CHAPTER 17

934 Words
"Ate... Ate! Gising na si Mama!" Nagulantang ako sa yugyog ni Veronica. Halos mahulog ako sa monoblock chair na tinulugan ko. Agad kong nilapitan ang aking ina. Dahan dahan nyang iminulat ang kanyang mga mata, at kahit bakas ang pagod, ang unang ibinigay nya sa akin ay isang tipid na ngiti. "Ma...salamat sa Diyos," bulong ko habang hawak ang kanyang mga kamay "Salamat sa Diyos, anak," tugon nito Maya maya pa ay dumating na ang doktor at kinumpirma ang magandang balita: ligtas na si Mama. Nang makalabas ang doktor, hindi na nakapagpigil ang aking ina "Tessa, anak, paano? Saan mo kinuha ang pambayad sa lahat ng ito? Sabi ng nars, wala na raw tayong dapat alalahanin sa mga bills," Huminga ako nang malalim, pinipilit itago ang kaba, "Ma, may...may mabait pong tumulong sa atin. Isang kliyente ko sa Manila," "Ma, hindi lang basta kliyente!" sabat ni Veronica na tila hindi na makahintay magkwento. "Isang anghel na guwapo! Matangkad, maputi, at amoy-mayaman! Siya 'yung nag-abang dito noong inooperahan kayo. Sabi ng nars, 'Sir William' daw ang tawag sa kanya." ​Nanlaki ang mga mata ng aking ina, "Sir William? Iyon ba ang amo mo sa bahay na pinagtatrabahuan mo, Tessa?" ​"Ah, hindi po Ma," mabilis kong bawi. "Si Ate Kate po ang amo ko roon, 'di ba? Si Sir William ay... isa sa mga nagbibigay sa akin ng extra na raket. Malaking project po ang ipinagkatiwala niya sa akin kaya nag-advance po siya ng tulong." ​"Kahit na, anak. Napakalaking halaga niyon. At hindi basta-basta mag-aabalang mag-stay ang isang bilyonaryo sa public hospital para lang sa empleyado niya" wika ng aking ina, may halong pag-aalala "Sya ba ang nag iwan nito?" Itinuro ni Mama ang eleganteng kahon sa side table. Ito ang cake box na niregalo sa akin ni Sir William kagabi. "Uh, opo, Ma," pag amin ko ​Binuksan ito ni Veronica at bumungad ang isang dark chocolate ganache cake. "Ate, tingnan mo! Ang ganda, 'di ba? Tikman natin, dali!" ​Kumuha ako ng maliit na piraso. Ang tamis ng tsokolate ay sumakop sa panlasa ko, pero sa bawat lunok ko ay tila may kasamang pait. Investment. Iyon ang tingin sa akin ni Sir William. At ang cake na ito? Marahil ay paraan niya lang para siguraduhing hindi ako aatras sa usapan. ​"Ate, sigurado ka bang amo mo lang 'yun?" tukso ni Veronica habang puno ng tsokolate ang bibig. "Kasi kung ako ang lalaking 'yun, at gagasta ako ng milyon para sa isang babae, ibig sabihin... type kita!" Halos mabulunan ako sa iniinom kong tubig dahil sa hirit ni Veronica. "Tumigil ka nga, Bunso! Sabi nang raket ko yun. Kumain ka na lang dyan," pagsisinungaling ko, habang ramdam ang pag iinit ng aking mga pisngi "O tama na yan. Ubusin nyo na yang cake. Sayang naman," sabi ni Mama, bagamat bakas pa rin sa mga mata nya ang pagtataka Habang masayang kumakain si Veronica at nagkukwento tungkol sa "Anghel" na si Sir William, tumayo ako at lumabas sandali sa pasilyo ng ospital. Huminga ako nang malalim. Ang sariwang hangin ng probinsya ay tila unti-unti nang humahalo sa polusyon ng aking mga desisyon. Lumipas ang anim na araw. Sinulit ko ang bawat sandali. Nagluto ako para kay Mama at Veronica, nakipaghabulan ako sa aking kapatid sa bukid, at nilanghap ko ang amoy ng luntiang paligid. Dito, ako si Tessa. Malaya. Walang utang. ​Pero sa pampitong araw, habang nakaupo ako sa tapat ng aming lumang dampa at pinapanood ang paglubog ng araw, naramdaman ko ang bigat ng katotohanan. Bukas, luluwas na ako. ​Inilabas ko ang phone ko at hinanap ang numerong hindi ko akalaing tatawagan ko uli. ​Ring... ring... ​"Speak," ang maikli at malamig na sagot sa kabilang linya. Kahit sa telepono lang, tila bumaba ang temperatura sa paligid ko. ​"Sir William... si Tessa ito." ​"I know. What's your decision?" ​Huminga ako nang malalim, pilit na pinatatag ang boses. "Pumapayag na ako. Tatanggapin ko ang alok mo. Magiging si Sahara ako." ​Nagkaroon ng sandaling katahimikan. "Good choice, Tessa. My driver will pick you up on Monday at 10AM. Don't be a second late. I don't pay for people who waste my time." Kinabukasan, lumuwas ako bitbit ang aking bayong at ang bigat ng aking bagong sikreto. Pagdating sa bahay ni Ate Kate, balak ko syang sorpresahin, "Hello Ate!-" Napatigil ako sa may pintuan ng sala. Nakita ko si Ate Kate na nakakulong sa mga bisig ni Kuya Caleb habang halos malunod sila sa init ng kanilang halikan. Nang mapansin ako ay bigla nitong tinulak palayo ang kanyang fiance. Kapwa natigilan ang mga ito. "Uh, uh, Ate Kate, Kuya Caleb, uh, sige po, akyat na ako sa taas!" dali dali akong kumaripas ng takbo paakyat ng hagdan. Pagkapasok ko sa aking silid, napasandal ako sa pinto. Napahawak ako sa aking dibdib. Ang init ng kanilang halik at ang tamis ng kanilang paglalambingan ay tila isang sampal sa akin. Iyon ang totoong pag-ibig. Iyon ang engagement na may puso. Nang hapong iyon, nagbonding kami nina Ate Kate at Megan sa bahay. Nagtatawanan sila at nagpaplano para sa hinaharap. "Tessa, buti at nakabalik ka na! Ituloy na natin ang enrollment mo sa training center ha," masayang sabi ni Ate Kate "Oo naman, Ate Kate," ngiti ko, bagamat may kaba. "Kailangan nating magsikap. May nakuha akong...malaking project. Kaya siguro magiging busy ako sa mga susunod na araw," Hindi nila alam na ang project na yon ang pinakamahirap na gampanin sa buhay ko. Sa makalawa, magsisimula ang aking bagong buhay. Ang buhay nina Tessa, Sahara at ang misteryosong si Sir William
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD