabango na ginamit nito. ''P-Pasensya na natagalan ako,'' sabi nito bago umupo at halos hindi ko matanggal ang paningin ko dito hindi dahil sa nagagandahan ako, kung hindi dahil sa natatawa ako. ''O-Okay lang,'' pigil tawang sagot ko at ngumiti ito sa akin bago binuklat ang science na libro nito. Nakarinig naman ako ng tawa mula sa kabilang table kaya sinamaan ko ang mga ito ng tingin. Paano ba sabihin sa isang babae na ang sagwa ng itsura n'ya nang hindi ito nasasaktan? A. Ara, uso ba sa lugar n'yo ang salitang salamin? B. Ara, napaaway ka ba kanina at malakas kang nasuntok sa bunganga mo? Ang pula kasi. Sobra! C.Ara, ang panget mo na nga. Lalo ka pang pumanget. A B or C? ''About theories ang pag aaralan natin," sabi nito ng tumingin sa akin pero nagsi-tawanan naman ang mga nasa kabilang table kaya naguguluhan na napatingin dito si Ara na lalong nakapagpatawa sa mga estudyante kaya sinita sila ng librarian. ''Ara?'' tawag ko dito at gulat naman na napatingin ito sa akin. ''B-Bakit?'' tanong nito. ''Nag make up ka?'' malumanay na tanong ko at nahihiya naman itong tumango. ''N-Napasobra ba?'' tanong nito at napatango ako na naging dahilan kung bakit napatungo ito lalo. ''I-I mean, wala namang masama kung nag make up ka but, I prefer simple person. Mas maganda ka kung wala kang make up,'' nakangiting sabi ko at napatingin naman ito sa akin. Sigurado kasi ako na kaya ito nag make up dahil sa akin. ''T-Talaga?'' nauutal na tanong nito at lalo akong ngumiti. "Yeah. Hindi mo kailangan lagi na maglagay ng make up kapag magkasama tayo. Simplicity is beauty para sa mga babae,'' sabi ko dito at bigla namang namula ang mukha n'ya. ''S-Sige,'' sabi nito sabay kuha ng tissue sa bag niya bago pinunasan ang mukha n'ya. ''Ayan, edi mas maayos na ang itsura mo,'' sabi ko at nahihiya naman itong tumango bago ako sinimulan na i-tutor. ARA POV Nakangit lamang akong nakatingin kay Aexl habang sinasagutan n'ya ang binigay kong examples sa kan'ya. S-Sinabi n'ya na mas maganda ako kapag walang make up. May gusto kaya siya sa akin? Isipin ko pa lang na liligawan ako ni Aexl ay kinikilig na ako. Crush na crush ko kasi talaga si Aexl at naiinis ako kay Janella dahil sa panlalandi nito kay Aexl. Simula kasi ng makilala ko si Aexl ay nagkagusto na ako rito. Ang cool kasi ng dating n'ya. Bad boy tignan at 'yon ang gusto ko kahit na maypagka p*rvert siya. Nakangiti lamang akong nakatingin kay Aexl na nakatungo habang nagsasagot ng bigla itong sumandal sa upuan n'ya. ''D*mn it! Hindi ko alam,'' sabi nito kaya naman medyo nataranta ako. Iniabot n'ya ang papel na ibinigay ko sa kan'ya at tinignan ko ang sinagot nya. L-Lahat ito ay mali. ''I'm sorry, Ara. Magaling kang tutor pero hindi ko talaga maintindihan,'' sabi nito. P-Paano siya makakapasa kung basic topics lang ay hindi na n'ya maipasa? ''Ganito na lang, Ara," sabi nito kaya napaharap ako rito. ''The day after tomorrow na ang exams natin. Bakit hindi mo na lang ako pakoyahin?'' sabi nito na ikinagulat ko. ''P-Pero Aexl—" ''Hep hep!'' pigil nito sa akin sabay lapit ng mukha nito sa akin. ''And as a return, pagkatapos ng exams natin. I'll make your night memorable,'' bulong nito sa akin na siyang ikinapula ng mukha ko. D-Did he mean na gagawin namin iyon? ''So, what's your answer, Ara?'' Malagkit na tingin ang ibinigay sakin ni Aexl nang sabihin n'ya iyon. P-Papayag ba ako o hindi? P-Pero ito na ang chance kong makasama sa iisang kama ang nag iisang Aexl John Fvcker.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD