CHAPTER 15

1206 Words
Ilang araw na ang nakalipas mula noong hapon sa penthouse. Upang mapunan ang nawalang kita mula sa trabaho ko kay Sir William ay dinagdagan ko ang oras sa coffee shop ni Ate Megan. Bukod sa pagiging barista at janitress, tinanggap ko na rin ang pagiging delivery rider nila. Kahit pagod, kailangan kong magpatuloy. "Tessa, may order tayo ng sampung milk tea sa Plaza Hotel. Pakihatid na lang ha," tawag sa akin ni Ate Megan habang abala sya sa counter ng coffee shop Napatitig ako sa resibo. Plaza Hotel. Parang huminto ang t***k ng puso ko. "S-sa Plaza Hotel, Ate?" ​"Oo, bakit? May problema ba?" ​"Wala naman," tipid kong sagot, pero ang totoo ay nanginginig ang mga kamay ko. ​Sumakay ako sa motor at tinahak ang daan patungo sa hotel. Habang papalapit ako sa marangyang facade ng hotel, hindi ko mapigilang maalala ang hapong nagkita kami rito ni Sir William. Noon, suot ko ang isang mamahaling dress, maayos ang buhok, at bumaba ako sa sasakyan niya bilang ang eleganteng si Sahara. Kinakabahan ako noon dahil baka mahalata niya ako, pero ang kaba ko ay may halong kilig dahil sa atensyong ibinibigay niya. ​Ngayon, bumalik ako rito. Hindi bilang si Sahara, kundi bilang isang hamak na delivery girl na may dalang mga plastik ng milk tea, pawisan ang noo sa init ng araw, at nakasuot ng kupas na jacket. ​Ganito naman talaga ang dapat, Tessa. Dito ka nababagay, hindi doon sa loob bilang bisita. Pagpasok ko sa lobby, agad akong hinarang ng isang babae. Maganda ito at elegante ang suot. Marahil ay dito sya nagtatrabaho. ​"Ugh, finally! What took you so long?" maarte niyang sabi habang kinukuha ang order. Bigla siyang napangiwi habang tinitingnan ang isang cup. "Look! May spill na 'yung milk tea! Paano ko pa ito ibibigay sa team ko?! How incompetent! Gusto ko ng refund, ngayon din!" ​"Pasensya na po, Ma'am, baka po dahil sa lubak sa daan—" ​"I don't care! You delivery people are all the same. Ang bababa na nga ng trabaho, hindi pa maayos ang serbisyo," duro niya sa akin sa harap ng maraming tao. ​Sa gitna ng panenermon niya, tila naestatwa ako sa kinatatayuan nang dumating ang isang pamilyar na lalaki. Si Sir William. Naka-suit siya, mukhang seryoso, at ang kanyang presensya ay agad na kumuha ng atensyon ng lahat. Napatigil siya nang makita ako, pero agad na naging malamig ang kanyang mga mata. ​"Babe, look at this! She ruined my drink!" sumbong ng babae. ​Tiningnan ni Sir William ang milk tea, pagkatapos ay tumingin siya sa akin nang may halong insulto. Walang bakas ng kahit anong emosyon kundi pandidiri. ​"Huwag mo nang pag-aksayahan ng panahon 'yan," sabi niya sa babae. "Hayaan mo na ang refund. Maliit na halaga lang 'yan para sa mga taong ganyan ang trabaho. They live for tips and refunds anyway. Halika na, mag-coffee na lang tayo sa labas, I'll treat you out," ​Hinila niya paalis ang babae nang hindi na ako muling tiningnan. Naiwan akong nakatayo sa gitna ng lobby, pilit na nilulunok ang bara sa aking lalamunan habang pinagtitinginan ng mga hotel staff. Pagbalik ko sa coffee shop, dumiretso ako sa kusina at naghugas ng mga plato. Nanlalabo ang aking mga mata dahil sa namumuong luha. Pilit kong iwinaksi ang mukha ni Sir William at ang kanyang masasakit na salita pero tuluyan nang bumagsak ang aking mga luha. Agad kong inangat ang kamay upang ipunas ang apron sa aking namamasang mga mata. Ilang sandali, tumunog ang celphone ko. Si Veronica. Agad kong hinila ang phone ko, "Hello, Bunso?" "Ate...si Nanay...isinugod sa ospital. Sabi ng doktor kailangan daw operahan agad," humihikbi ito, "Seventy thousand daw ang kailangang deposito. Saan tayo kukuha ng pera, Ate?" Napaupo ako sa sahig, "O-oo, Bunso...gagawa ng paraan si Ate...h'wag kang mag-alala," Tuluyan na akong humagulgol nang mag-isa "Tessa!" Agad na lumapit si Ate Megan "Anong nangyari, Tessa?" Inalo ako nito "Si Mama...nasa ospital. Kailangan ko ng pera, Ate," sabi ko habang humihikbi "Heto, may natitira pa akong ipon, kunin mo muna," alok nito. Pinaupo muna ako ni Ate Megan sa isang sulok ng kanyang mini office at pinainom ng tubig Saktong dumating din si Ate Kate, "Tessa," agad itong lumapit sa akin Sinabi sa kanya ni Ate Megan ang nangyari. Nagbigay din si Ate Kate ng tulong. Pero alam naming lahat na kulang pa rin ito. Napakalaking halaga ang kailangan "S-salamat, mga Ate," nanginginig kong sabi "Kailangan ko pang humanap ng trabaho," bulong ko sa sarili "Kahit anong part time basta kumita ako sa gabi," Kahit delikado, nag-apply ako bilang night delivery rider sa isang restaurant na tumatanggap ng orders hanggang madaling araw. Mula gabi hanggang umaga ay tuloy ang aking pagkayod para lang sa bawat sentimong maidadagdag ko sa bills ng aking ina Dalawang gabi na akong halos walang tulog. Pagkatapos ng shift sa coffee shop, isinusuot ko ang aking reflectorized jacket at helmet para sa night delivery service. Alas-dos na ng madaling araw, at kailangan kong ihatid ang huling order sa isang liblib na subdivision. ​Habang binabaybay ko ang isang madilim na kanto, biglang may tatlong lalaking humarang sa motor ko. ​"Hoy, miss! Saan ang punta natin? Mukhang marami tayong dala ah," pang-uuyam ng isa habang hinahawakan ang manibela ko. ​"Bitawan niyo ako! May trabaho ako!" sigaw ko, pilit na binabawi ang motor. Sa gitna ng pagkapanic ko, natabig ng isa ang bag ko. Kumalat ang laman nito sa kalsada—ang aking pitaka, ang charger, at ang mga pinrint kong screenshots ng hospital bills at medical certificate ng aking nanay. Ipinrint ko ang mga iyon kanina bago magduty para sana ilapit sa mga foundation bukas, pero ngayon, nagliparan na ang mga ito sa maruming semento ​"Ano 'to? Hospital bill? Mukhang kailangan mo ng pambayad, ganda. Tulungan ka na namin," tawa ng isa pa habang hinahawakan ang braso ko. ​"Bitawan niyo siya!" ​Isang malakas na boses ang bumasag sa kaguluhan. Kasabay nito ang liwanag ng headlight ng isang itim na SUV na tumigil sa tapat namin. Bumukas ang pinto at lumabas ang isang lalaki. Naka-formal wear pa ito, medyo maluwag ang kurbata, tila galing sa isang formal event. Habang papalapit sya sa amin ay tila binuhusan ako ng nagyeyelong tubig at nanlamig ang aking mga kamay. Hindi ako maaaring magkamali. Ang kanyang tindig...ang kanyang pabango. Si Sir William. ​Nang makita ng mga tambay ang tindig niya at ang mamahaling sasakyan niya, agad silang nagpulasan ng takbo. ​Naiwan akong nanginginig, nakaluhod sa semento habang pinupulot ang mga gamit ko. Lumapit si Sir William. Hindi ko siya matingnan. Sa lahat ng tao, bakit siya pa ang kailangang makakita sa akin sa ganitong kalagayan? ​"Tessa?" bulong niya. May halong gulat at hindi maipaliwanag na emosyon ang boses niya. ​Yumuko siya para tulungan ako, at doon niya napulot ang isang papel. Ang hospital bill. Nakita ko ang pagtiim ng kanyang bagang habang binabasa ang pangalan ng ospital at ang pangalan ng nanay ko. ​Tumingin siya sa akin. ​Hindi ako sumagot. Mabilis kong kinuha ang mga papel, sumakay sa motor, at pinasibad ito palayo sa kanya. Ang tanging narinig ko ay ang hanging sumasabay sa aking paghagulgol.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD