CHAPTER 14

1270 Words
Kinabukasan, bagamat hindi ako dinalaw ng antok sa pagsulat ng aking resignation letter kagabi ay maaga akong naghanda ​Pinili kong pumasok sa huling pagkakataon. Pero bago ako magsimula, nakiusap ako kay Ser Cortes na magkita kami mismo sa penthouse ni Sir William. Maya-maya pa ay narinig ko na ang pagbukas ng pinto. Pumasok si Ser Cortes na may malapad na ngiti. Agad niyang inilapag ang kanyang bag sa counter at tiningnan ako nang may halong panunukso. ​"Oh, Tessa! Nandito ka na pala agad. Akala ko ba bukas pa ang balik mo sa shift? Ang aga mo naman yata para sa isang taong galing sa bakasyon sa resort!" bati niya habang masayang inililibot ang tingin sa paligid ​Tumawa siya nang bahagya at lumapit sa akin. "O, bakit napa-text ka na kailangan nating magkita rito? Huwag mong sabihing bitin ka sa bakasyon at hihingi ka pa ng extension?" Napatigil siya nang mapansin niyang hindi ako tumatawa. Tiningnan niya ang hawak kong puting sobre na nakapatong sa lamesa. Unti-unting nawala ang ngiti niya at napalitan ng pagtataka. "Bakit ganyan ang mukha mo? Teka, ano bang pag uusapan natin? Akala ko ba iuupdate mo lang ako sa stocks na kailangan dito?" ​"Ser, hindi po tungkol sa extension ang pag-uusapan natin," mahina kong simula. Kinuha ko ang puting sobre na nakapatong sa mesa at iniabot sa kanya. "Heto po. Resignation letter ko po." ​Napatigil si Ser Cortes. Ang malapad niyang ngiti ay unt-unting naging isang linya ng pagtataka. Kinuha niya ang sobre at binuksan iyon, habang mabilis na binabasa ang bawat salita ​"Tessa? Anong ibig sabihin nito?" tanong niya, ang boses niya ay wala na sa mood na mang-asar "Bakit? Akala ko ba masaya ka rito? Halos mahigit anim na buwan ka na rito, at alam mong ikaw ang pinaka-pinagkakatiwalaan ni Sir William sa lahat ng naging katulong nya. Anong nangyari?" ​"Wala po, Ser. Narealize ko lang po na... kailangan ko nang humanap ng ibang direksyon. Gusto ko na pong bumalik sa pag-aaral gaya ng napag-usapan namin ni Ate Kate," pagsisinungaling ko nang bahagya para hindi na siya magtanong pa. ​Bumuntong-hininga si Ser Cortes, bakas ang panghihinayang sa kanyang mukha. "Sayang, Tessa. Napakadalang ng katulong na kasing-sipag mo. Pero kung 'yan ang desisyon mo, wala akong magagawa. Sige, i-pro-process ko ito sa office bukas. Pero paki-finish na lang itong shift mo ngayong araw para maayos ang turnover, ha?" ​"Opo, Ser. Salamat po," sagot ko. "Ser, isasauli ko na rin po pala ito," hawak ko ang paperbag na laman ang mga pinahiram sa aking damit noong nagpanggap akong bilang Sahara, "Pati na ang bayad. Ayoko na pong tanggapin," "Tessa, h'wag ka namang ganyan. Pinagtrabahuan mo yan. At yung mga damit sa 'yo na yan," pagtanggi ni Ser Cortes bago sya lumabas ng pinto "Iwan mo na lang muna dyan kung ayaw mo," Naiwan akong mag-isa sa penthouse. Ibinaba ko ang paperbag at ang tseke sa counter at nagsimulang maglinis nang buong maghapon. Nilinis ko ang buong sulok, nilabhan ang mga kurtina, at inayos ang mga damit ni Sir William Bandang hapon na nang matapos ako. Alam kong sa makalawa pang linggo babalik dito sa Manila si Sir William, kaya buong maghapon akong nagtrabaho dito sa kanyang penthouse. Gusto kong sa huling pagkakataon ay mapanatili kong malinis at maayos ang kanyang tahanan. Isinakbit ko ang lumang backpack at dahan dahang naglakad sa pinto. Bago ko puyutin ang door handle, napatigil ako. Lumingon ako at sa huling pagkakataon ay pinagmasdan ang condo unit. Isang bahagyang ngiti ang gumuhit sa akin - pinaghalong saya at kirot. Naalala ko ang mga araw na mag isa ako rito, nangangarap habang naglilinis ng kanyang mga gamit. Masaya ako dahil naging bahagi ako ng buhay nya kahit sa anino lang. Pero masakit, dahil sa paglabas ko sa pintong ito ay hinding hindi na muling magtatagpo ang mundo naming dalawa. Ngunit bago ko pa mahawakan ang seradura, biglang bumukas ang pinto mula sa labas. ​Napaatras ako. Si Sir William. ​Hinihingal siya, gulo-gulo ang buhok, at ang kurbata niya ay maluwag na—tila ba nagmadali siyang umuwi. Ang paborito niyang magandang ngiti ay agad sumilay, pero panandalian lang iyon. Agad itong napalitan ng kalituhan nang makita nya ako ​"Tessa?" bulong niya, ang boses niya ay puno ng pagtataka. "Anong... bakit nandito ka?" ​"S-Sir William" mahina kong sabi, pilit na pinapatatag ang sarili. "Nag-resign na ako. Umuwi ka pala nang maaga." ​"Umuwi ako dahil sabi ni Fred, aalis na ang 'katulong' ko," hakbang niya palapit, ang mga mata niya ay nagsimulang mag-scan sa buong paligid hanggang sa huminto ito sa counter. "Pero bakit ikaw ang narito?" ​Doon ko nakita ang unti-unting pagbabago sa kanyang ekspresyon. Ang gulat ay naging pagdududa, hanggang sa mahagip ng mata niya ang paper bag na may nakalawit na gown at ang maskarang ginamit ko sa party. ​Nilagpasan nya ako at dumiretso sa paperbag ​"Ito... ito 'yung damit ni Sahara," paos niyang sabi, ang galit ay nagsisimulang gumaralgal sa kanyang boses. "Si Sahara... at ang babaeng kasama ko sa resort... ikaw at ang katulong ko ay iisang tao lang?" Napalunok ako. Wala na akong matatakbuhan. Nag unahan sa pagbagsak ang mga luhang hindi ko na kayang pigilin. Nanigas ako sa aking kinatatayuan. Ang katahimikan sa loob ng penthouse ay nabasag lamang ng mabigat na paghinga ni Sir William. Kinuha niya ang gown at ang maskara mula sa paper bag, at tiningnan ako na tila ngayon lang niya ako nakilala nang lubusan. ​"So, ito ang dahilan?" simula niya, ang kanyang ngiti ay napalitan ng isang mapait na ngisi. "Kaya pala kabisadong-kabisado mo ang bawat sulok ng buhay ko. Kaya pala alam mo kung paano pagaanin ang loob ko sa text, kung paano kunin ang loob ko sa party at sa resort... dahil sa loob ng maraming buwan, pinapanood mo ako mula sa dilim habang naglilinis ka ng sahig ko!" ​"Sir William, hayaan mo akong magpaliwanag—" ​"Magpaliwanag para saan?!" sigaw niya, na nagpaatras sa akin. "Na ginawa mo akong tanga?" binato nito ang liham ko sa sahig "Tessa, sinabi ko sa'yo ang mga bagay na hindi ko masabi sa kahit kanino dahil akala ko, nakahanap ako ng taong makakaintindi sa akin. Pero ang totoo, pinagtatawanan mo lang pala ako habang naghuhugas ka ng mga plato ko!" ​"Hindi kita pinagtatawanan!" sigaw ko pabalik, ang mga luha ay tuluyan nang bumuhos. "Akala mo ba madali sa akin ang magpanggap? Pinakiusapan ako ni Ser Cortes! Wala akong mahanap na dahilan para tumanggi dahil kailangan ko ng pera at dahil..." Napatigil ako. Hindi ko kayang sabihin na matagal na akong may nararamdaman para sa kanya "Dahil ano?" hamon nya, nanlilisik pa rin ang mga mata "Dahil wala akong nagawa!" pilit kong itinago ang tunay na dahilan Humakbang siya palapit, ang mga mata niya ay puno ng poot. "Ang lakas ng loob mong pumasok sa mundo ko at saktan ako nang ganito. Akala ko iba ka sa lahat ng babaeng nakilala ko na pera lang ang habol. Pero wala ka palang pagkakaiba sa kanila—isang malaking kasinungalingan." ​Nagkuyom ako ng aking mga labi. Ang bawat salita niya ay parang latigo na humahagupit sa puso ko. "Tama ka. Isa lang akong malaking kasinungalingan sa buhay mo. Kaya heto na, 'di ba? Nag-resign na ako. Malaya ka na sa 'distraction' na gaya ko!" ​"Umalis ka," mahina pero madiin niyang sabi. Hindi niya ako tiningnan. Hindi na ako sumagot. Agad kong kinuha ang bag ko at tumakbo palabas. Kasabay ng tunog ng nabasag na kagamitan mula sa kanyang penthouse ay ang pagkadurog ng puso ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD