JANELLA POV Umiiyak akong tumatakbo ngayon palayo sa lahat. Sa lahat ng taong humuhusga na sa akin ngayon. Oo, aaminin ko na mali ako. Na pinipilit ko ang sarili ko sa isang taong hindi naman makita ang halaga ko. Pero masisisi n'yo ba ako? Mahal ko si Aexl! Mahal na mahal ko si Aexl! Umiiyak akong tumigil sa pagtakbo at napasandal sa pader habang dahan-dahang napaupo sa lapag. Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang kamay ko at ilang segundo pa ay may naramdaman akong tao na nakatayo sa harapan ko. ''Janella.'' Si Cloud. ''Janella, please look at me,'' malumanay na boses nito at dahan-dahan ko naman syang tinignan bago sumalubong sa akin ang kan'yang puting panyo na pinupunasan ang mukha ko. Bakit? Bakit ang bait bait mo? ''C-Cloud,'' pigil na iyak na sabi ko. Tumingin naman s'ya sa akin a

