Chapter 7

940 Words
AEXL POV Nandito ako sa room at kahapon na din natapos ang parusa nina Cloud. Nakaupo ako ngayon dito sa may pinakalikod habang nasa tabi ko naman si Janella at sunod naman ay si Cloud. Kagaya nga ng sabi ni nerd, kaklase ko nga siya at bakit ba hindi ko napansin 'yon noon pa? Kungsabagay, hindi naman kasi talaga head turner ang itsura ni Nerd kumpara sa iba kaya siguro wala akong pakialam sa existence niya. ''Wow, Mr. Fvcker! Buhay ka pa pala?'' sarkastikong sabi lamang ng kapapasok na Teacher na si Ma'am Argonza pagkakita sa akin. ''Syempre naman, Ma'am. Na-miss ko nga kayo eh,'' biro ko dito at inirapan naman n'ya ako bago inilapag ang mga gamit nito sa table. ''Since nandito ka na naman sa klase ko, mukhang bad luck na naman ang mayroon ako sa taon na ito,'' sabi nito at napatawa naman ang mga kaklase ko. ''Okay class, since August na ngayon at alam n'yo naman na every month ay may mga event na ginagawa tayo, hindi ba?'' ''Yes Ma'am!'' sagot naman ng mga kaklase ko. ''Now, I will discuss to you our event for this month na gaganapin next week." ''Ma'am walang klase?'' tanong ni Cloud habang nakataas ang isang kamay. ''Iyan ang hirap sa inyong mga estudyante! Por que may event akala wala ng klase! May klase pa rin tayo next week at ang mga puwede lang hindi um-attend ng klase ko ay ang mga estudyante na kasali sa mga events na idi-discuss ko,'' masungit na sabi ni Ma'am at nag reklamo naman ang mga kaklase ko na kesyo raw dapat ay walang klase para raw masuportahan g iba ang mga sasali. Kumuha ng marker si Ma'am Argonza bago nagsulat sa white board at laking gulat ko nang biglang kinabig ni Janella ang batok ko at hinalikan ako. ''Tangina, p*rn!'' sabi ni Cloud sa mahinang boses. Ginantihan ko naman ng halik si Janella habang naggagala na ang kamay ko sa katawan n'ya. "Tol t*ng*na! Palingon na si Ma'am!'' nagmamadaling sabi ni Cloud kaya mabilis kaming naghiwalay ni Janella sa isa't isa at umakto na parang walang nangyari. Mahina namang napatawa si Cloud kaya napalingon sa amin si Ma'am. ''May Problema ba, Mr. Roque?'' tanong ni Ma'am kay Cloud. ''Wala naman, Ma'am. May nakita lang akong manok na nagtutukaan,'' natatawang sabi nito kaya napakunot ang noo ni Ma'am. "Kakaiba ang imagination mo, Mr. Roque. Nasa Fourth floor tayo kaya paano ka makakakita ng manok? Unless, matataas silang lumipad o mataas lang ang dr*gs na na-take mo?,'' mataray na sabi ni Ma'am bago ipagpatuloy ang kan'yang pagsusulat sa board. Pagkatalikod ni Ma'am ay kaagad ko namang binatukan si Cloud at nagtawanan kami. ''Mr. Fvcker and Mr. Roque!" sigaw ni Ma'am. ''Sorry Ma'am,'' sabay na sabi namin ni Cloud. GWYNETH POV Tuwing free time ay naggagala-gala ako rito sa loob ng campus para ma monitor ko ang mga estudyante. As the student council President, obligasyon ko na disiplinahin ang mga estudyante at i-report iyon sa guidance. Naglalakad ako ngayon dito sa may second floor ng makasalubong ko sina Aexl kasama ang kaibigan n'ya at ang girlfriend wannabe n'yang si Janella. Kaagad namang napangiti nang malaki si Aexl ng makita n'ya na nakatingin ako sa kanila. Ang tatlong mga estudyante na kung tingalain ng iba ay akala mo mga maharlika dahil sa antas ng pamumuhay ng mga ito. Lalong lalo na si Aexl, ang anak ng may-ari ng Unibersidad na ito. ''Cloud, Janella babe, mauna na kayo sa cafeteria. Susunod ako,'' sabi ni Aexl. ''Pero babe!'' pag iinarte ng girlfriend n'ya. ''Sige na, babe. May kiss ka sa akin mamaya,'' malanding sabi ni Aexl kaya naman ngumiti si Janella bago tumango pero ng makatapat na sila sa akin at sinadya akong banggain sa balikat ni Janella kaya medyo napaatras ako. Nilingon ko naman ito at nakita ko itong ngumisi bago tumalikod. Kakaiba talaga. ''Wow naman, Pres. Sobrang sweet mo naman. Papunta ka ba sa room ko para sunduin ako at yayain akong mag lunch?'' nakangiting sabi ni Aexl ng humarap ako dito. Ang kapal talaga ng mukha. ''Nag-iilusyon ka na naman Mr. Fvcker,'' poker face na sabi ko. ''Ouch naman, Pres. Mr. Fvcker? Bakit hindi na lang babe, baby, mahal ko, sweetheart, sweety o kaya naman darling para hindi ka na mahirapan, hindi ba?'' nakangising sabi nito at napairap naman ako. ''Hanggang ngayon ay malandi ka pa din Mr. Fvcker? Bakit hindi mo subukang magbago?'' sabi ko at napatawa naman ito bago ako nilapitan at inakbayan ako. Sinusubukan kong tanggalin ang pagkaka-akbay ng tar*ntad*ng ito pero mahigpit itong naka-akbay sa akin. Sinamaan ko ito ng tingin pero nakangiting mukha ni Aexl ang sumalubong sa akin. ''Gusto mo akong magbago, Pres? Pero kung magbabago ako, hindi na ako si Aexl John ''Gwapo'' Fvcker. At saka isa pa, kung gusto mo akong magbago, pwede naman eh. Basta ba mamaya sa restroom, tayong dalawa lang,'' manyak na sabi nito. Nang medyo lumuwag ang pagkaka kapit nito sa akin ay nagmadali akong lumayo rito at hinarap siya. ''Kung natikman mo na ang lahat ng estudyante dito sa campus, pwes, ibahin mo ako Mr. Fvcker. Dahil hindi pa ako nasisiraan ng ulo para pumatol sa iyo," sabi ko na nakapagpa seryoso sa kan'ya. Cool ako nitong hinarap at tinignan daretso sa aking mga mata bago sumilay ang mumunting ngiti sa kaniyang labi. ''Siguro nga hindi ngayon, pero sigurado ako na balang araw matitikman din kita. Matitikman ko din ang nag iisang Student Council President ng Fvcker University,'' nakangising sabi nito at nag flying kiss pa ang g*go bago nakapamulsang tumalikod at bumaba ng hagdan para yata sundan ang mga kaibigan niya. Manyak talaga!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD