AEXL POV Para sa celebration ng pagkapanalo namin ni Janella ay ang buong section namin ay nandito sa isang korean restaurant pero ang iba ang maagang umuwi na dahil malayo pa ang bahay nila kaya iilan na lang kaming nandito ngayon. Bawat estudyante na nandito ay may kaniya kaniyang ginagawa. Inuman, tawanan, kwentuhan at ang iba ay kumakanta sa videoke. Nakaupo ako ngayon dito sa tapat ng isang lamesa katabi si Cloud at sa tabi naman ni Cloud si Janella. Kahit naman na sinabi ko kay Janella na hindi ko s'ya gusto ay hindi ito nagpakita sa akin na, naa-awkward s'ya. Gusto ko si Janella, totoo 'yon. Sino ba namang tao ang hindi magkakagusto sa babaeng ginagawa ang lahat para sa'yo kahit na walang kayo, hindi ba? Pero kagaya nga nang sabi ko, mahal ni Cloud ni Janella kaya anong laban ko?

