AEXL POV Nasa school ako ngayon at naglalakad ako papunta sa room ko. Matapos nang nangyari sa amin ni Janella noong isang araw ay napagdesisyunan ko na lumayo na sa kan'ya. Ayaw ko naman na mag away pa kami ni Cloud dahil lang sa isang babae. Habang nakapamulsa akong naglalakad ay panay naman ang bati sa akin ng mga estudyante dito at nginingitian ko naman sila at minsan naman ay kumakaway pa ako. Napatigil naman ako sa paglalakad ng may makabunggo akong sexy na babae at natapon ang mga papel na hawak nya sa lupa. ''Ano ba!'' naiinis na sabi nito sabay upo para pulutin ang mga natapon niya. Si Gwyneth pala. Tinulungan ko naman siyang pulutin ang mga papel n'ya at pagkatapos ay iniabot ko sa kan'ya. Pagkatingin nya sa akin ay tila nagulat siya kaya nagmadali nito hinablot sa akin ang p

