"Grabe, Bes! blooming ka ngayon, ah? Iba talaga kapag may fiancé na nag-aalaga," biro ni Ate Megan habang humihigop ng juice.
"Ikaw naman, Tessa, kailan ka ba makakahanap ng 'The One' mo? Sayang naman ang ganda mo kung puro trabaho," dagdag nito
Natawa na lang ako
"Naku, Ate Megan, trabaho muna ang priority ko. Alam mo namang—"
Ding-dong!
Naputol ang usapan namin nang tumunog ang doorbell.
"Ako na!" mabilis kong prisinta. Gusto ko ring makalanghap ng hangin para makatakas sa pang-aasar ni Ate Megan.
Pagbukas ko ng gate, napatigil ako. Isang pamilyar na itim na luxury car ang nakaparada sa labas, at nakatayo roon si Ser Cortes.
Pero malayo ito sa itsura nya noong huli kaming magkita. Bakas ang pagod sa kanyang mga mata at tila nanginginig ang kanyang mga kamay habang hawak ang isang makapal na envelope.
"Tessa," halos pabulong nyang tawag
"S-Ser Cortes, bakit po kayo napasugod?"
Bigla nya akong hinawakan sa braso, ang higpit ng kapit nya ay tila isang babala,
"Tessa, noong umamin ka kay Sir William... akala ko mawawalan na ako ng trabaho. Galit na galit sya, Tessa! Sinigawan nya ako, tinanong nya kung paano ko nagawang ipasok ang isang 'katulong' sa posisyon ng isang international model,"
Napalunok ako, "Pasensya na po Ser. Hindi ko na po kasi kayang ituloy ang pagsisinungaling noon,"
"Wala na tayong magagawa, nangyari na," hingal na sabi ni Ser Cortes.
"Pero ito ang milagro—sa kabila ng lahat, gusto ka pa rin niyang ituloy," napakamot ito ng ulo
"Hindi ko alam kung anong nakita niya sa'yo, pero heto ang dossier. Basahin mo lahat 'yan. Lahat ng tungkol sa karakter mong si Sahara. Tessa, nakikiusap ako... huwag ka nang gagawa ng butas. Isang pagkakamali mo lang, pareho tayong yari kay Sir William!"
Nanlamig ang mga kamay ko nang tanggapin ang envelope.
"O-opo, Ser."
"And one more thing," dagdag ni Ser Cortes.
"I'll pick you up tomorrow at 11:00 AM for the rehearsals and fitting."
"11:00 AM po?" gulat kong tanong.
"Ser, naka-enroll na ako sa training center. Alas-dose ang labas ko sa baking class. Pwede bang 12:30 na lang?"
Kumunot ang noo ni Ser Cortes.
"I'll let Sir William know. Pero sigurado akong hindi niya magugustuhan na may iba kang pinagkakaabalahan. Seryoso ang trabahong ito, Tessa. Don't forget that."
Tumango na lang ako. Pagkaalis ni Ser Cortes, huminga ako nang malalim bago bumalik sa loob. Dahan-dahan kong ipinatong ang dossier sa side table malapit sa sofa, pilit na itinatago ang kaba.
"Hala, Tessa! Anyare? Para kang nakakita ng multo sa labas. Iyong delivery ba, singil agad?" biro ni Ate Megan habang matalim ang tingin sa envelope.
"H-hindi...mabigat lang yung bilin ng bisor ko. Strikto lang talaga sila,"
Bahagya akong natigilan nang lumapit si Ate Megan sa dossier
"Netherlands? Wow, international project ba ito? Baka naman may kasamang Dutch prince yan Tessa, ha. Sama mo naman ako!" biro ni Ate Megan sabay tawa
"Megan, tumigil ka nga!" natatawang saway ni Ate Kate. "Hayaan mo na si Tessa, malaking kumpanya 'yan kaya siguro strikto."
Ngumiti lang ako nang pilit. Kung alam lang nila na ang binabasa ko ngayon ay hindi script para sa trabaho, kundi ang buhay ng isang babaeng gawa-gawa lang—isang kasinungalingang kailangan kong panindigan simula bukas.
****
Alas-kwatro pa lang ng madaling araw ay gising na ako. Hindi ako nakatulog nang maayos dahil paulit-ulit na naglalaro sa isip ko ang sinabi ni Ser Cortes kahapon:
“Muntik na akong mawalan ng trabaho… galit na galit siya.”
Napatingin ako sa dossier na nasa tabi ng unan ko. Kung gaano kadiin ang bawat letra sa papel, ganoon din siguro kadiin ang galit ni Sir William. Bakit pa niya ako tinulungan? Bakit pa nya gustong ako ang magpanggap na fiancee nya?
Kung tutuusin, pwede naman niyang ipakulong si Ser Cortes o ipahiya ako. Pero pinili niyang ituloy ang kontrata.
Anong laro ba ito, Sir William?
Pinilit kong isantabi ang takbo ng isip ko. Ayaw kong masira ang unang araw ko sa Metropolitan Pastry Arts Center.
Pagkatapos kong ihanda ang almusal at maglinis ng bahay ni Ate Kate ay umalis na ako patungo sa training center.
Isinuot ko ang malinis kong apron at huminga nang malalim. Sa loob ng kusina, ako si Tessa—ang babaeng nangarap na maging pastry chef bago pa man naging "Sahara".
Pagpasok ko sa classroom, agad akong napahinto. Ang bango ng paligid—amoy vanilla, bagong giling na kape, at mamahaling pabango.
Lumingon ako sa mga magiging kaklase ko. Karamihan sa kanila ay halatang galing sa alta-sociedad. Ang gaganda ng suot nilang apron, yung iba ay may burda pa ng initials nila.
May isang grupo ng mga babae sa gilid na nagtatawanan habang nakatingin sa salamin; yung isa ay kulot ang buhok at tila mataray ang tingin sa akin, yung tipong tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Pero may isa ring babae sa kabilang dulo na kumaway sa akin at ngumiti—mukhang friendly naman.
“Good morning, everyone.”
Biglang tumahimik ang lahat. Napatunghay ako. Isang lalaki ang nakatayo roon, naka-puting chef’s jacket. May gulo-gulong buhok siya at isang ngiting tila nakakabura ng lahat ng problema sa mundo.
“I am Chef Jax. In this kitchen, it doesn't matter who you are outside—kung bilyonaryo ka man o scholar. Ang mahalaga rito ay ang pasensya mo sa paggawa ng masa. Baking is like a dance, hindi ito pakikipag-away," sabi niya habang pinagmamasdan kami.
Narinig ko ang mahihinang tili at bulungan sa likuran ko.
“Gosh, ang gwapo pala talaga ni Chef Jax sa personal!”
“Sana siya na lang ang mag-bake ng heart ko,” bulong nung isa kong kaklase na tila matutunaw na sa kinatatayuan.
Pinasimulan niya ang klase sa pagpapakilala. Isa-isang nagsalita ang mga kaklase ko.
“I’m Tiffany, I want to open a cafe sa Paris.”
“I’m Monique, hobby ko lang talaga ang baking tuwing galing ako sa bakasyon sa Italy.”
Nang ako na ang tatayo, biglang nanuyo ang lalamunan ko. Naalala ko ang dossier. Naalala ko si Sahara. Pero dito... dito gusto kong maging totoo.
“I’m... I’m Tessa,” mahina kong sabi. “Gusto ko lang pong matutong gumawa ng tinapay na kasing tamis ng mga pangarap ko.”
Saglit na napatigil si Chef Jax at tumingin sa akin. Ngumiti siya—isang ngiting hindi katulad ng malamig na tingin ni Sir William.
"Nice to meet you, Tessa. I like that. Sweet dreams make the best bread.”
Nagsimula ang klase sa paggawa ng basic brioche dough. Pero sa bawat masa ko, ang mukha ni Sir William na galit ang nakikita ko. Masyado kong binubugbog ang dough. Sa halip na maging malambot, tila naging kasing-tigas ng semento ang masa ko sa sobrang stress.
"You're overworking it, Tessa,"
Nagulat ako nang maramdaman ang init sa likuran ko. Dumampi ang mga kamay ni Chef Jax sa ibabaw ng mga kamay ko. Amoy vanilla at sariwang tinapay siya—ang layo sa amoy ng lamig at kapangyarihan ni Sir William.
"Relax. Bakit parang may kaaway ka?" bulong niya habang ginagabayan ang bawat galaw ko. "Dahan-dahan lang. Pakiramdaman mo ang texture."
Sandali kaming nagkatinginan. "S-sorry po, Chef. Marami lang iniisip."
"Nandito ka sa kusina para lumikha, hindi para magdusa," nakangiti niyang sabi. "May potential ka, Tessa. Wag mong hayaang kainin ka ng takot mo."
Lumipat sya sa ibang mga estudyante. Kita ko ang matatalim na tingin ng mga kaklase kong babae pero hindi ko ito pinansin. Ang mahalaga, sa loob ng dalawang oras, nakahinga ako.
Eksaktong alas-dose nang matapos ang klase. Nagmamadali akong lumabas, pilit na tinatanggal ang bakas ng harina sa aking apron nang matigilan ako.
Isang itim na Rolls-Royce ang nakaparada sa tapat mismo ng entrance. Bumukas ang bintana at bumungad ang malamig na titig ni Sir William. Walang ngiti, walang hello. Alam kong binibilang niya ang bawat segundo ng paghihintay niya.
"Get in," maikli niyang utos.
"S-Sir William? Kanina pa po ba kayo?"
"Fred told me your schedule. And look at you..." Itinuro niya ang bahid ng harina sa dulo ng ilong ko.
"I almost fired Fred because of your little stunt, Tessa. Do you really think you have the luxury to play with flour right now?"
Bago pa ako makasagot, lumabas din si Chef Jax mula sa center. "Tessa! Sandali, naiwan mo 'yung whisk mo—"
Napatigil si Chef Jax nang makita ang sasakyan at ang lalaking nasa loob nito. Ramdam ko ang biglang paglamig ng hangin.
Tumingin si Sir William kay Chef Jax, pagkatapos ay sa akin. Ang kanyang mga mata ay naningkit—isang tingin na punong-puno ng babala
"And who is this?" tanong ni Sir William sa boses na tila nanggagaling sa kailaliman ng lupa
"I-instructor ko po... sa baking," mahina kong sagot, habang ang puso ko ay gustong kumawala sa kaba.
Lumabas ito ng sasakyan at naglakad palapit sa akin. Saka nya ako hinila papasok sa front seat. Isinara niya ang pinto nang napakalakas na tila ba isang deklarasyon ng giyera. Pagkatapos nito ay umikot ito upang sumakay sa driver's seat at agad pinaandar ang sasakyan.