CHAPTER 11

2069 Words
Nagising ako mula sa bati ng sinag ng araw. Pakiramdam ko ay halos hindi ako nakatulog dahil sa panandaliang naramdaman sa aming sayaw kagabi. Napahawak ako sa aking dibdib. Sa tuwing naaalala ko iyon ay nararamdaman ko pa rin ang bilis ng t***k ng puso ko. Abala pa ako sa mga iniisip nang biglang magvibrate ang phone ko. Kinuha ko ito at natagpuan ang unread messages From William: Hi, Sahara...how are you? I hope everything's well with you in the Netherlands. Kailan ka uuwi sa Pinas? Can't wait to see you soon Ang aking kaligayahan ay unti-unting napalitan ng pait nang mabasa ang kanyang mensahe. Alam kong hindi ako dapat makaramdam ng ganito. Dapat ay masaya ako dahil iisang tao lang kami ni Sahara... Pero bakit masakit pa rin? Na gusto nya si Sahara kaysa sa akin... Halos matawa ako sa sarili. Sino ba naman ang magkakagusto sa maid na katulad ko? Nagpapakabait lang sya sa akin kaya niyaya nya akong sumayaw kagabi. Pinilit kong iwaksi ang nararamdaman. Pagkatapos kong maligo ay nag-ayos na ako at pumunta sa buffet restaurant para mag almusal. Nakita ko na sina Ate Kate at Kuya Caleb. Lumapit ako sa table nila, "Good morning Tessa," masayang bati ni Ate Kate "Good morning Ate," lumapit ako dito at nagbeso "Good morning Kuya," "Morning, Tessa," nakangiting tugon ni Kuya Caleb, "Samahan mo kami ditong magbreakfast," anyaya nito Naupo ako sa tapat ni Ate Kate, "Anong oras ka na pala natulog kagabi, Tessa?" tanong nito "Mag aalas dose na siguro, Ate," Magsasalita pa sana ito nang lumapit sa aming table ang waitress, "Good morning Ma'am...do you want coffee, tea, or juice?" "Coffee na lang po," tugon ko "Okay Ma'am. I'll bring your coffee in a while," "Thank you po," "Tessa, pumili ka muna ng pagkain sa buffet," ani Kuya Caleb "Sige Kuya," tumayo na ako at naglakad patungo sa buffet. Ang daming choices ng pagkain at halos lahat ay masasarap. May mga section para sa Filipino, American, Middle Eastern at Japanese food. Marami ring mga pastries, sliced fruits at juices. Kumuha lang ako ng kaya kong ubusin at naglakad na pabalik sa aming mesa Pagkabalik ko sa upuan ay nagkukwentuhan pa sina Ate Kate at Kuya Caleb. Tahimik naman akong kumain, hanggang sa narinig ko si Kuya Caleb, "Bro, samahan mo na kaming mag almusal," Lumingon ako at natagpuan si Sir William. Muli na namang bumalik ang aking nararamdaman kanina. Nagtagpo ang aming mga mata hanggang sa sya mismo ang bumitaw, "Sorry guys... samahan ko muna sina Matt at Elle, nagyaya eh," nakangiti nitong sambit at nakatingin kay Kuya Caleb Agad kong inalis ang paningin sa kanya at itinuon na lang ang pansin sa pagkain "Ah ganun ba, sige, enjoy your breakfast," tugon ni Kuya Caleb Pagkatapos ng ilang sandali ay bumaba na rin si Ate Megan at sinaluhan kami sa mesa. Nagpaalam na muna si Kuya Caleb at may kukunin daw itong tawag. Habang naiwan kami sa mesa ng aking mga Ate. As usual, halos hindi maubos ang kwento ni Ate Megan. Habang ako naman ay tahimik na sumusulyap sa isang table sa malayo. Sa table nina Mr and Mrs Campbell...kasama si Sir William "Huy girl! Kanina ka pa tahimik...at sino ba'ng tinitignan mo sa malayo?" tanong ni Ate Megan "Huh?" Napukaw ang aking pansin mula sa mga iniisip, "Ah....wala Ate....wala naman," Lumingon sina Ate Kate at Megan sa direksyon nina Sir William, "Huy, wag na kayong tumingin dun!" mahina kong saway Naningkit ang mga mata ni Ate Megan at ngumiti, "Tessa, type mo si William, ano?" Agad nag init ang aking mga pisngi, "Uy, hindi ah!" "Tessa, umamin ka nga, sinong kasama mo kagabi at inabot ka ng mag aalas dose?" Akala ko nakatakas na ako sa tanong ni Ate Kate pero heto at nagsisimula na sya "A-ako lang mag-isa Ate!" pagsisinungaling ko "Weeehhhh... di mo kasama si William?" biro ni Ate Megan pero talagang tinamaan ako "Ha...h-hindi ah!" "Pero alam mo girl, bagay kayo...tsaka parang close na nga agad kayo eh," "Close?" muli kong naalala ang pagkabitter ko sa text nya kay Sahara, "Hindi kami close, Ate," dagdag ko Tumawa ito, "Ay, ang taray ni Girl!" "Okay lang namang maging close as long as kilalanin nyo munang mabuti ang isa't isa," sambit ni Ate Kate Pagkatapos kong pagpawisan ng kili kili mula sa mga tanong ng dalawa ay bumalik muna kami sa aming mga hotel room para magpalit ng damit. Nagkayayaan kasi ang grupo na magswimming sa kalapit na isla. Hinatid kami ng mga buggy papunta sa dalampasigan. Pagkarating namin ay sumakay naman kami sa isang speedboat na maghahatid sa amin papunta sa isla. Sa isang hanay ay nakaupo ang mag asawang Campbell. Sa isang hanay ay sumakay si Ate Megan at saka ako sumunod. Sumakay at naupo naman sa isang hanay sina Ate Kate at Kuya Caleb. Mula sa aking kinauupuan ay lihim akong tumingin kay Sir William na nagpahuli pa. Agad namang nag init ang aking mga mata nang inalalayan pa nito si Selena at iginiya upang maupo sa aking tabi. Pagkatapos magchat kay Sahara, heto at pumoporma naman sya dito sa Selena! Ngunit sa halip na maupo sa aking tabi ay naupo ito sa tabi ni Kuya Caleb. Alam kong mali itong nararamdaman ko, pero lihim akong natutuwa na umupo sya sa tabi ni Kuya Caleb. Hindi ko maiwasang makonsensya dahil I feel bad for Ate Kate. Pareho naming alam na may motibo si Selena kay Kuya Caleb. At baka kaya mas lalo akong naiinis kay Selena dahil halatang may gusto sa kanya si Sir William. Wala nang nagawa si Sir William at naupo sa aking tabi. Habang nagsasalita si Ate Megan, ang utak ko naman ay lumilipad sa nakakarinding katahimikan ni Sir William. Ni hindi nya ako inimikan buong byahe na tila hindi kami nag usap ng ilang oras kagabi. Pagkarating sa isla ay sinalubong kami ng magandang dalampasigan. Asul at malinaw ang tubig ng dagat habang maputi at pino ang buhangin. Isa isa kaming bumaba mula sa speedboat. Naunang bumaba si Mr Campbell at inalalayan ang kanyang asawa. Bumaba na rin si Sir William at tinawag si Selena, "Selena," inilahad nito ang kamay upang alalayan ang huli "Dont mind me," masungit na tugon ni Selena Tila kinurot ang dibdib ko Nagsimula na akong bumaba sa hagdan nang makita ko ang isang kamay na nakalahad sa aking harap, "Tessa," sambit ni Sir William Kahit ganito lang ako, may pride pa rin naman akong natitira. Alam ko namang napipilitan lang sya. "Hindi na Ser...kaya ko na 'to," lalo kong inihakbang ang paa pababa sa hagdan "Tessa, delikado--" agad nahuli ng kanyang kamay ang aking pulsuhan "Hindi na nga Ser..." pinilit kong tanggalin ang aking kamay mula sa kanyang pagkakahawak hanggang sa mawalan ako ng balanse "Ah!" Pabagsak na ako sa tubig nang biglang may humigit ng aking aking baywang. Sa bilis ng pangyayari ay namalayan ko na lang na buhat buhat ako ni Sir William habang naglalakad patungo sa dalampasigan. Sinubukan kong iangat ang aking paningin at natagpuan ko ang kanyang nagtiim na bagang, "Stubborn," mahina nitong sabi Agad namang nag init ang aking mga pisngi sa hiya. Dahan dahan nya akong binaba mula sa pagkakabuhat. Hindi ako makatingin nang diretso, "Pasensya na, Ser," "I told you not to call me, 'Ser', right?" masungit nitong tugon "Sorry," "Why didn't you reach my hand? Paano kung nahulog ka?!" mahina nitong singhal Sasagot pa sana ako ngunit pumihit na ito paalis Anong problema nun? Kanina iniiwasan ako, ngayon sya pa ang galit? Naupo muna ako sa cottage, iniisip pa rin ang nangyari kanina. Narinig ko pa si Ate Megan na nagbilin kay Ate Kate na huwag pakabog kay Selena. Umalis na ng cottage si Ate Kate para samahan si Kuya Caleb sa sun lounge habang lumapit naman si Ate Megan sa mga nagsusurf. Nanatili muna ako sa cottage upang kalmahin ang sarili. Ngunit nagkamali yata ako. "Caleb, can you help put lotion on me?" tinig ni Selena Halos hubot hubad na ito dahil sa tinipid na tela ng kanyang two piece. Halatang inilalantad ang magandang hubog ng kanyang katawan. Ngunit binalewala ito ni Kuya Caleb "Hey sexy! Ako na lang ang maglagay ng lotion sa 'yo," tugon ni Sir William. Nakangiti ito kaya kitang kita ang nakakapang loko nyang mga biloy, malayo sa galit nyang ekspresyon sa akin kanina Tama nga ang sinabi ni Mr Cortes tungkol sa aming amo. May nalalaman pang, "May I have this dance," sa akin at "Cant wait to see you soon" kay Sahara, tapos kanina pa pumoporma kay Selena! Babaero talaga! Umalis na ako ng cottage at lumapit kina Ate Megan. "Tessa!" kumaway ito sa akin Pinilit kong ngumiti at balewalain ang inis ko kanina. "This is my friend, Tessa," pakilala sa akin ni Ate Megan sa dalawang lalaki "Nice to meet you, Tessa. I'm Jace," inilahad nito ang kamay Inabot ko ito, "Nice to meet you, Jace," "Hi Tessa, I'm Reid," inabot nito ang aking kamay at hinalikan. Napaigtad pa ako sa gulat "Ay! Ang bilis naman," natatawang sambit ni Ate Megan "Hi Reid," tugon ko at inalis agad ang aking kamay Sa kabila ng pribadong kahabaan ng puting buhangin, nakita ko si Sir William. Nakasandal sya sa cabana, may hawak na malamig na inumin, at nakikipagtawanan kay Selena. Mukha syang efortless. Mukhang nakalimutan na nya ang sayaw na pinagsaluhan namin kagabi. "Ready to catch a wave, Tessa?" nakangiting tanong ni Reid Hindi na ito naghintay pa ng sagot at bagkus ay inilapat ang kanyang kamay sa aking likuran, habang ginigiya ako sa tubig "Ready," mas malakas ang boses ko kaysa sa kinakailangan. Hindi na ako lumingon pa sa banda nina Sir William ngunit ramdam ko ang mapanusok na tingin sa aming direksyon Malamig ang tubig ngunit matindi ang surfing lesson. Si Reid ang nagtuturo sa akin habang si Jace kay Ate Megan. Maasikaso si Reid... marahil ay masyadong maasikaso. Habang sinusubukan kong dumapa sa longboard, lumuhod sya sa tabi ko, ilang pulgada lamang ang kanyang dibdib mula sa aking balikat, habang inaayos nya ang pagkakalagay ng mga kamay ko "You've got a natural center of gravity," bulong nito habang ang kanyang mga kamay ay nakahawak sa aking balakang upang tulungan akong bumalanse. "Just trust me. Kapag sinabi kong 'pop', tumayo ka. I'll be right behind to catch you if you wobble," Pilit akong tumawa, "Sa tingin ko nakuha ko na, Reid," Biglang ang mga tunog ng talamsik ng tubig ay nalunod ng isang matalas at pamilyar na boses na hindi kabilang sa pagsurf, "The tide is turning. It's no longer safe," Pinunasan ko ang tubig alat sa aking mga mata. Nakatayo si Sir William sa dalampasigan at mukhang naiinis. Malayo mula sa madalas nyang smiling at carefree face. Tumingala si Reid, "The swell is fine, man. We do this everyday," "Im not 'man'", sagot ni Sir William, "I am the General Manager of this resort. And I'm telling you that these boards are not well tethered for a guest of her... caliber," Humakbang pa sya sa tubig, at inabot ang aking braso. Sa higpit ng kanyang pagkakahawak ay naging balewala ang hawak ni Reid sa aking balakang kanina "Back to the beach. Now," utos nya. Hindi ito isang pakiusap "Nagsasaya ako," tutol ko ngunit nagpatinaod sa kanyang hila papunta sa dalampasigan. Nagkatinginan sina Reid at Jace ngunit umatras rin dahil sa mapanusok na tingin ni Sir William Pagkarating namin sa tuyong buhangin, malayo sa iba, ay hindi nya pa rin ako binitawan. Inikot nya ako at saka ko natagpuan ang kanyang madilim na mga mata, "You're reckless," sambit nya Naghalu halo na ang kanina ko pang naipong inis, "I'm a guest," sagot ko habang kumakabog ang aking dibdib "Alam ko namang busy ka. Kaya hindi mo mapapansin kung malunod man ako, dahil masyado kang abala sa iba mong 'appointments'" dagdag ko Umigting ang kanyang panga. Tila nagpipigil ito sa galit. Dumako ang kanyang paningin sa aking mga labi. Hindi ko maintindihan pero nakita ko ang pag aalinlangan sa kanyang mga mata. "Napapansin ko lahat ng ginagawa mo," bulong nya at naging makapal ang boses. Binitawan nya ang aking braso. "And those guys...they are not for you. You dont realize how much trouble you could get into," "Anong klaseng gulo?" hamon ko Tumingin sya sa akin, "Yung tipong hindi ka lumalayo na buo ang puso mo. Bumalik ka na sa cottage, Tessa. Please." Tumalikod na ito at naglakad paalis. Habang naiwan akong mag isa at nalilito
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD