Chapter 6

1008 Words
AEXL POV Nakapahalumbaba akong nakangiti habang nakatingin kay Ara habang nasa harapan ko naman siya at natataranta sa pagbuklat ng kan'yang mga libro. Nandito kami ngayon sa library at sinabi ni Principal na ihihinto na raw n'ya ang parusa ko para raw makapag focus ako sa grades ko dahil ayaw na raw n'ya akong makita ulit sa susunod pang mga taon. Naalala ko pa nga kung paano na badtrip sina Cloud at Janella raw may dalawang araw pa sila ng paglilinis. ''What? Sinabi talaga yon ni Principal K?'' malakas na sigaw ni Cloud ng i-kwento ko sa kan'ya kung bakit ako pinatawag. Napangisi naman ako dahil sa naging reaksyon n'ya. ''Yeah, kaya I'm sorry bro pero iiwanan muna kita ngayon,'' natatawa kong sabi sa kan'ya at napasimangot naman siya. ''Bwiset!" sabi nito bago naglakad palayo at natawa naman ako lalo. Sunod ko namang tinignan si Janella na masama na ang tingin sa kasama kong si Ara. Mga babae talaga. Bakit ba ayaw na lang nila magsapakan bigla? Hindi sila magkakasakitan kung puro titigan ang ganap nila. Bumaling naman ang tingin sa akin ni Janella kaya naman nginitian ko siya. ''Babe?" malungkot na tawag nito sa akin bago ako niyakap nang mahigpit na para bang sinasabi nito na pag-aari n'ya ako. Walang nagmamay ari sa akin Janella, because this face, this body and this handsome guy named Aexl John Fvcker belongs to everyone. Niyakap ko din naman si Janella nang mas mahigpit dahil nararamdaman ko na nilalaro n'ya ang alaga ko sa baba. ''Janella babe, please stop. Baka hindi ako makapag pigil at bigla na lang kitang patuwarin dito sabay pasok ko sa'yo n'yang hinahawak hawakan mo," pigil hiningang bulong ko dahil nararamdaman ko na ang pagsaludo nito. Mahinang humagikgik naman si Janella bago lumayo sa akin. ''Later?'' tanong nito at napangiti ako. ''Sure—" ''Mr. Aexl, may tutor ka sa akin mamaya,'' biglang singit ni Ara kaya naman napalingon kami dito ni Janella. Kaagad na tinaasan ng kilay ni Janella si nerd. ''Si Ms. Running for c*m laude pala ito?'' sarkastikong sabi ni Janella at parang nahiya naman si nerd dahil napatungo ito. ''Teachers' favorite student. Sipsip. Nerd... panget!'' pang iinsulto ni Janella. Tumingin naman ako kay nerd na mahigpit na nakahawak sa lace ng ID n'ya na parang iiyak na. Ang ayoko sa lahat ay ang mga taong nang iinsulto para lang i-angat ang sarili nila. Lamang man si Janella sa ganda. Sigurado naman ako na lamang si Ara sa talino. Kagaya nga ng sabi ng ibang babae, 'What is beauty if your brain is empty?' Bago pa umatungal ng iyak itong si nerd ay kaagad ko itong inakbayan at hinapit sa bewang palapit sa akin na ikinagulat nilang dalawa. ''You know what, Janella. Maganda ka, panget itong si Ara," pagsisimula ko at napangiti naman si Janella. ''Pero ang lamang sa'yo ng panget na ito, siya may utak, ikaw wala,'' sabi ko bago siya iniwan na nakanganga doon habang hila-hila ko itong si Nerd Ara. Pagkatapos nang nangyari kanina noon ay dumaretso kami ni nerd dito sa library at ito na nga... Ilang minuto na kami rito pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya tapos sa pagbubuklat ng libro n'ya. ''May plano ka bang tumigil sa kabu-buklat mo ng librong iyan?'' bored na tanong ko habang nakasandal sa upuan ko at napatigil naman siya. Kanina niya pa kasi binubuklat iyon at para bang walang balak na ihinto. ''P-Pasensya na. Hindi ko kasi alam kung s-saan ka m-mahina,' pautal-utal na sabi nito at napakunot naman ang noo ko. ''E-eh, bakit h-hindi m-mo sa a-akin t-tinanong?'' panggagaya ko sa kan'ya at napatungo naman ito. Kinuha ko ang libro na hawak niya at tinignan kung anong libro iyon. Philosophy pala. ''70 ang grade ko diyan,'' sabi ko sabay balik sa kan'ya ng libro at bigla naman itong sumeryoso. ''Okay. So ito muna ang aaralin natin,'' sabi nito at napatango ako. ''Bago tayo magsimula, may kilala ka bang Philosopher?'' tanong n'ya sa akin at napaisip naman ako. ''Mayroon,'' sagot ko at napangiti naman siya. ''Sino?'' excited na tanong n'ya. Bored ko naman siyang tinignan at sumagot. ''Iyong Nanay ko. Mahilig n'ya kasing pilosopohin ang Tatay ko,'' walang ganang sagot ko at napanganga naman siya. ''A-Aexl,'' hindi makapaniwalang sabi n'ya sa pangalan ko. Mali ba ang sagot ko? ''Mali ba?'' takang tanong ko at hindi siya nakasagot. Kung gano'n, mali nga? ''I mean, 'yong mga philosopher kagaya nina Confucius, Plato, Aristotle, Socrates at iba pa,'' sabi nito at napakunot na naman ang noo ko. Sino 'yong mga 'yon? Mas gwapo ba sakin 'yon? Hindi ako nagsalita kaya naman napabuntong hininga siya. ''I-Iba na lang. Kapag naririnig mo ang salitang Philosophy, ano ang unang pumapasok sa isip mo?'' tanong n'ya. Philosophy? ''Pilosopo,'' sabi ko at tumango siya. ''Tama, iyan ang tawag kina Confucius,'' sabi nito. Edi tama ang sagot ko kanina. Pilosopo ang Nanay ko eh. ''Bukod doon, ang Philosophy o pilosopiya sa tagalog ay tungkol sa mga paniniwala, kaalaman and it is also considered as an academic discipline. Aside from that, Philosophy comes from a Greek word which means love of wisdom,'' sabi nito at tumango ako. Kung anu-ano pa ang sinabi nito sa akin pero halos wala na akong matandaan dahil inaakit ako ng babaeng nasa likod ni Ara. Panay ngiti ito sa akin habang dumadaldal naman si Ara sa harap ko kaya sa loob nang maraming oras ay wala akong naintindihan sa pinagsasabi nito. ''Okay Mr. Fvcker, hanggang doon na lang muna ang lesson natin ngayon. Pagkatapos ng klase natin bukas ay mag mi-meet ulit tayo," sabi nito at napakunot ang noo ko. ''Kaklase ba kita?'' tanong ko at natigilan ito sa pag aayos ng gamit n'ya bago tulalang tinignan ako, marahil ay nagulat sa tanong ko. ''Yes. H-Hindi mo alam?'' tanong nito at umiling ako. Mukha bang alam ko? ''K-Kaklase mo ako,'' malungkot na sabi nito at napatango na lang ako dahil wala naman akong pakialam. ''Okay. Kita na lang tayo bukas,'' sabay tayo ko at nauna ng lumabas. Sa ngayon, maninilip muna ako sa Girl's Restroom.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD