CHAPTER 13

1281 Words
Mabilis na lumipas ang isang linggo sa resort. Hindi na ako iniwasan ni Sir William; sa halip, naging mas mabait siya sa akin. Para kaming bumalik sa gabing iyon kung saan pinagsaluhan namin ang isang sayaw. Tinuruan niya ako sa bawat water activity, palaging nakasubaybay, palaging nakangiti ang mga dimples niya. Sa bawat hawak niya sa kamay ko habang sumasakay sa longboard, mas lalong napapalapit ang loob ko sa kanya. ​ Matapos ang masasayang surfing lesson namin, pakiramdam ko ay lumulutang ako sa ulap. Ang mga hawak niya sa baywang ko, ang mga ngiti niyang tila para sa akin lang, kung paano nya iparamdam na espesyal ako sa kanya —lahat ’yun ay nagbigay sa akin ng lakas ng loob. Ngayong gabi, sasabihin ko na sa kanya ang lahat bago kami umalis ng resort bukas. Sa totoo lang ay kinakabahan ako...pero hindi ko na sya kayang lokohin. Bahala na, basta wala nang lihim. Naglalakad ako pabalik sa lobby nang mapadaan ako sa private veranda ng bar. Nakita ko si Sir William na nakaupo kasama sina Kuya Caleb at Mr Campbell. Balak ko sana siyang tawagin, pero napatigil ako nang marinig ko ang pangalan ko. ​"Bro, aminin mo na. Ngayon lang kita nakitang nag invest ng time para sa isang babae ah. What's the real score between you and Tessa?," asar ni Kuya Caleb "Iba rin ang ganda niya. Isasama mo ba siya sa Anniversary Gala ng kumpanya niyo?" tanong ni Mr Campbell ​Uminom si Sir William ng alak bago sumagot. Ang boses niya ay malamig, malayo sa malambing na boses na narinig ko sa dagat kanina. ​"Sa Gala? Don't be ridiculous," maikling sagot nito. Tumawa siya nang bahagya, pero walang bakas ng saya. "Look, she’s a breath of fresh air. Masayang kasama habang nandito tayo sa resort. Pero alam niyo naman ang mundo natin—the board of directors, my family... they expect a certain pedigree. Isang malaking gulo lang kung isasama ko sya sa reality ko. Distractions like her... they don't belong in my world," Ang lakas ng loob na naipon ko kanina para magtapat ay biglang naglaho na parang bula. Ang tanga ko. Akala ko, sapat na ang nararamdaman namin para lampasan ang pagkakaiba namin. Pero ako lang pala ang nahulog. Para sa kanya, isa lang pala akong "bakasyon" mula sa totoong buhay niya. Isang "distraction" na hindi niya pwedeng ipakita sa mundo niya. ​Napaatras ako, dahan-dahan, hanggang sa tumakbo na ako palayo. Para akong sinaksak nang paulit ulit. Ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan ay tuluyan nang bumuhos. "Ang tanga mo, Tessa," sambit ko habang humahagulgol sa loob ng aking kwarto. Muntik ko nang isipin na mahal niya ako. Pero paano niya ako mamahalin kung ang tingin niya sa akin ay isang distraction lang na kailangang itago? ​Doon ko binuo ang aking desisyon. Hindi ko na hihintayin na malaman niya ang totoo. Mas mabuti pang mawala na lang ako nang kusa bago niya pa ako tuluyang itapon. ​Kinabukasan, sa hotel lobby, oras na para magpaalam. Naroon si Sir William, nakatayo nang matikas habang kausap si Kuya Caleb. Sabay kaming dumating nina Ate Kate at Megan. "I hope you all enjoyed your stay dito sa resort," bati nya "Oo, sobra kaming nag enjoy sa lugar at sa amenities. We had a wonderful vacay, thank you!" tugon ni Ate Kate Saglit siyang tumingin sa direksyon ko, tila naghihintay ng sasabihin, pero nanatili akong tahimik. Iniwas ko ang tingin ko. Wala na akong dapat sabihin. Tumikhim ito at bumaling kay Kuya Caleb, "Oh pano, ingat kayo sa pag uwi," Tumango naman si Kuya Caleb, "Mauna na kami, see you in Manila in 2 weeks," Nagpaalam na kami upang umalis. ​Sa buong byahe pauwi, nakasandal lang ako sa bintana, pinagmamasdan ang nagliliparang mga puno. Ang bigat ng dibdib ko ay parang sasabog. ​"Tessa, okay ka lang ba?" tanong ni Ate Kate Agad napukaw ang aking pansin mula sa aking mga iniisip, "O-oo Ate Kate, ayos lang ako. B-baka napagod lang siguro," pilit akong ngumiti ​Pagdating sa bahay, habang kami ay nagmemeryenda, muli niya akong tinanong. "Tessa, kanina ka pa tahimik at mukhang malalim ang iniisip. May problema ba?" ​"W-wala Ate, pagod lang ito" mabilis kong denial. "Si William ba?" Agad nag-init ang aking mga pisngi "Ate Kate, wala namang masamang ginawa si Sir William," muli kong nalasahan ang pait. Sinabi lang ni Sir William ang katotohanan. Ang tulad nya na galing sa "high class" background ay hindi nababagay sa tulad ko. Ako lang naman ang umasa. "Siguro po napag iisip lang ako kung anong plano ko sa buhay," dagdag ko "Hindi ba balak mong mag-aral ulit? Bakit hindi mo subukan?" tanong niya sa akin ​"Oo Ate, gusto kong mag aral ulit kapag may pagkakataon," sabi ko, habang nakatingin sa mga kamay ko. "Nag-iipon din ako. Kaya lang, pinanghihinaan ako ng loob kung kakayanin ko pa ba. Baka pagtawanan lang ako ng mga kaklase kong mas magaling sa akin." Tinapik nya ang aking balikat, "Tessa, kaya mo ulit mag aral. H'wag mong isipin ang ibang tao. Hangga't wala kang ginagawang masama, ang importante ay paunlarin mo ang iyong sarili," "Salamat, Ate Kate," "At nga pala, birthday mo na sa susunod na linggo diba? Pwede ka naman magbakasayon sa inyo kung gusto mo. H'wag mo na rin isipin ang pamasahe, sagot ko na yun," nakangiti nitong sambit "Talaga Ate? Salamat!" Ang bait talaga ni Ate Kate. Kahit paano ay gumaan ang pakiramdam ko. Miss na miss ko na sina Mama at Veronica. ​Kinagabihan, halos natutulog na ang lahat pero gising na gising pa rin ang diwa ko. Nakaupo ako sa aking study, nakatitig sa blangkong papel sa harap ko. Ang tanging liwanag sa silid ay ang maliit kong desk lamp. Tahimik ang buong bahay, pero sa loob ko, napakaingay. ​Naalala ko noong baguhan pa lang ako sa paglilinis ng penthouse ni Sir William. Noong hindi ko pa alam ang mukha niya, ang bango lang ng kanyang pabango sa mga unan at ang ayos ng kanyang mga gamit ang nagbibigay sa akin ng ideya kung sino siya. Nakakatawang isipin na noon, sapat na sa akin ang mangarap nang galing sa malayo habang nag-aayos ng kanyang mga damit. Simple lang ang buhay ko noon—isang hamak na tagalinis na humahanga sa kanyang boss. ​Pero ang isang linggo sa resort ang nagpabago sa lahat. Pinatikim niya sa akin ang isang buhay na akala ko ay pwede kong pag-arian. Ang mga ngiti niya, ang mga dimples na 'yun... akala ko totoo. Pero narinig ko na ang katotohanan. Hanggang doon lang ako—isang panandaliang saya. Isang distraction. ​Nagkuyom ako ng labi. Hindi ako nagagalit sa kanya. Siguro, nagagalit ako sa sarili ko dahil umasa ako na ang isang katulad ko ay magkakaroon ng puwang sa mundo ng isang katulad niya. Oras na para magising. Oras na para bawiin ang piraso ng sarili ko na naiwan ko sa condo unit na 'yun. ​Kinuha ko ang ballpen at sinimulang isulat ang aking huling mensahe para sa kanya, bilang kanyang tagalinis. ​Sir William, ​Magandang araw po. Isinusulat ko ang liham na ito upang pormal na magbitiw sa aking tungkulin bilang tagapangalaga ng inyong tahanan. Naging ​karangalan ko ang panatilihing maayos ang inyong pribadong espasyo. Marahil ay hindi niyo ako kilala o napapansin, ngunit naging bahagi po kayo ng aking pang-araw-araw na pagsisikap. Gayunpaman, dumating na po ang panahon na kailangan ko nang asikasuhin ang sarili kong pangarap at ang aking pamilya. ​Salamat po sa pagkakataong magsilbi. Nawa’y manatiling maayos at mapayapa ang inyong tahanan, kahit wala na ako sa inyong likuran. ​Lubos na gumagalang, Ang inyong kasambahay ​
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD