It's been 8 years na huli niyang nakita si Pam, it was the saddest and hurtful day of his life na hanggang ngayon pinagsisihan niya ang mga bagay na hindi dapat niya ginawa. Lalaki lang naman siya, nadala sa temptasyon, gayunpaman mali parin ang ginawa niya. He was thinking kung bakit bumalik pa ito sa pilipinas. Ang buong akala niya, hindi na muli ito babalik pa. What is she doing here? Is she staying here for good o di kaya nagbabakasyon lamang? I bet she is married now. Yan ang mga katanungan naiisip ni kian sa mga sandaling iyon. Napailing nalang siya at dinama ang mainit na tubig na nagmumula sa shower nito. Nilakasan niya iyon.
Matapos magshower ni kian ay agad siya umalis sa bahay nila. Mag isa lang siya ngayon sa mansion. Wala ang daddy niya dahil umalis patungong Hong Kong for a small vacation. Someday mapupuno ang mansion nila ng mga bata with his future wife. Hindi niya rin naman maiwasan makaisip na bumuo na rin ng sariling pamilya sa tamang panahon.
---
"Anak, Are you already awake?" katok ni Elaine sa pintuan ni Pam.
Hindi narinig ni Pam ang boses ng kanyang Mommy sa labas dahil may kausap siya over the phone. Kanina pa kasi nangungulit si Terrence sa kanya.Paulit ulit ito tumatawag, ayaw niya naman sana sagutin ang tawag nito kaso dahil iritado na siya napilitan siyang sagutin ito.Si terrence lang naman kasi ang kaisang isa na manliligaw niya sa states na ubod ng kulit. Ilang ulit niya na rin ito binasted pero sige pa rin ng sige.Mabait si Terrence pero it's a NO for her. Ayaw niya muna ng commitments.
"Ano ba naman Terrence, how many times i've told you wala akong nararamdaman para sayo. Hindi ka pa ba nagsasawa na ilang ulit kita nirereject? Have pity on yourself."
"Pam, I love you and that's what i felt for you. If you just give me a chance I’m gonna prove it. Just give me a chance."
"Terrence please, Lubayan mo na ako. Marami pang iba na mas worthy sakin na magmamahal sayo ng totoo. Aaminin ko Gwapo ka, Mabait, very thoughtful guy lahat ata nasayo na. Swerte ang babaeng mamahalin mo pero wag ako Terrence. Im not the one for you.hindi ako ang babaeng hinahanap mo." Pag papaliwanag niya. Tama naman ang sinabi niya. Kung meron man siyang nararamdaman para kay Terrence matagal na niya ito sinagot pero wala talagang "kilig feeling" siyang nararamdaman para dito.Pati ata puso niya nagiging pihikan na.
"I will never stop loving you Pam, Lahat gagawin ko para sayo. kung gusto mo susunod ako diyan sa pilipinas para makasama kita.Gagawin ko."
Nabahala tuloy siya sa binitawang salita ni terrence. Hindi dapat siya magpunta rito!
"Terrence please, Stop it! You are just wasting your time.Don't make it hard for me lalo na sa sarili mo. I’m hanging up now. Bye." saka binaba na nga ni Pam ang phone niya at itinabi niya iyon sa side table niya.
Ano na ang gagawin niya pag totohanin ni terrence ang pagpunta sa pilipinas? Nababaliw na talaga si terrence pati siya maagang mababaliw sa kakaisip kung ano paraan para iwasan ito. kaklase niya si Terrence sa states at pareho nila kinuha ang kursong Business administration.
Hindi niya napansin na nakapasok na pala ang mommy elaine niya at kanina pa palang nakikinig sa usapan nila ni terrence.
"Anak...." tawag ng kanyang mommy.
Gulat na napalingon naman si Pam sa likuran niya aat nakitang nakatayo ito sa likod ng pintuan.
"Ma, what are you doing here? Kanina ka pa ba diyan? Bat hindi ka man lang kumatok?"
"Kanina pa ako kumakatok but i found out that you are busy over the phone when i came in.So who's terrence now?" ilalagay ba siya ngayon ng Mommy niya sa Hot Seat?
"Ma, kung ano ang narinig mo.Yun na yon. I don't like him. Ang kulit niya!" irritated na sabi ni Pam saka muli nahiga sa kama.
"Matuto ka sana magmahal muli anak. Tanggalin mo na ang bitterness diyan sa puso mo. aba't! Gusto pa namin makita ang magiging apo namin ng daddy mo."
"I’m not bitter Mom! Ayoko lang talaga sakanya, He's too good for me."
"Para matigil na yang pagiging bitter mo, Sumama ka samin ng daddy mo sa dadaluhan naming party sa Crown luxury hotel. We've got invited there, Maraming mga bachelor ang pupunta sumama ka at baka makita mo ang true love mo. We're off at 6pm. Wear your best Casual attire. By the way Pam, breakfast is ready. Sumunod ka na ha."
Napailing nalang si Pam. Party? Sounds Good. Sasama nalang siguro ako at baka nga makita ko ang True love ko at maging tatay ng mga anak ko.
Matapos makapag breakfast ni Pam, Naisipan niyang maglakad lakad muna sa malawak na solar ng kanilang bahay.Habang naglakad lakad para masikatan ng araw ay napansin niyang may isang babae at lalaki ang bumaba sa tapat ng kanilang gate. Naka kotse ito.Nakita niyang kinausap nito ang kanilang gwardiya. Bumaba siya at nilapitan ang mga ito at titingnan kung sino ang kanilang bisita. Nang makalapit agad nagtama ang kanilang mga mata.
Cassy? Owy? Sila ba ito?
"P-am? Ikaw ba iyan?" paninigurado ni Cassy.
"M-anong, papasukin mo silang dalawa." Binuksan ng gwardiya ang gate at agad naman pumasok si cassy at owy na magkahawak kamay. Ngumiti si Pam gayon din si Cassy.
"Oh pam! You’re really back! “agad niyakap ni Cassy si Pam. Gumanti naman ng yakap si Pam. Miss na miss niya na talaga ang mga tunay niyang kaibigan.Hindi pa rin pala siya nakalimutan ng mga ito.Kusa sila pang pumunta sa bahay nila para makita siya.
"Yes, Bumalik na ako. Pasensya kung natagalan nga lang, alam niyo naman ang dahilan ko pero ngayon nandito na ulit ako pangako hindi ko na kayo iiwan." napahikbi naman si Pam sa sobrang saya. Naiiyak siya dahil muli silang nagkita tatlo.
"Ahem. Andito po ako. Wag niyo ako kalimutan." tumikhim naman si Owy.
"Hoy! Namiss kita owy! Ang gwapo mo na ngayon ah!" niyakap naman ni Pam si Owy.
"So you mean? Pangit ako dati?" nacucurious na tanong ni Owy. Ibig na sanang matawa ni Pam pero hindi niya ginawa.
"Abnormal ka pa rin pala. Hindi ka pa rin nagbago! HAHAHAHAHA" natatawang sabi ni Pam. "Dali, pasok kayo.Gusto niyo mag snack? Mag kwentuhan tayo sa loob ng bahay wag dito. Mainit na." yaya ni Pam. Napatangong sumunod naman ang dalawa.
Nagpahanda nga si Pam ng meryenda nila.Ang saya saya ng umaga niya.Kumpleto na ulit sila.Nagbigayan sila ng kanilang mga digits para ma contact ang isa't isa.Ang ikinapagtataka nga lang ni Pam paano nalaman ng dalawa na nakabalik na siya ng pilipinas?
"What are your plans? Did you get married already? Ilang taon ka ba naming nawala." Curious na tanong ni Cassy. Halos maibuga na ni Pam ang iniinom niyang juice! Jusko! Bat ito ang lagi kong naririnig na tanong? Sign na ba ito na kailangan ko na mag-asawa? Wag niyo naman i push to! Wala pa ngang dumarating eh!
"Plans? siguro tutulungan ko si dad sa kompanya pero pwede rin naman ako magtayo ng sarili kong business any time. Wag nga lang muna siguro sa ngayon may jet lag pa ako. Maybe after 6months in time. Ayoko muna ng pressure ngayon. Asawa? Wala nga ako boyfriend. Manliligaw meron pero binasted ko lahat eh. Sa ayoko nga!" napa irap na sabi ni Pam.
"Akala ko nag asawa ka na. Hindi ko kasi maimagine! HAHAHAHA."
Itong cassy na to! Tingnan niyo nga naman ang ugali ng babaeng yan.
"Bat ka walang boyfriend? Ang ganda ganda mo tapos wala kang boyfriend?" sabat naman ni Owy. Oh sige owy palit nalang tayo ng anyo!
"Eh sa wala nga akong natitipuhan!" pagmamaktol ni Pam sabay subo ng chicken sandwich niya. "Gusto ko yung titibok ang puso ko ng malakas at maalog alog ang utak ko sa kakaisip sakanya dahil hindi ko siya makalimutan. Yung feeling na kikiligin ka araw-araw."
"You're being choosy na ha! Promise ang ganda mo na ngayon Pam, Nag modeling ka ba?."
Umiling si Pam." Nahh! May opportunity pero ayoko."
"Let me ask you a question first." sabi ni Cassy sabay inom ng kanyang juice.Ready naman si Pam na sagutin ang tanong ni Cassy.
"Nakalimutan mo na ba siya?" Tiningnan naman ni Owy si Cassy at sinasabing Anong-ginagawa-mo-look.
Ngumti si Pam. Alam niyang darating sa punto na magtatanong ang mga ito sa nararamdaman niya. 8years? It’s been enough for me to move on to a certain things i must let go.
"Ang taong Pinakahirap kalimutan ay yung kahit kailan hindi naging sayo, pero minsang pinasaya at binago ang takbo ng buhay mo pero nilakasan ko ang loob ko at nagawa ko siyang kinalimutan cassy.Ngayon masaya na ako sa buhay ko. Matagal na rin iyon. Hindi naman ako masamang tao para hindi marunong magpatawad." Nakangiti niyang sabi. Medyo na relief naman si Cassy sa naging sagot ni Pam dahil kahit papaano sila ni owy ay nag alala para kay pam simula umalis ito sa pilipinas.
"Sabagay, Parang nakapag moved on na rin si Kian sa nangyari. Ayun, Busy parati sa opisina pinalitan niya na kasi ang daddy niya at siya na ang CEO ngayon ng kanilang kompanya."
"Halos bahay opisina nalang ang ginagawa ng lalaking iyon. Napaka workaholic! Minsan nalang kami magkakasabay.Sumama ka samin next time kung wala na talagang bitterness.HAHAHA!" tukso ni Cassy.
"Ano ba. Wala na noh! HAHAHA" sabi naman ni Pam."Kamusta na pala kayong dalawa? Kayo na ba ni owy, cassy? Kung makadikit kasi si Owy sayo parang linta eh!"
"Whoa! ganun din ang tinanong sakin ni kian nung nagkita kami, yup kami na ni Cassy. 3years na kami ngayon.Sa awa ng diyos, sinagot din ako ni Cassy. Bumigay na rin sa taglay kong kagwapuhan!"
"Saang angulo? Paki turo nga sakin babe!"
"Ayoko! kiss muna!" parang batang nanunudyo si Owy.
"Iniinggit niyo ba ako?"
Seriously! Sila na pala dalawa! Mabuti pa sila may lovelife na. Ako ngayon nga nga system operation pa rin! I'm still waiting for someone who will prove to me that i am the only one woman in his life. Saan na ba kasi ang mga ganitong klase na lalaki sa mundo?
"Pwede na rin! HAHAHA!" natatawang sabi ni Owy saka inakbayan si Cassy.
"Kasal na ba kayong dalawa?" Umliing naman si Cassy. "Soon enough pag magpoprose na ang mokong nato pero pag inabutan niya ng ilang dekada hihiwalayan ko na to!" pagpaparinig ni cassy sa kasintahan.
"Ouch babe! Ano bang gusto mo? Sige na nga, Will you marry me?"
Hinampas nalang ni Cassy ang boyfriend na si Owy. Napaka Joker at hyper talaga nito pero seryoso at tapat magmahal si Owy. Napaka swerte talaga ni Cassy nahanap niya ang kagaya ni owy.
"Siya nga pala, Paano niyo nalaman na nakabalik na pala ako sa pilipinas?" tanong ni Pam sa dalawa.
"Nakita ka raw ni Owy sa airport habang hinihintay niya yung ka business partner ng kanyang daddy na galing sa states. Hindi ka na niya nalapitan dahil nagmamadali rin siya."
"That's right. Nagdadalawang isip pa nga ako kung ikaw ba talaga nakita ko kaya to make sure pinuntahan ka namin ngayon dito." agree na sabi ni Owy.Tumango tango naman si Pam.
"So, can we ask you tonight to go out?"
"Nahh, I have plans, sasama ako kina daddy at Mom sa party na dadaluhan nila. Maybe some other time nalang. Nakapag Oo na kasi ako sakanila. If it is okay?"
"Sure. No problem. Text mo lang kami or we'll text you.Hindi na rin kami magtatagal dalawa ni owy dito Pam dahil may date pa kaming dalawa. Niyaya ako ng mokong eh, ang kulit kasi! So will see you some other time?"
"Sure,Enjoy kayo ha?" nakipag beso beso na rin si Pam kay Cassy at ganon din kay owy. Hinatid niya na ito hanggang sa gate at ilang sandali ay kumakaway na siya sa papaalis na kotse.It feels so great to see your friends again.. Sumungaw ang mga ngiti sa labi ni Pam ng mga sandaling iyon at agad bumalik sa loob ng mansion.
---
Sobrang ganda ni Pam sa sout niyang flowing gown na kulay blue na may silver beads design.Papasok na sila sa convention ng Hotel when someone bumped her. Inis niyang hinarap ito dahil hindi marunong tumingin sa dinadaanan ang bumangga sakanya. Tatarayan niya na sana ito nang mamukhaan kung sino ito, She was really surprised! Just a Small World! Hindi siya makapaniwala na muli sila magkikita sa taong sinaktan siya noon. Hindi siya makapagsalita. Both of them were just staring each other, Nang matauhan, Nagsalita si kian Monticillo sakanya.
“You’re back.” Kian said shockingly. Ibang iba na si Kian sa paningin niya ngayon,He had that masculine body and damn dumagdag ata ang kagwapohan nito! Matured and even more manly!
“I’m back for Good.” She smiled sweetly,not bitterly.
“It’s been a long time since I saw you Pam.”
“Yes, Sobrang tagal na.What a Coincidence right? I’m not expecting I would see you here.” nakangiti niyang sabi. Normal lang ang ipinapakita niyang kilos sa harapan nito pero halos lumambot na ata ang tuhod niya ngayon dahil muli sila nagkita ni kian!
“Even me, By the way.. You Look beautiful tonight. Hindi kita namukhaan agad.” Kian said to her."Are you alone?" tanong naman ni kian sakanya.
"Kasama ko sila daddy at mommy."Matipid niyang sabi.Alam niyang galit ang magulang niya kay kian pero hindi naman marunong magtanim ng sama ng loob ang parents niya. Besides, Magkaibigan ang daddy niya at daddy ni kian.
"I love to see you soon Pam. If it is okay with you? Let just say, Kwentuhan lang with a cup of coffee?" nakangiting sabi ni Kian. Pakiramdam ni Pam nasisiyahan siya pero may bumabagabag naman sa kalooban niya.
"S-ure, Why not." Yun ang tanging naisagot niya.
"So see you around? Dapat hindi pa ako aalis sa party but i can't make it dahil may importante pa akong gagawin. I have to go home. I’ll see you again take care." hinawakan siya nito sa balikat saka umalis ito sa harapan niya. Halatang nagmamadali talaga ito.Tama nga si Cassy napaka workaholic nito ngayon. He changed a lot! Casual pa silang nakapag usap dalawa!
"Oh, Andiyan ka lang pala anak. Nahanap mo na ba ang true love mo?" nakangiting sabi ni elaine sa anak.
True Love? Si kian? Ayoko nga!
"W-ala po Ma, kung anu-ano lang talaga pinagsasabi niyo. Halika na po. Pumasok na tayo sa loob." Yaya niya rito.
--
Napamura nalang si kian habang nagmamaneho sa kanyang kotse pauwi sa kanilang bahay. Totoo nga ang sinasabi ni Owy sakanya. Bumalik na sa pilipinas si Pam. What a coincidence na muli pa sila nagkita at maswerte niya ito nakabangga! That woman na dating inaasar ko na pangit ay sobrang ganda na ng alindog ng katawan? s**t! I was really stunned a while ago! She's a goddess! Ni hindi ko man lang siya namukhaan agad? Alam kong hindi ito ang huli namin pagkikita. Magkikita pa ulit tayo Pam. Tandaan mo yan.