Lumipas ang mga araw at balik na ako sa dating gawi. Pinilit kong maging abala sa aking mga trabaho para unti unti na ring maalis sa aking isipan si Sir William.
Hindi ko maintindihan ang aking sarili. Noon ay napapagalitan pa ako ni Ser Cortes dahil sa pagpapantasya ko sa aking amo. Pero ngayong nakita at nakasama ko na si Sir William, gusto ko namang maalis sya sa isipan ko!
Hindi ko rin kasi maintindihan itong nararamdaman ko. Akala ko ay kinikilig lang ako kay Sir William, pero bakit ang tindi ng epekto nya sa akin? Ilang araw na ang lumipas nang huli kaming nag usap pero ilang araw na ring parang may gumagalaw sa aking tyan sa tuwing naiisip ko sya.
Hay, magkakasakit yata ako nito!
"Tessa!"
"Ay, kabayo!" gulat kong sambit.
Abala ako sa aking mga iniisip nang mapukaw ang aking pansin ng isang boses.
Paglingon ko ay natagpuan ko ang iritadong itsura ni Ser Cortes. Hindi ko napansing nakapasok na pala ito sa condo.
"S-Ser...kayo pala, ginulat nyo naman ako," napahawak ako sa aking dibdib
"Ano bang nangyayari sa 'yo Tessa? Kanina pa kita tinatawag pero tulala ka naman dyan,"
Napakamot ako ng ulo,
"Pasensya na Ser. May iniisip lang kasi ako,"
Naupo ito sa may dining area
"Sabihin mo nga, ano ba talagang nangyari noong huli kayong nagkita ni Sir William?"
"P-po?" muli na namang nagkabuhul buhol ang t***k ng aking puso
"Ilang araw ka na kasing parang wala sa sarili... tulad ngayon," tugon ni Ser Cortes
"Nagkaganyan ka lang naman noong huli kayong nagkita ni Sir William. Halos hindi nga kita nakausap dahil tulala ka noong hinatid kita pauwi sa inyo,"
Ilang sandali itong tumahimik,
"Pinagalitan ka ba nya, Tessa?"
Agad akong umiling,
"H-hindi po Ser! Hindi nya ako pinagalitan,"
"Nagpasalamat lang sya dahil tinulungan ko sina Mrs Foster na maayos yung cake ng Lolo nya,"
"Yun naman pala, eh bakit ka nagkakaganyan?"
Napakagat ako ng labi. Agad akong tumungo at pinaglaruan ang aking mga daliri habang nag iisip ng isasagot.
Hindi ko rin talaga alam kung bakit ako nagkakaganito. Ang tanging alam ko lang ay hindi mapakali ang aking puso sa tuwing naaalala ang sinabi nya,
"I've never met anyone like you before... I want to know you better,"
"Maupo ka na muna dito, Tessa,"
Inangat ko ang aking tingin at lumapit dito. Naupo ako,
"Ano po yun, Ser?"
Ipinatong nito sa mesa ang dala nitong envelope at saka inilabas ang isang piraso ng papel. Inabot nya ito sa akin,
"Ito nga pala ang bayad para sa ginawa mo. Salamat Tessa ha,"
Hinawakan ko ang tseke at binasa ang halagang nakalagay,
"One hundred thousand pesos?" hindi ko napigilang sambit
"B-bakit Tessa, kulang pa ba?"
Umiling ako,
"Hindi Ser. Sobrang laki po nito...hindi naman kailangang ganito kalaking halaga ang ibigay sa akin ni Sir William,"
Natawa ito,
"Hayst, ano ka ba Tessa?! Tanggapin mo na yan... ang ibig sabihin nyan ay ginampanan mo nang mabuti ang trabaho mo,"
Napalunok ako.
"Tessa," seryosong sambit ni Ser Cortes
"Alam kong madalas ko nang sinasabi ito sa 'yo...pero... pakinggan mo sana ang sasabihin ko,"
"Marami na akong karanasan sa trabaho. Walang masamang hangaan mo ang amo natin. Pero...kung anuman ang nararamdaman mo pagkatapos ng pagpapanggap, kalimutan mo na 'yon,"
"Maganda ka...mabait...masipag. Pero si Sir William, nababagay sya sa katulad din nya,"
"Ituring mo sya bilang amo natin...kung anuman ang nangyari noong nakaraang linggo, trabaho lang yun,"
Tumango ako habang pinagmasdan ang hawak na tseke. Dapat ay maging masaya ako dahil hindi ko mapupulot nang basta basta lamang ang ganitong kalaking halaga. Ngunit may kirot sa aking damdamin. Para akong sinampal ng katotohanan na ang lahat ng ito, pati ang mga sinabi nya sa akin, ay trabaho lamang.
Umalis na rin si Ser Cortes pagkatapos naming mag usap. Pinilit ko munang iwaksi ang lungkot na nararamdaman at tinapos ang mga gawaing bahay dito sa condo ni Sir William.
Pagkatapos ay dumiretso naman ako sa aking trabaho sa coffee shop ni Ate Megan. Dahil bukas ay simula na ng long weekend kaya naging abala kami sa dami ng mga kustomer. Alas syete ang naging last call namin for orders dahil gusto ring magsara ng maaga ni Ate Megan. Nagyaya kasi ito na pumunta sa mall mamaya upang bumili ng mga karagdagang gamit para bukas.
Pagkasara ay dinaanan namin si Ate Kate sa kanyang opisina. Nag overtime din ang huli upang tapusin ang mga nakabinbing trabaho bago magbakasyon.
Game na game si Ate Megan sa pamimili ng mga susuuting swimsuit. Pati kami ni Ate Kate ay hindi nakaligtas. Tinutukso ni Ate Megan ang matalik na kaibigan tungkol sa sexy swimsuit na ipapahiram nya sa huli. Samantalang binilhan din ako ni Ate Megan ng karagdagang swimsuit.
"Salamat, mga Ate!" tugon ko.
Malaking tulong na nakapag bonding kaming tatlo sa mall. Kahit paano ay nakalimutan ko ang lungkot na nararamdaman. Dito na rin kami sa mall naghapunan.
"Hay, what a day, girls. Can't wait for tomorrow!" sambit ni Ate Megan. Hinatid na nya kami pauwi sa bahay.
Ngumiti si Ate Kate, "Makakakuha na tayo ng vitamin sea bukas. Pano, we'll go ahead. Thank you Bes,"
"Good night Ate Megan. Thank you ulit sa paghatid," sambit ko
"You're welcome, take care ladies" nakangiting tugon ni Ate Megan saka umalis
Pagkapasok sa bahay ay dumiretso na rin kami ni Ate Kate sa aming mga silid upang magligpit ng gamit at makapagpahinga. Pagkaligo ay sinimulan ko nang ayusin ang mga dadalhin kong damit bukas.
Habang nag aayos ay muli kong nakita ang tseke na nakasilid sa isang maliit na envelope. Unti unting bumalik ang lungkot na pinilit ko munang kalimutan kanina.
Kinuha ko ang aking celphone at tinipa ang pamilyar na numero upang maibsan ang aking kalungkutan
"Hello, Ate!" bati ni Veronica
"Bunso, kamusta na kayo ni Mama?"
"Eto, okay naman. Tapos na kaming kumain, ikaw?"
"Kumain na rin ako,"
"Ate, salamat pala sa pinadala mo ha. May gagamitin na akong pambili ng libro at notebook,"
"Basta pagbutihin mo ang pag aaral mo ha,"
"Oo Ate, pangako ko naman na tutulungan ko kayo ni Mama kapag nakatapos na ako,"
Ngumiti ako, "Bunso, pakausap kay Mama,"
"Sige Ate,"
Ilang sandali ay narinig ko na si Mama sa kabilang linya,
"Anak, kamusta ka na?"
"Okay naman ako, Ma,"
"Sya nga pala Anak, bukas na ba ang lakad nyo ni Ma'am Kate?"
Napangiti ako, "Opo Ma. Excited na nga po ako dahil first time kong makakapunta sa isang beach resort,"
"Masaya ako para sa 'yo Anak. I-enjoy mo lang ang pagkakataon pero h'wag kang hihiwalay kay Ma'am Kate ha. H'wag ka ring maglasing sa gabi...mahirap na,"
Natawa ako, "Opo Ma...hindi naman ako marunong magwalwal,"
"H'wag kang mag alala Ma, kapag nakaipon ako, dadalhin ko rin kayo ni Veronica sa isang magandang resort,"
"Salamat Anak," tugon ni Mama
"Ate! H'wag mong kalimutang kumuha ng picture," sambit ni Veronica
"Oo Bunso," tugon ko
"Anak, magpahinga ka na at maaga pa yata ang byahe nyo bukas,"
"Opo Ma, good night,"
Ilang sandali pa ay naputol na ang linya. Nang matapos ako sa pag aayos ng gamit ay nagpasya na akong humiga upang magpahinga.
Rring! Rring!
Tila naalimpungatan ako dahil sa tunog ng aking celphone. Inabot ko ito at natagpuan ang isang di kilalang number na tumatawag. Ala una na ng madaling araw. Napakamot ako ng ulo. Sino naman ang tatawag nang ganitong oras? Nagtataka man ay sinagot ko pa rin ito
"Hello?" medyo iritado kong sambit
"Sahara,"
Tila nawala ang aking antok at agad akong napabalikwas mula sa aking higaan pagkarinig sa pamilyar na boses
"S-Sir William?"
"Uh, sorry if I bothered you,"
Napalunok ako, "Mmm, okay lang. Bakit ka pala napatawag? At tsaka...paano mo nakuha ang number ko?"
Okay lang?! Tessa, ala una na ng madaling araw! Ano bang trip ni Babe?!
"I got your number from Fred. I asked him to give me a copy of your resume and found your Philippine mobile. Kaya nagbakasakali lang ako kung makokontak kita sa number na 'to... And luckily, I was able to reach you,"
"I hope you don't mind if I got your number without asking you. Gusto lang sana kitang kamustahin,"
Tila umurong ang aking dila. Bakit nya ako gustong kamustahin?
"I know nasa Netherlands ka that's why I thought your 7pm would be safe but I guess I should have asked you first,"
Tila nag uunahan ang t***k ng aking puso. Halos mabingi na ako sa lakas ng pagkabog nito.
Gising pa sya ng madaling araw para lang tawagan ako?
"Uh, Sahara?"
"Huh?"
"Mukhang mali yata ang timing ko ng tawag. Let me know when's the best time to call?"
"Uh...sandali!"... "Uhm, okay lang..."
"Talaga?"
"Oo,"
"Okay naman ako dito sa Netherlands... ikaw, kamusta? Diba, madaling araw dyan sa Pinas?" dagdag ko
"Yup. It's 1am here in Manila," Bahagya itong tumawa. Naiimagine ko tuloy ang kanyang mga biloy
"But it's okay. What's more important is I get to hear your voice,"
Nakagat ko ang labi. Pinipigilan ko ang sariling kiligin
"Magpahinga ka na," tugon ko
"Yes, ma'am," biro nito
"I'm staying sa hotel resort na pagmamay ari ng kaibigan ko. My friends are coming and I'll be hosting their stay in the next few days. But I'll find time to catch up with you later,"
"Ah, hindi na kailangan... ayokong makaabala sa inyong magkakaibigan... at saka magiging busy din kasi ako sa mga aasikasuhin ko dito," palusot ko
"It's okay. I'll text you first kung kailan ka libre. Don't worry, I'll adjust to your schedule, okay?"
"Okay," tila sumusuko kong tugon
"Have a great day, Sahara,"
"Matulog ka na," tugon ko
Narinig ko pa itong bahagyang tumawa bago naputol ang linya.
"Hhhay...Tessa, ano ba tong pinasok mo?" napasabunot ako ng buhok.
Inabot ko ang aking bag at inilabas ang tseke. Ilang sandali akong tulala habang pinagmamasdan ito. Bakit ba ang hirap para sa aking tanggapin ang bayad ni Sir William? Una pa lang naman ay alam kong trabaho lang ang aking ginawang pagpapanggap. Pero bakit nasasaktan ako lalo na't alam kong niloloko ko lang sya?