CHAPTER 10

3015 Words
Nagsimula nang maglakad papasok ng hotel ang aking mga kasama. Nasa unahan sina Kuya Caleb at Sir William at masayang nag uusap. Base sa kanilang mga kilos ay mukhang malapit silang magkaibigan. Samantala, tila naestatwa naman ako sa aking kinatatayuan. Ang liit ng mundo. Akala ko ay huli na naming pagkikita noong gabing iyon pero heto at kinamayan pa nya ako kanina. Nakilala nya kaya ako? Hindi ko tuloy maiwasang mag alala "Tessa, okay ka lang ba?" tanong ni Ate Kate Napukaw ang aking pansin mula sa mga iniisip "Huh?" "Oo nga, namumutla ka Tessa," sambit ni Ate Megan Huminto pala ang mga ito at binalikan ako "Ah...okay lang ako, mga Ate," "Baka na-nosebleed lang siguro ako kay Sir William kasi nag English eh..." dagdag ko. Pinilit kong magbiro para hindi na sila mag isip pa. "Ikaw talaga, Tessa," natatawang sambit ni Ate Kate "Halika na at excited na ako sa mga rooms natin!" ani Ate Megan at saka hinila ako upang maglakad Pagkapasok namin sa loob ng gusali ay sinalubong kami ng isang elegante at malaking hotel lobby. Sa gitna ay ang kristal na center table na may malaking bouquet ng sariwang bulaklak. Mayroon ding malaking chandelier na gawa rin sa kristal. Ang sahig naman ay gawa sa makintab na marmol. Sa isang parte ng lobby ay may mga couch para sa mga bisita. Sa kabilang banda naman ay ang bar/cafe area. Sinamahan kami ni Sir William papunta sa front desk. Napakalinis tignan at ang ganda ng kasuotan ng mga hotel staff. Hindi ko tuloy naiwasang mahiya. Pumwesto ako sa bandang likuran ni Ate Megan dahil pakiramdam ko'y hindi ako nababagay sa sobrang kasosyalan ng lugar na ito. Muli akong sumilay kay Sir William na nakasandal sa counter. Kinakausap nya ang mga front desk staff. Simple lamang ang kanyang suot na puting button down shirt, maong jeans at white sneakers, ngunit tila isa syang modelo dahil sa kanyang kakisigan. Kaya hindi na ako magtataka kung sya nga ang may-ari ng hotel na ito. Nababagay sya sa ganitong klaseng lugar. "Ms Tessa," Napukaw ang aking pansin ng boses ng babaeng nasa frontdesk. Nangingimi akong lumapit dito. Ngumiti ang babae at inabot sa akin ang isang card, "Your room's ready, Ma'am. Here's your key card. You'll be staying in a King deluxe room, located at the 10th floor, facing the ocean. During your stay you have daily complimentary breakfast at Tazza Restaurant in the ground floor. You also have access to the beach and resort amenities. Wifi is also available, no need for password. You also have a complimentary massage in our Spa. Enjoy your stay, Ma'am," "S-salamat Ma'am," tugon ko. Medyo nanginginig pa ang aking kamay nang iangat ko ito. Ewan ko ba pero abut abot ang aking hiya, kaba, at pangingilang dahil nasa tabi ko lang sa counter si Sir William. Inabot ko ang card nang dumulas naman ito sa aking mga kamay. "Ay, sorry po!" wala sa loob kong sambit. Agad akong yumukod upang kunin ito "No, let me get it for you," Pupulutin ko na ang card mula sa sahig nang may dumapong pamilyar na kamay sa akin. Inangat ko ang aking paningin at halos magkabuhul buhol ang t***k ng aking puso nang muling makita nang malapitan si Sir William. Muling sumilay ang maganda nyang ngiti. Samantalang ako ay tila natulala pa. Namalayan ko na lang na kinuha nito ang card at tumayo na. Tila agad naman akong natauhan at mabilis ring tumayo, "Here you go, Tessa," Napasinghap ako nang inabot nya ang aking kamay at saka inilagay ang card sa aking palad. Isinalikop nya ang aking kamay habang hawak nya pa rin ito, "Naku, mukhang napagod sa byahe si Tessa," muling sumilay ang maganda nyang ngiti "Uh, s-salamat Sir William," nag init ang magkabila kong pisngi kaya agad akong yumuko at unti unting inilayo ang aking kamay mula sa kanyang pagkakahawak "Bro, we'll go ahead to take some rest," paalam ni Kuya Caleb "Sure, enjoy your stay guys," nakangiting tugon ni Sir William Sumakay na kaming apat sa elevator. Si Ate Megan na ang pumindot ng elevator button. Pareho kami na ang kwarto ay nasa 10th floor. Samantalang si Kuya Caleb naman ang pumindot ng elevator button para sa silid nila ni Ate Kate. Tulad kanina ay mataas pa rin ang energy ni Ate Megan. Excited syang nagkwento ng mga gagawin namin mamaya. Sinakyan ko naman sya para maalis sa aking isip ang nangyari kanina at para hindi na rin sila makahalata. Ilang sandali pa ay tumunog na ang elevator hudyat na narating na namin ang aming palapag "See you later, Ate Tessa at Kuya Caleb!" paalam ko Tumango naman ang dalawa. "Kita na lang tayo mamaya sa hotel restaurant," sambit ni Ate Kate Dumiretso na kami ni Ate Megan papunta sa kanya kanya naming silid. "Magkatabi lang pala tayo ng kwarto, Ate Megan," nakangiti kong sambit "Edi, mabuti! Tessa, chat chat na lang, ha. Siguro baba na tayo sa lobby bago mag dinner? Para makapagpicture pa tayo and makapaggala," "Sige, Ate. Sabihan din natin si Ate Kate?" "Naku, hayaan muna natin si Bes...tiyak mapapalaban yun kay Papa Caleb!" "Ay, Ate! Ano ba yang sinasabi mo!" Agad nag init ang aking mga pisngi habang nagpipigil ako ng tawa. Tila ako yata ang nahiya para kay Ate Kate habang tawa nang tawa si Ate Megan Pagkatapos naming magkulitan ay pumasok na nga ako sa aking silid. Nang buksan ko ang pinto ay napaawang ang aking mga labi "Wow, ang ganda," mahina kong sambit. Bumungad sa akin ang isang maaliwalas na silid. Puti ang pintura ng buong unit habang naglalaro ang kulay beige at wooden colors sa mga kagamitan. Elegante at moderno ang mga gamit. Para akong nasa isang panaginip. Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nakapasok sa ganitong kagandang silid. Unti unti akong naglakad palapit sa isang sliding glass door na naghahatid sa balcony. Mula dito ay kita ang asul at payapang dagat. Tila salamin ng magandang kalangitan ang malinaw at malakristal na tubig ng dagat. Hinayaan kong dumampi sa aking mukha ang banayad at preskong hangin. Nang makuntento ay muli akong pumasok sa loob ng silid. Natagpuan ko ang malaki at puting kama. Hindi ko napigilang tumalon pahiga dito. "Ah, ang sarap mahiga!" Sandali kong nakalimutan ang mga iniisip kanina. Para akong bata habang humahalakhak at ikinaway ang aking mga kamay at hita sa ibabaw ng malinis at malambot na kobre kama. Sa lambot ng kutson ay tila napawi ang aking pagod mula sa byahe. Pagkatapos nito ay dumiretso naman ako sa banyo. Muling napaawang ang aking mga labi. Para itong isang kwarto! Sa isang banda ay ang shower area na may glass wall habang sa isang banda naman ay ang bath tub. Sa gitna ay isang malaking vanity kung saan naroon din ang faucet at sink. Mamahalin ang mga gamit tulad ng libre nitong toothbrush at toothpaste, sabon, lotion, pati na cotton buds at shower cap. Malambot at presko ang mga tuwalya na iba't iba ang haba. Ganito pala sa isang five star hotel. Hindi na pala kailangang magbaon dahil kumpleto at de kalidad ang mga gamit. Nahiya tuloy ang baon kong toothbrush at de sachet na toothpaste, sabon at shampoo. Paglabas ko ay natagpuan ko naman ang maliit na bar. Excited kong sinubukan ang Nespresso machine at ang mga coffee capsules. Napapanood ko lamang ito noon sa t****k pero ngayon ay masusubukan ko na ito. Kaya naman kahit tirik na tirik ang araw ay nakainom pa ako ng mainit na kape. "Mmm, sarap ah," sambit ko habang nakaupo sa may balcony. Iba nga pala ito kaysa sa nakasanayan kong 3 in 1. Halos naubos ang aking oras dahil sa kakakuha ng selfie. Wala akong pinalagpas na anggulo at umawra sa pagkuha ng mga pictures. Nagvideo pa ako ng room tour at ipinadala ito pati ang mga pictures sa messenger ni Veronica. Mabilis na lumipas ang oras at hapon na pala. Nagchat na si Ate Megan at nagyayayang bumaba mamaya. Pagkatapos kong maligo at mag ayos ng sarili ay lumabas na rin ako nang silid. "Kamusta ang beauty rest mo, Tessa?" tanong ni Ate Megan nang magkita kami sa koridor. Sa itsura nito ay halatang nakapagrelax ito nang maayos. "Okay naman, Ate. Ang sarap palang magbuhay mayaman!" Natawa ito, "Korek ka dyan!" "Ikaw Ate, ang fresh mong tignan ah!" "Oo naman, girl. Syempre nagrelax muna ako sa bathtub at nagpaganda kasi aawra pa tayo mamaya!" Sabay na kaming bumaba sa lobby. Tulad nga ng sinabi ni Ate Megan ay talagang inenjoy naming magpapicture sa mga Instagrammable spots ng hotel. Sumunod na ring bumaba sina Ate Kate at Kuya Caleb. Naabutan pa nila kaming abala sa pag awra kaya naman sinakyan na rin kami ni Kuya Caleb. Sya na ang nagvolunteer na maging photographer naming tatlo. Kanya kanya kaming pose habang kinukunan ng picture. Dahil kami kami lang naman ay ginalingan ko rin ang pagpose. "1...2...!" Maganda ang aking ngiti habang nakatingin sa camera ng phone ni Kuya Caleb nang dumapo ang aking paningin sa pamilyar na lalaki sa malayo. Tila nag unahan ang t***k ng aking puso nang mapagtantong pinapanood kami ni Sir William! Nakangiti ito habang nakatayo at nakahalukipkip ang kanyang mga braso. "...3!" Agad naghalu halo ang aking hiya, kaba at taranta. Kaya na-out of balance pa ako at muntikang matumba "Huy, Tessa!" agad naman akong nahawakan ni Ate Kate "Ah, sorry Ate Kate!" "Okay ka lang ba?" dagdag ni Ate Kate "Naku Bes, nasobrahan yan sa kakapicture!" biro ni Ate Megan "Oo nga, Ate," pinilit kong tumawa. Sinakyan ko na lang si Ate Megan para hindi sila makahalata Pasimple akong sumilay sa direksyon ni Sir William ngunit wala na ito. Hay, bakit ba sobra akong nacoconscious kapag nandyan sya?! "Hey, Caleb!" Kasalukuyan kaming kinukunan ng picture ni Kuya Caleb nang may lumapit na babae at bigla itong niyakap. Agad akong napatingin kay Ate Kate. Agad namang bumitaw si Kuya Caleb mula sa babae, "Selena, what are you doing here?" Kaibigan pala sya ni Kuya Caleb at nakilala na rin nina Ate Kate at Megan sa coffee shop. Ipinakilala kami ni Kuya Caleb sa kanya. Maganda at sexy si Selena. Base sa kanyang pananamit ay halatang mula sya sa mayamang pamilya. Ngunit sa kabila ng kanyang mga ngiti ay hindi maganda ang pakiramdam ko sa kanya. Halatang iginigiit nya ang sarili kay Kuya Caleb kahit na hindi naman sya gusto nito. Muli akong tumingin kay Ate Kate. Tumango lamang ito sa akin. Kahit hindi kami nagkikibuan ay halata kong hindi rin nito nagugustuhan ang inaasta ng Selenang yun. Pero kayang kayang dalhin nito ang sitwasyon. Kitang kita rin na mahal ni Kuya Caleb si Ate Kate. Iniwan na naming apat si Selena at dumiretso na sa restaurant upang maghapunan. Natagpuan namin si Sir William na nakaupo at naghihintay. May kasama rin itong isang mestizong lalaki at babae sa mesa. "Hey! Ang tagal nyo ah," reklamo nito. Ngumiti lang sa kanya si Kuya Caleb. Uupo na sana ako sa tabi ni Ate Megan nang tinawag ako ni Sir William, "Tessa, dito ka na maupo," Tumayo ito at pinaghila ako ng upuan sa kanyang tabi Magkatabi kami sa upuan?! Muli na namang nag unahan ang t***k ng aking puso. "Huy Tessa, maupo ka na," bulong ni Ate Megan habang nakangiti sa akin. Lumapit ako sa tabi ni Sir William at naupo. "Salamat po," tugon ko habang nakayuko. Sobrang init ng mga pisngi ko! Naupo na rin si Sir William, "Po? Wag ka nang mag- Po, magkaedad lang naman tayo," "O-okay," mahina kong tugon Lalo pa akong nahiya nang magsalita ang mestizong lalaking kasama namin sa mesa "Ang agang pumorma ah," Tulad nina Sir William at Kuya Caleb ay mestizo at magandang lalaki rin ito. Ang katabi naman nitong babae ay maganda, morena, simple at mukhang mabait. "Whatever, dude," tugon ni Sir William Natawa na lamang sina Kuya Caleb at ang mestizong lalaki. "Tessa, don't mind them," bumaling sa akin si Sir William Napalunok naman ako. Dahil magkatabi lamang kami ay muli kong napagmasdan ang gwapong nyang mukha. Naaamoy ko pa ang mabango nyang hininga "Uh, oo," Ipinakilala kami ni Kuya Caleb sa mestizong lalaki at sa kanyang kasama. Sya si Matt Campbell kasama ang kanyang asawa na si Elle. Kaibigan din sila nina Kuya Caleb at Sir William. Nalaman din namin na may isa pa pala silang kaibigan. Adam ang pangalan. "Abala pa 'yon sa babae nya," natatawang tugon ni Sir William nang hanapin ng dalawang lalaki. Natawa na lang din ang dalawa. Pagkaraan ng ilang sandali ay dumating na rin ang mga pagkain. Tulad noong dinner party ng Lolo ni Sir William ay masarap at mukhang sosyal ang mga inihain na pagkain. Naiilang tuloy ako dahil first time kong kumain nito. Tahimik akong kumakain nang muli itong magsalita, "How's the food, Tessa?" "M-masarap Sir William," Bahagya itong tumawa. Muli naman akong napatingin dito at nagtataka Umiling ito, "May naaalala lang kasi ako sa yo...Tessa, h'wag mo na akong tawaging Sir," "Ganun ba. Okay...William" Muli akong bumaling sa aking plato at tahimik na kumain. Para akong timang dahil kahit nasa tabi ko lang ang aking crush ay tila nablanko naman ako sa mga sasabihin "Ano palang hobbies mo?" Muli akong bumaling dito "Kapag may pagkakataon, mahilig akong magbake," Ngumiti ito, "That's interesting... paano ka natutong magbake?" "Nagtatrabaho kasi ako sa coffee shop ni Ate Megan. All around...sa kusina...minsan kahera...taga serve ng mga orders ng mga kustomer...at minsan ay janitress din. Tinuturuan ako ni Ate Megan kung paano magbake hanggang sa natuto ako. Kaya kapag may bulk orders, tumutulong ako sa pagbabake at minsan ay nag iimbento rin ako ng sariling recipes," Tahimik nya akong pinagmasdan, "B-bakit?" Muli itong umiling at ngumiti, "Nothing," Inabot nito ang isang plato na may lamang mga talaba. Kanina ko pa ito gustong tikman kaso ang sosyal ng pagkakaplate at may mga lemon slices pa at sawsawan na parang dinurog na yelo. Kaya nahiya tuloy ako at baka magkamali pa ako. "Tessa, please try these oysters," alok nito "Uh, paano ba yan kainin?" Nagpakatotoo na ako "P-pasensya na, hindi kasi ako sanay kumain ng mamahaling pagkain," Ngumiti ito, "No worries, Tessa," "Kunwari lang sosyal yan pero talaba pa rin yan," nagbiro pa ito "Here," kumuha ito ng isang talaba. Saka ito kumuha ng isang kutsarita mula sa sawsawan at inilagay sa talaba. Napasinghap naman ako nang inilapit nito ang pagkain sa aking bibig. Nagmukha tuloy na susubuan nya ako, "Taste it," Ibinuka ko ang aking bibig at hinigop ang laman ng talaba. Sakto namang kakalunok ko nang mapansin ko si Ate Kate na nakangiti at nakatingin sa akin. Muntikan pa akong masamid sa hiya! Medyo distracted pa ako nang magtanong si Sir William, "How does it taste?" "M-masarap. Manamis namis, parang na enhance yung lasa," "Dahil yan sa frozen brandy," "Frozen brandy?" ito pala yung sawsawan "Yes. It enhances the flavor of the oysters," Nagpatuloy pa kami sa kwentuhan habang kumakain. Ang iba naman naming kasama ay nag uusap tungkol sa negosyo. Bukod sa pagpapatakbo ng hotel ay marami rin akong natutunan tungkol sa mga interes ni Sir William. Akala ko ay mabait sya noon dahil ako si Sahara - maganda at mayaman. Pero hindi ko akalain na unti unti akong magiging komportable sa harap nya bilang ako...bilang Tessa. Kahit na mahirap at simple lang ako ay mabait pa rin ang kanyang pakitungo. Masarap syang kausap. Hindi ko tuloy maiwasang lalong humanga sa kanya. Tila ang bilis lumipas ng oras at hindi ko namalayang malalim na pala ang gabi. Nagpaalam na ang aming mga kasama para magpahinga. Nagpaalam na rin kami ni Sir William sa isa't isa. Sinamahan nya muna sina Sir Matt at Ma'am Elle pabalik sa lobby. "Hindi ka pa ba aakyat Tessa?" tanong ni Ate Kate "Ate, magpapahangin muna ako sa dalampasigan," "Okay. H'wag kang magpuyat," tugon nito "Good night, Tessa," sambit ni Ate Megan "Good night, Ate Megan," tugon ko Naglakad ako papunta sa dalampasigan at pinagmasdan ang maliwanag na buwan at mga kumukutitap na bituin sa payapang langit. Ipinikit ko ang aking mga mata habang dinama ang malamig na hangin mula sa dagat. Nakakarelax ang tunog ng paghampas ng banayad na alon sa dalampasigan. "Hey, you're still awake," Napukaw ang aking pansin ng pamilyar na boses. Iminulat ko ang mga mata at paglingon ko ay natagpuan si Sir William "Nagpahangin muna ako. Ikaw, bakit gising ka pa?" Ngumiti ito at tumanaw sa dagat, "Nagpapa antok din. Every night I come here para magrelax," Ngumiti ako, "Ang ganda ng dagat. Pakiramdam ko napapawi nito ang lahat ng mga alalahanin ko," Nanatili kaming tahimik habang pinagmasdan ang magandang tanawin. Tanging ang mga tunog ng alon ang nagsatinig ng bagay na hindi namin masabi. Ilang sandali pa ay napukaw ang aming pansin mula sa musika na nanggagaling sa gusali. Pareho kaming napatingin sa isa't isa, "May party sa isang ballroom ng hotel. Baka nagsimula na sila sa happy hour," Tumanaw ito sa hotel "Ah ganun ba," We get it on most every night When that moon is big and bright It's a supernatural delight Everybody's dancing in the moonlight Muli itong bumaling sa akin. Lumabas ang kanyang magandang ngiti at inilahad ang kanyang kamay, "May I have this dance with you?" Bahagyang napaawang ang aking mga labi. Sa isang iglap ay muli na namang nag unahan ang t***k ng aking puso. Everybody here is out of sight They don't bark and they don't bite They keep things loose, they keep 'em tight Everybody's dancing in the moonlight Pinagmasdan ko ang kanyang nakalahad na kamay at unti unting inangat ang akin upang abutin ito. Bahagya nya akong hinila at inilapit sa kanya saka kami nagsimulang sumayaw sa saliw ng musika Dancing in the moonlight Everybody's feelin' warm and bright It's such a fine and natural sight Everybody's dancing in the moonlight Nang sandaling iyon ay kinalimutan ko muna ang aking mga agam agam. Lahat ng mga naramdaman ko ay totoo. Nang sandaling iyon, ipinakita ko kay Sir William kung sino si Tessa....ang totoong ako. Naging saksi ang liwanag ng buwan sa pinagsaluhan naming sayaw, mga halakhak, at mga sandaling pagdidiit ng gabing iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD