CHAPTER 2

1237 Words
"Hi, Tessa!" masayang bati ni Ate Megan sabay kaway nito pagkapasok ko sa coffee shop. Inabot nito ang sukli at resibo sa nakapilang customer. Puno ng mga customers ngayon ang coffee shop. "Hello, Ate Megan!" nakangiti kong tugon. Sakto lang ang dating ko sa oras ng aking part time duty. Agad akong nagtungo papunta sa staff room at isinabit ang aking body bag. Saka ako nagsuot ng apron at hairnet. Lumapit ako kay Ate Megan sa counter upang tignan ang mga nakapilang order, "Tessa, pakihanda mo na muna yung mga drink orders," sambit nito "Sige Ate," tugon ko at dumiretso na sa kusina upang maghugas ng kamay. Doon sa kusina ay abala ang isa naming kasama sa pagluluto ng mga pagkaing orders. Agad na akong bumalik sa counter upang magtimpla ng mga iced coffee drinks. Matapos ang ilang sandali ay dumating na rin si Ate Kate "Hi, Tessa," nakangiti nitong sambit at bahagyang tinapik ang aking balikat. "Hi, Ate Kate," Pumasok sya sa kusina upang kunin ang mga nalutong orders pati na rin ang mga nagawang iced drinks. Tinulungan nya si Ate Megan sa pagdadala ng mga order ng customers. Byernes ngayon kaya maraming kumakain sa coffee shop. Tuwing Byernes ng hapon ay full force kaming apat. Dahil sa dami ng customer ay kinailangan naming mag extend ng oras. Nang matapos kami sa pagtatrabaho ay dito na rin kami pinakain ni Ate Megan ng hapunan. Umuwi na ang isa naming kasama pagkatapos kumain habang nagpatira pa kaming tatlo, "Haay, kakapagod..." sambit ni Ate Megan "At least marami tayong naging benta," tugon ni Ate Kate "Girls, salamat ulit sa tulong, ha. Ibubukas ko na lang ang coffee shop ng ala una bukas para makatulog pa nang mas mahaba. At hindi nyo rin kailangang tumulong dito bukas kasi weekend na," ani Ate Megan "Ate Megan, okay lang. May duty rin naman ako dun sa isa kong amo bukas kaya didiretso na lang ako dito," tugon ko "Tessa, sigurado ka ba? H'wag mong masyadong pagurin ang sarili mo," ani Ate Kate "Oo nga, Tessa," segunda ni Ate Megan "Sya nga pala, kamusta na si Babe?" dagdag nito Hindi ko maiwasang makaramdam ng kilig. Pareho nilang alam ang pagkahumaling ko sa isa kong amo "Mmm...ganun pa rin naman. Di ko pa rin naman sya nakita o nakilala. Pero...wala syang ka-date sa kanyang bahay ngayon!" tugon ko "Maayos ba ang turing sa 'yo nung assistant nya? Sino nga ba yun...?" ani Ate Kate "Oo, Ate. Si Mr Cortes. Maayos naman ang turing nya sa akin...yun nga lang, may pagkamasungit lang. Pero pinapasweldo naman ako ng aking amo nang maayos. Parang mas maganda rin nga yung setup namin kasi at least malaya akong nakakagalaw habang naglilinis at nagluluto sa bahay nya," tugon ko Tumango naman si Ate Kate, "Basta Tessa, h'wag kang masyadong mahumaling sa lalaking 'yon. Ni hindi mo nga sya lubos na kilala. At playboy yun!" "Opo Ate Kate," sabat ni Megan na niloloko ang kanyang matalik na kaibigan. Inirapan naman ito ng huli "Bes, hayaan mo na si Tessa na mag admire kay Babe," sambit ni Ate Megan "At tsaka parang ikaw lang yan, inspired kay Papa Caleb!" dagdag nito kaya lalo naming inasar si Ate Kate Halata namang kinilig din ito, "Mga loko talaga kayo," "Basta Tessa, h'wag mong kalimutan ang pag aaral mo. Alam mo naman na willing akong tulungan ka sa pag aaral mo ng baking," dagdag nito "Ang dami mo nang naitulong sa akin, Ate Kate. Kaya nag iipon ako nang husto para may magamit ako sa pag eenroll. Pag natapos ko nang ihanda itong pambayad sa tuition ng kapatid ko, mag eenroll na ako," "Nandito lang kami para sumuporta sa 'yo," ani Ate Megan "Salamat mga Ate," Bago kami umuwi ni Ate Kate ay binigay sa akin ni Ate Megan ang aking sahod para sa linggong ito. Binigyan nya rin kami ng mga cupcakes Nang makauwi na kami sa bahay ay nagpaalam sa akin si Ate Kate na aakyat na ito upang magpahinga "Tessa, magpahinga ka na rin," "Sige Ate, iayos ko lang itong mga cupcakes," Matapos kong ilagay ang mga cupcakes sa ref ay inilock ko ang gate pati na ang mga pinto. Saka ko pinatay ang mga ilaw sa baba at umakyat na patungo sa aking silid. Dumiretso ako sa banyo at saka nagsipilyo at naligo. Basa pa ang aking buhok nang kinuha ko ang aking celphone. Naghanap ako sa aking Contacts list at saka tumawag, "Ate Tessa! Kamusta na?" Napangiti ako, "Bunso! Mabuti naman, kamusta kayo nina Mama?" "Okey naman kami," "Bunso pakibigay ang celphone kay Mama," "Okay Ate!" "Anak?" "Ma, kamusta na kayo?" "Okay naman kami ng kapatid mo. Kamusta ka na? Kumain ka na ba?" Tumango ako, "Opo Ma. Okay naman ako dito," "Napatawag ka Anak?" "Na-miss ko lang kayo Ma," "Miss na miss ka na rin namin Anak. Pasensya ka na Anak at wala akong maayos na trabaho...kung maayos sana ang aking trabaho edi sana nakakapag aral ka at magkasama tayo ng kapatid mo," "Ma, h'wag mong sisihin ang sarili mo," "Para sa akin, kayo pa rin ang the best nanay para sa amin dahil sa pag aalaga at pagmamahal mo sa amin," unti unting nag init ang aking mga mata at ilong Mag isa lamang kaming itinaguyod ni Mama. Halos lahat ng maaaring pagkakitaan ay ginagawa nya, mula sa paglalabada hanggang sa paglalako ng mga paninda. Naalala ko pa noong bata ako, tumutulong ako kay Mama na maglako ng okoy sa aming barrio para may pambaon ako sa eskwela. Ang tanging pangarap ko ay mabigyan sila ng maayos na pamumuhay. Dahil walang masyadong oportunidad sa aming probinsya kaya nakipagsapalaran ako dito sa Manila. Ngunit dahil high school lang ang aking natapos ay hirap akong makakuha ng permanenteng trabaho. Sumama ako sa recruiter mula sa aming probinsya sa pangakong iaassign ako nito bilang housemaid sa hotel. Ngunit sa kasamaang palad ay niloko lamang ako nito. Tinangay pa nito ang aking pera. Ang mas masaklap ay napapunta ako sa Manila nang walang matutuluyan. Naranasan kong magutom at matulog sa kalsada dahil wala akong kapera pera. Hanggang sa nabigyan ako ng pagkakataon na maging tindera sa negosyo ng mga magulang ni Ate Kate. Naging maayos ang kanilang pagtrato sa akin kaya naman pinagsumikapan ko sa trabaho. Nang lumipad ang kanyang mga magulang sa Amerika upang doon na manirahan at magnegosyo ay hindi ako pinabayaan ni Ate Kate. Sya na ang kumupkop sa akin. Sa totoo lang ay hindi ko naramdamang kasambahay ang turing nya sa akin dahil kapatid na ang turingan namin sa isa't isa. "Basta Ma, happy lang dapat. Pangako ko naman sa 'yo na magsisikap ako para mapagtapos si Bunso," "Kahit papaano ay may naipon din ako dito para sa kanyang tuition," dagdag ko "Ate, h'wag ka pong mag alala, nakakuha ako ng scholarship sa high school. Mag aaral po akong mabuti para matulungan ko kayo ni Mama," biglang sumabat si Veronica Napapunas ako ng namumuong luha, "Salamat Bunso. Magandang balita yan. Di bale, ipapadala ko pa rin ang pera para pandagdag sa gastusin nyo ni Mama," "Salamat Ate," "Anak, basta h'wag mong pabayaan ang sarili mo, ha. H'wag mo kaming masyadong isipin," Tumango ako, "Opo, Ma," Pagkatapos ng ilang sandali ay pinatay ko na ang tawag. Mula sa bintana ay napatingin ako sa kalangitan. Maliwanag ang buwan at kumikinang ang mga bituin. Alam kong malayo pa, pero patuloy akong magsisikap hanggang sa maabot ko ang pangarap kong bituin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD