CHAPTER 7

2367 Words
Bumalik ako kay Ate Kate habang pinagmamasdan ako nito, "Tessa, may problema ba?" "A-ate, pasensya na, kailangan ko kasing pumunta sa isa kong amo... Tumawag kasi si Ser Cortes dahil may pinapagawa raw yung amo namin," "Ano ba yang amo mo, Tessa? Hindi ba sya marunong gumalang sa day off mo?" naiirita nitong tanong "Ate, kailangang kailangan lang daw," palusot ko. Paano ko ba sasabihin kay Ate Kate na ako ang may kasalanan dahil pumayag akong magpanggap bilang girlfriend ni Sir William?! Napabuntong hininga ito, "Anong oras ka uuwi nyan? Baka pagtrabahuin ka na naman nang sobrang late," "Hindi naman, Ate. Sandali lang naman yun," "Okay, Tessa. Ihatid na kita papunta sa condo ng amo mo," "Ah...hindi na Ate! Mag jejeep na lang ako," "Sigurado ka ba?" Tumango ako at ngumiti, "Oo Ate," "Sige Tessa, ingat ka," "Salamat, Ate. Una na ako," kumaway ako dito at umalis. Pagkalabas ko ng mall ay naglakad ako papunta malapit sa pick up point ng mga sasakyan. "Susunduin kita dyan sa mall at ihahatid na kita para maayusan ka at sa damit na susuutin mo mamaya," Pagkatapos ng ilang minuto ay dumating ang itim na kotse at huminto sa aking harap. Bumaba ang bintana nito, "Tessa, sakay na," sambit ni Ser Cortes Tumango ako at pumasok na sa sasakyan "Pasensya ka na Tessa, siguro pagkatapos nito ay hindi mo na kailangang makipagkita pa bilang Sahara sa ating amo," "Eh, Ser, bakit po ba nya ako gustong makita? May palpak po ba akong ginawa? Hindi ba nila nagustuhan yung mga cake pops? O di kaya, nahalata nya ba na hindi ako yung kinuha nyong magpapanggap na girlfriend nya?" "Paano na yan, Ser?" sunud sunod kong tanong Napakamot ito ng ulo, "Ay, ano ka ba Tessa?! Pwede bang tigilan mo muna ang kakatanong sa akin," "Hindi ko talaga alam bakit ka gustong makita ni Sir William... hindi naman sya ganyan dati. Kung may aberya, hindi ka na nya gugustuhing makita pa! Kaya hindi ko rin maintindihan...naiistress din tuloy ako!" Napatungo ako, "Pasensya na Ser, kinakabahan lang talaga ako," Pagkatapos ng ilang sandali ay huminto ang aming sasakyan sa harap ng isang boutique, "Basta Tessa, kalma ka lang. H'wag kang aamin... ako nang bahala!" Tumango ako, "Sige Ser," Bumaba na kami ng sasakyan at pumasok sa boutique. Sinalubong kami ng isang babae, "Good afternoon. How may I help you?" "Ako si Fred, kaibigan ni Madame," Ngumiti ang babae, "Kayo po pala si Mr Cortes," Bumaling ito sa akin, "Nakahanda na ang damit para kay Ms Tessa," sambit nito. "This way, ma'am," minuwestra nito ang kamay papunta sa dressing room Naupo muna si Ser Cortes sa reception habang sumunod ako sa babae. Habang naglalakad ay kapansin pansin ang mga eleganteng damit na karaniwan ko lang nakikitang suot ng mga artista at ng mga mayayaman. Hindi nakapagtataka na si Madame designer rin ang may-ari ng boutique na ito. Inayusan muna ang aking buhok at mukha ng isang hair and makeup artist. Pagkatapos ay pinasuot sa akin ang isang bestida. Muli ay halos hindi ko makilala ang sarili sa harap ng salamin. Suot ko ang isang blush pink na bestida habang ang aking panyapak ay strap heel sandals. Pinahiram din sa akin ang isang pares ng pearl earrings at gold bangle. Pagkalabas ko ng dressing room ay naroon at nagbabasa si Ser Cortes sa seating area. Bumaling ito sa amin at nakangiting tumayo, "Alam mo, Tessa, para ka talagang nagtatransform na ibang babae sa tuwing naaayusan ka," Inabot nito mula sa babae ang paperbag na laman ang aking mga gamit. "Ser, salamat ha. At least naranasan kong ma-make over. Ang sarap palang maging mayaman," sambit ko Tumawa naman ito habang inabot sa akin ang isang maliit at puting handbag, "Kaya Tessa, lubus lubusin mo na yan at bukas balik na ulit tayo sa tunay na buhay," Tumango ako, "Oo nga, Ser. Ito na rin naman ang huli naming pagkikita ni Sir William," Nagpaalam na kami sa babae at lumabas na ng boutique. Hinatid ako ni Ser Cortes patungo sa restaurant kung nasaan si Sir William, "Tessa, h'wag mong kalimutang magtext sa akin kapag pauwi ka na," Bahagya akong tumawa nang naalalang umuwi ako mag isa kagabi, "Ah, sige Ser," "Sya nga pala, ito ang face mask kung gagamitin mo," abot nito Kahit hindi naman talaga ako kilala ni Sir William ay gusto kong makasigurado kaya sinuot ko na ang face mask. "Una na ako, Ser," paalam ko bago bumaba ng sasakyan "Good luck, Tessa," sambit nito Naglakad na ako patungo sa hotel kung saan matatagpuan ang sikat na restaurant. Tulad noong una ay halos mabingi ako sa lakas ng kabog ng aking puso habang naglalakad. Parang babaligtad yata ang aking sikmura lalo't hindi ko alam kung bakit nya ba ako gustong makita. Pero, bahala na. Pagkapasok ko sa restaurant ay sinalubong ako ng isang staff, "Good afternoon, ma'am. May I know under whose reservation?" "Uh, ako po si Sahara Colts," Ngumiti ito, "Yes Ma'am Sahara. Mr Foster is already waiting for you. This way, ma'am," Hala, ang aga naman ni Sir William! Inihatid ako ng babae patungo sa isang private dining room. Lalo tuloy akong kinabhan. Abala ako sa mga iniisip nang buksan ng babae ang sliding door. Iniluwal nito ang silid kung saan nakaupo si Sir William. Sumisimsim ito ng tsaa. Pagkakita sa akin ay tumayo ito. Umalis na ang babae habang ako nama'y tila naestatwa sa aking kinatatayuan. "Sahara," Dahil sa taranta ay muli kong inihakbang ang aking paa nang wala sa loob. Dahil dito'y nawalan ako nang balanse, "Ay, kabayo!" agad ako nitong naagapan bago ako tuluyang matumba Nang iangat ko ang aking paningin ay halos kumawala ang aking puso dahil sa lakas ng kabog nito Unti unti itong ngumisi, "Mukhang kailangan mong kumain ng balut. Ang hina ng mga tuhod mo eh," Agad nag init ang aking pisngi sa hiya. Tila nagkaroon ng sariling buhay ang aking mga tuhod at agad akong tumuwid ng tayo. Agad din akong bumitaw sa kanyang hawak "Ah..haha!" tumawa ako nang wala sa loob Loko to ah. Bakit ba naman kasi palaging nanghihina ang tuhod ko kapag nakikita si Sir William! Nagmamadali akong pumunta sa aking upuan. Pinaghila naman nya ako ng silya bago ako naupo "Salamat," tugon ko Umikot ito at naupo sa kanyang silya, "What do you want to eat?" "Uh...hindi na...okay lang ako Sir--...uh, William," Ngumiti ito, "Nahihiya ka pa rin ba sa akin, Sahara?" "Uh...hindi lang siguro ako sanay na hindi kayo tawaging Sir," pag amin ko "I just wanted to personally thank you for what you did yesterday," Napaawang ang aking mga labi. Hindi ako makapaniwala sa kanyang sinabi. "My Mom and sister told me what you did for Lolo...so I want to treat you out," dagdag nito Halos mabingi ako sa lakas ng kabog ng aking dibdib. Masyado mo naman akong pinapakilig Babe! "Ganun ba...ah, wala yun. Kahit naman sino siguro ay tutulong din sa sitwasyong yun," Napangiti ito at umiling, "I don't think so. I've brought other ladies to my family in the past but you're different," tumingin ito sa aking mga mata "Bakit ka nga pala nagpapakilala ng fake girlfriends sa pamilya mo?" hindi ko napigilang itanong Ngumiti ito at tumungo. Saka ay muling bumaling sa akin, "Family pressure... my family wants me to settle down para maipakita kay Lolo that I am mature enough to handle responsibility and ultimately...the Foster Group," "But honestly, I'm not interested in settling with anyone. There's no such thing as forever in romance...So to please my family, I need a fake girlfriend to show to my family para hindi na nila ako kulitin," Hindi pa rin ba sya naka move on kay Analise? "So...have you decided on what to eat...or drink?" pag iiba nito ng usapan "Uh...ang totoo nyan, busog pa kasi ako. Kakakain ko lang din kasi ng tanghalian nang tumawag si Ser--...si Fred," "Saka, medyo masama rin kasi ang pakiramdam ko kaya nagface mask muna ako para makasigurado," "Kaya pasensya na at hindi kita masaluhang kumain," palusot ko Bahagyang nag alala ang mukha nito, "No...no, it's fine. Ako dapat ang magsorry. I shouldn't have bothered you," "Pero are you alright now?" tanong nito Tumango ako, "Oo, mas magaan na ang pakiramdam ko kesa kaninang umaga," Tila nakahinga naman ito nang maluwag "Now I'm thinking how can I make up to you," "Hindi na kailangan, William," "No...please Sahara, just let me. I have an idea where we can go," "S-saan tayo pupunta?" Muling lumabas ang mga biloy nito sa pisngi, "You'll find out later," Tumayo ito at inilahad ang kanyang kamay, "Shall we?" Nag aalangan man pero heto akong si kaladkaren at inabot ang kanyang kamay. Ito na rin naman marahil ang huli naming pagkikita kaya lulubusin ko na. Pagkalabas sa restaurant ay naglakad kami sa malawak na lobby ng hotel. Hindi ko inakala na makakatapak ako sa lugar na ito. Naririnig ko lamang ang tungkol sa hotel na ito at tanging mga mayayaman lang ang pumupunta dito. Kaya hindi ko maiwasang mamangha sa paligid. Nang makarating kami sa harap ng elevator ay pinindot ni Sir William ang elevator button. Habang naghihintay ay nagsalita ito, "How do you find the hotel?" "Ang ganda...sobrang ganda," hindi ko napigilang sambitin "Hanga ako sa manager ng hotel na ito. Napakahusay siguro nya dahil napapanatili ang ganda ng lugar na ito," Bahagya itong tumawa, "I'm glad you like this hotel," Tumunog na ang elevator at bumukas ang pinto. Pinauna nya akong pumasok saka sya pumasok. Pagkatapos nito ay pinindot nya ang elevator button ng pinakamataas na palapag. Pagkaraan ng ilang sandali ay iniluwal kami ng elevator sa nasabing palapag. Sinalubong kami ng isang lounge area. Mayroon itong bar ngunit ang pinagmamalaki nito ay ang magandang tanawin ng mga skyscraper mula sa floor to ceiling glass wall. Lumapit kami sa glass wall at pinagmasdan ang paglubog ng araw. Nag aagaw ang kulay kahel, asul, at lilac sa kalangitan. Habang ang unti unting paglubog ng gintong araw ay bumubulong ng pangako ng isang maaliwalas na gabi. Tahimik kong hinayaang maaliw ang aking mga mata sa magandang tanawin "Is everything okay?" Ngumiti ako habang nakatanaw pa rin sa malayo, "Ang ganda palang pagmasdan ng syudad mula dito sa taas. Ito na yata ang pinakamagandang sunset na nakita ko," "Kahit minsan ay nakakapagod na...o kahit na mahirap makipagsapalaran sa buhay, marami pa ring dapat ipagpasalamat," "Tulad ng tanawing ito, tulad ng paglubog ng araw, tulad ng pagkakataong ito," Muli akong bumaling sa kanya. Ang mala gintong sinag ng palubog na araw ay tumatagos sa silid at nagpalutang sa maganda nyang mukha "Salamat, ang saya ko talaga ngayon," sambit ko Tahimik nya akong pinagmasdan at ngumiti, "You're always welcome, Sahara," Nakalubog na ang araw nang nagpasya na kaming umalis. Inihatid nya ako patungo sa lobby ng hotel, "Una na ako," sambit ko. Akma na akong tumalikod upang maglakad palabas "Uh, Sahara," Lumingon ako "Ihatid na kita pauwi sa inyo," "Uh...h'wag na," Bahagya itong nadismaya sa sinabi ko "May dadaanan pa kasi ako..." dagdag ko "It's fine, most probably madadaanan ko rin naman yan pauwi so ihatid na kita," "P-pero..." Seryoso ang mukha nito, "Please, Sahara...let me drive you to where you're going. It's already dark..." Napalunok ito at umiwas ng tingin, "At hindi ako mapapalagay kung hahayaan lang kitang umalis mag isa," Hindi ko maintindihan kung bakit halos magwala ang t***k ng aking puso. Alam kong kunwari lang naman ang lahat sa pagitan namin, pero talaga bang concerned sya sa akin? Hindi na ako nakipagtalo pa at sumunod sa kanya. Sakay kami sa kanyang sportscar habang ang banayad na musika ang bumabasag sa katahimikan naming dalawa. Unang beses kong makasakay sa ganitong kagarang sasakyan kaya nangingimi pa ako. Ngunit hindi ko maitatanggi na masarap at komportable sa loob nito. Bagamat abala ang aking mga mata sa maganda at nakakaaliw na ilaw ng mga gusaling aming dinaraanan, hindi ko maiwasang sumulyap sa lalaking katabi ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na katabi ko lang ang hinahangaan kong lalaki. Ang bilis ng mga pangyayari pero parang humihinto ang mundo ko sa tuwing pinagmamasdan sya. Wala syang pinipiling angulo. Kahit sa side view ay kapansin pansin ang malalim at nangungusap nyang mga mata. Tamang tama lang ang tangos ng kanyang ilong. Manipis ang kanyang mga labi. Tila inukit ang matipuno nyang katawan. Nakasuot lamang sya ng puting polo shirt at jeans pero mistula syang modelo sa tikas ng kanyang itsura. Napasinghap naman ako nang bigla itong tumingin sa aking gawi. Muli ay gumuhit ang mga biloy sa kanyang pisngi. Dahil sa hiya ay agad kong iniwas ang aking tingin at itinuon ang pansin sa daan. Narinig ko pa itong bahagyang tumawa. Ilang sandali pa ay inihinto nito ang sasakyan sa tapat ng mall. "Dito na lang ako, salamat ulit sa paghatid," sambit ko Akma na akong lalabas nang magsalita ito, "Hold on, Sahara. Let me open the door," Agad itong bumaba ng sasakyan at umikot sa aking banda saka pinagbuksan ako ng pinto ng sasakyan, "Salamat," tugon ko pagkababa. "Good night, Sahara," sambit nito Tumango ako, "Good night, William," Tumalikod na ako at naglakad paalis nang muli ako nitong tinawag, "Sahara," Huminto ako at lumingon sa kanya, "By any chance, are you free tomorrow? Maybe coffee after work?" Muli na namang nag unahan ang t***k ng aking puso. Magkakasakit yata ako sa puso dahil kay Sir William! "Uh...magiging abala kasi ako next week dahil kailangan kong umuwi sa Netherlands," mabuti na lang at nakaisip ako ng palusot. Naging mas seryoso ang ekspresyon nito, "Ganun ba...kailan ka babalik sa Manila?" Napalunok ako "H-hindi ko kasi matiyak kung kailan ako makakabalik. May mga kailangan kasi akong asikasuhin doon," Tumango ito, "I understand," "Pano, una na 'ko," nagpaalam na ako "Sahara," muli nitong sambit "I've never met anyone like you before... I want to know you better," Ngumiti ito at bahagyang kumaway bago tumalikod. Lumingon muna ito sandali sa akin bago pumasok sa kanyang sasakyan. Ilang sandali pa ay tumunog na ang makina at umalis na ito. Halos mabingi ako sa lakas ng t***k ng aking puso. Nanatili ako sa aking kinatatayuan habang pinagmasdan ang kanyang sasakyang palayo. Tahimik na umiihip ang malamig na hangin sa gabi ngunit hindi maawat ang pagwawala ng aking puso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD