GWYNETH POV Pagkagising ko ay dali-dali akong bumangon at mabilis na tumakbo papunta sa may banyo at saka ako tumapat sa may bowl bago sumuka ng sumuka. Halos isuka ko na rin ang bituka ko dahil sa pagsusuka ko. Nang matapos ko ng magsuka ay nanghihina akong napasandal sa may pader ng banyo at napapikit bago naghabol ng hininga. Masama ang pakiramdam ko at nahihilo ako. Pakiramdam ko ay pagod na pagod talaga ako. Napahawak naman ako sa tyan ko dahil sa pananakit nito. Nahihilo akong napatayo bago pagod na pagod na bumalik sa higaan ko at nahiga. Hindi kaya may masama akong nakain kagabi? O baka naman nalipasan lang ako ng gutom? Madaling araw pa lang naman kaya naman hindi ako nagmadaling kumilos para pumunta sa kusina. Nagtimpla ako ng kape at nagluto ng umagahan ko at ng makaluto na a

