Isa isa kong binibilang ang mga barya at lukot na papel na pera sa ibabaw ng aking study. Galing ito sa huling sahod ko, tips ko sa coffee shop at ang kinikita ko sa delikadong pag dedeliver sa gabi.
Kulang pa rin
Kahit lumipat na ako sa mga foundation kanina, kulang pa rin ang halaga para sa operasyon ng aking ina. Napasubsob ako sa mesa at napapikit nang mariin. Bukas, uuwi ako ng probinsya na hindi alam kung saan kukuha ng balanse
Isang mahinang katok ang bumasag sa katahimikan.
"Sige Ate, pasok ka lang," sabi ko kay Ate Kate habang mabilis na isinilid ang mga pera sa aking pitaka. Saka ako nagsimulang isilid ang mga damit sa bag.
"Nasiguro mo nang wala kang naiwan?" tanong niya
"Oo Ate, nacheck ko na," tugon ko, pilit ang ngiti.
"May gusto pala akong ibigay sa 'yo," naupo sya sa gilid ng kama at saka may inabot na papel.
"Alam kong matagal mo nang pangarap na maging isang pastry chef kaya inenroll kita sa isang training center. Excited na rin si Megan na magbuddy ka sa kanya kung may libre kang oras sa cafe para mas lalo kang mahasa."
Napatitig ako sa papel. Sa gitna ng dilim ng buhay ko, ang mga kaibigan ko ang nagsisilbing mitsa ng pag-asa.
Maluha luha ako habang niyakap sya, "Maraming salamat Ate! Thank you sa lahat simula nang pinatuloy mo ako dito. Napakabuti mong kaibigan,"
"Pagbutihin mo Tessa. H'wag mong sayangin ang pagkakataon. Kaya mo yan!"
****
Kinabukasan, maaga akong umalis para umuwi sa probinsya. Kaarawan ko. Pero sa bawat kilometrong tinatahak ng bus, wala sa selebrasyon ang isip ko. Pagbaba ko sa terminal, dumiretso agad ako sa ospital bitbit ang mabigat na bag at mas mabigat na dibdib.
"Ate!" Tumatakbong lumapit sa akin ang kapatid ko. Mugto ang mga mata nya
"Bunso," agad kong niyakap si Veronica, "Si Mama? "
"Nasa operating room na sya, Ate. Kaninang madaling araw pa nagsimula ang prep,"
"O-operating room? Paano? Wala pa tayong deposito, diba?"
Hindi nakasagot ang aking kapatid kaya nagmadali akong nagpunta sa accounting department
"Ma'am, ang pasyente pong si Maria San Juan, bakit po isinalang sa operasyon? Magbabayad pa lang po ako--,"
"Ma'am, settled na po ang lahat ng expenses," mahinahong tugon ng staff, "Professional fees, meds, at operation -- paid in full na po,"
"S-sino? Sino pong nagbayad?"
"Ayaw po nyang magpalagay ng pangalan sa resibo, pero sabi nya, magkita raw po kayo sa garden ng ospital,"
Hindi ako makapaniwala sa narinig. Kusang nagbagsakan ang aking mga luha
"Ate...salamat sa Diyos," sambit ni Veronica
Tumango ako at pinunasan ang aking mga mata,
"Tama ka Bunso...napakabuti ng Diyos," niyakap ko sya
Sandali akong bumitaw, "Bunso, maupo ka muna sa waiting area...bantayan mo muna si Mama. Pupuntahan ko muna ang tumulong sa atin para magpasalamat,"
Tumango si Veronica at naglakad na papunta sa waiting area
Nanghihina ang mga tuhod ko habang naglalakad patungo sa garden. At doon, sa ilalim ng isang malaking puno, natigilan ako nang makita ang pamilyar na pigura.
"S-Sir William?"
Naka-casual na polo lang ito, malayo sa pormal na suot niya sa Manila.
Nang lumingon sya ay muling nagtagpo ang aming mga mata. Malamig ang tingin niya, walang galit, pero wala ring ngiti.
"B-bakit, Sir?" ang tanging lumabas sa bibig ko
"Bakit niyo ginawa ito? Napakalaking utang na loob nito... hinding-hindi ko ito mababayaran agad. Bigyan niyo lang ako ng oras, magtatrabaho ako—"
"Huwag mo munang isipin 'yan," putol niya sa akin. Naglakad sya palapit sa akin
"Nandito ako dahil ayaw kong mapahamak ang nanay mo nang dahil lang sa isang pagkakamali mo sa akin. Focus on her first."
Naglakad na ito paalis at nilagpasan ako
"S-sir William,"
Tumigil ito
"S-salamat...maraming salamat,"
****
Sa loob ng ilang oras, nanatili siya sa tabi namin ni Veronica sa waiting area. Tahimik lang kami, pero ang presensya niya ay sapat na para hindi ako gumuho.
"Uh, Sir William, kumain po muna kayo," anyaya ko matapos ang ilang oras na pagbabantay
"Kumain na muna kayo...ako muna ang magbabantay dito," tugon nya
Kukumbinsihin ko sana sya na kumain muna pero natakot akong makipagtalo
"Uh, sige Ser, pakainin ko lang muna si Veronica,"
Sinamahan ko muna ang aking kapatid sa malapit na karinderya upang makakain ito. Tiyak ay gutom at pagod na rin ito.
Pagkabalik namin sa ospital ay naroon pa rin si Sir William. Pagkaraan ng ilang oras ay lumabas na ang doktor. Agad kaming tumayo,
"Doc, kamusta si Mama?"
"Successful ang operation, Miss,"
"Salamat po," maluha luha kong tugon. Tila nabunutan ako ng tinik dahil sa magandang balita.
"Your mom's now safe, Tessa," sambit ni Sir William
"S-salamat, Sir William,"
Tila binalot ng mainit na yakap ang aking puso. Sandali, yakap?
Tila nagkabuhul buhol ang t***k ng aking puso nang mapagtantong nakayakap kami ni Sir William sa isa't isa. Nang matauhan ay agad akong humiwalay.
"P-pasensya na Ser,"
Tumikhim ito
"By the way, dadalhin na namin ang pasyente sa private room," sambit ng doktor
Tumango naman si Sir William
"Private room?" taka kong tanong
Tinignan lang ako ni Sir William at naglakad na. Agad ko namang ginising si Veronica at saka kami sumunod kay Sir William.
Kinagabihan, kasalukuyang nagpapahinga sina Mama at Veronica sa private room na kinuha ni Sir William.
"I need to go," tumayo na ito paalis
"Uh, Ser," sambit ko, "Kumain po muna kayo...hindi pa po kayo kumakain mula pa kaninang umaga,"
Nagpumilit akong itreat sya ng hapunan sa isang maliit na karinderya malapit sa ospital. Iyon lang ang kaya ng bulsa ko pero ito ang aking paraan ng pasasalamat.
Pumayag naman ito at sinamahan ako sa karinderya.
Habang kumakain, hindi ako nakatiis,
"Ser, paano ako makakabawi? Hindi sapat ang salamat,"
Ibinaba nya ang kubyertos at tinitigan ako nang seryoso,
"Gusto kong bumalik ka sa Manila at magpanggap na fiancee ko. Pero hindi lang ito simpleng date sa charity ball. Kailangan nating kumbinsihin ang pamilya ko at ang board hanggang sa makuha ko ang CEO title. Magiging fiancee kita...sa harap ng buong mundo,"
Natigilan ako, "Pagpapanggap...ulit?"
"I'll give you one week to decide, Tessa," sabi nya habang tumatayo, "Isipin mo ang kinabukasan ng pamilya mo. I'll be waiting for your call,"
Matapos akong magbayad ng aming hapunan, inihatid ko sya sa tapat ng kanyang sasakyan. Ramdam ko pa rin ang bigat ng kanyang kondisyon -- ang magpanggap na fiancee nya sa harap ng buong mundo.
"Isang linggo, Tessa," ulit nya habang binubuksan ang pinto ng SUV, "Hihintayin ko ang tawag mo,"
Tumango lang ako, hindi alam ang sasabihin. Pinanuod ko ang papalayo nyang sasakyan hanggang sa mawala ang pulang ilaw nito sa madilim na kalsada
Bumalik ako sa ospital at dumiretso sa loob ng aming private room. Mahimbing na natutulog sina Mama at Veronica. Nag ayos muna ako ng aming mga gamit at doon ko napansin ang isang cake box sa mesa. May nakadikit na maliit na card dito.
Dahan dahan kong binuksan ang card. Sa pamilyar na sulat kamay ni Sir William, may nakasulat na
"Happy birthday,"
Tila nag unahan ang t***k ng aking puso. Sa gitna ng lahat ng sakit, panlalait, at tensyon sa pagitan naming dalawa, naalala nya pa rin.
Napatingin ako sa bintana. Ang mga bituin ay kumikinang sa ibabaw ng madilim naming silid.
"Sir William," bulong ko sa hangin
Alam ko na sa sandaling iyon ang magiging sagot ko. Hindi dahil sa cake, kundi dahil sa katotohanang sa kabila ng pait ng aming nakaraan, sya pa rin ang taong handang sumagip sa akin sa tuwing malulunod ako