After 8 years...
Pam decided to go back in the Philippines after the long years had passed....She is now a grown up woman at the age of 26 years old. Sa walong taon, she never been in a relationship. Maraming nagtangka nanligaw sa kanya sa states pero ni isa hindi niya sinagot ito. What for? For another burden? Tama na nasaktan siya ng ilang beses at ayaw na nito mangyari ang naranasan niya noong sinaktan siya ng taong mahal niya. Kinailangan niya na rin umuwi sa pilipinas dahil it's been already a week na nangungulit ang Daddy Vien at Mommy Elaine niya na umuwi at dito na rin daw siya mag se-settle down once he find a guy that will love and cherish her. Nauna kasing umuwi ang parents niya sa pilipinas 3 years ago. Pam promised herself na sa oras na makayapak ang mga paa niya sa pilipinas hindi na siya muli iiyak at ninuman walang karapatang saktan siya. Bumalik siya sa pilipinas for her own good and of course for her family. She left, moved on, and learn many things after what happened in the past.
Ilang minuto nalang lalapag na ang eroplano na sinasakyan niya. Naka take-off na ang eroplano at hinihintay nalang nito na mag pa-passenger out. Hihintayin niya humupa ang mga tao sa loob ng eroplano bago siya lalabas. Ini-on na rin niya ang cellphone. Sunod sunod siyang nakatanggap ng mga messages and she knew that it was her mom. Isa isa niya iyon ibinasa but all were just flooded messages na kung saan siya and tatawag siya once pag nakarating na siya sa pilipinas.
Kinuha na rin niya ang kanyang dalawang maleta at isang hand carry bag. Hindi niya na rin idinala ang lahat ng kanyang mga gamit at kusang ibinigay niya nalang ang mga iyon sa anak ng katulong nila sa states. Besides, she can buy pieces of clothes.
Habang pababa na siya ng eroplano bitbit ang kanyang mga maleta ay agad nitong inilabas ni Pam ang kanyang cellphone at tinawagan ang kanyang Mommy Elaine. Ilang sandali ay sinagot na nito ang kanyang tawag.
"H-ello? anak ikaw ba to?." Tanong nito sa kabilang linya. Tila nahulaan agad nito ang aking boses.
"Hello Mom, Yes! It’s me. Andito na po ako sa airport, so sinong susundo sakin dito?" She asked her Mom over the phone.
"The driver is already there waiting for you outside iha. I guess matatandaan niya pa rin ang makulit na bata na lagi niyang sinusundo dati." she knew na habang sinasabi iyon ng kanyang mommy ay nakangiti ito. Napangiti na rin siya.
"I hope manong still remember me."
“We will be waiting here in the mansion iha, Nagpaluto ako ng masasarap na mga pagkain sa mga katulong. We miss you so much. Me and your Dad can't wait to see our Daughter." paglalambing nito. Napangiti siya. Miss na miss niya na rin ang kanyang magulang.
"Can't wait to see you both. I'll be there mom. I'll hang up now."
Nagsimula na siyang maglakad. She walked like a boss and a sophisticated woman. Ibang iba ang aura niya ngayon. Habang naglalakad hindi maiwasan ng mga tao na mapatingin sa gawi niya. Napangiti siya. hindi naman sa makapal ang mukha niya pero talagang napakaganda niya. Daig pa niya ang isang model. Nang makalabas sa airport ay agad niya hinanap ang pangalan niya and there she saw her old driver. Medyo tumanda na rin ito. Lumapit siya rito.
"Manong!. It's me, Si Pam." nakangiti niyang sabi. Halos hindi pa maniwala sa umpisa ang kanyang driver at kumunot pa ang noo nito at marahang siyang tinitigan ng matalim. Inalis niya ang kanyang shades at ngumiti rito.
"Manong, Come’on , it's me,Pam. Don't you remember me?"
"Nakuuuuu! Susmaryosep ma'am! Pasensya na po, Hindi ko po kayo agad nakilala. Akina po ang mga maleta niyo. Gumanda ho tayo lalo ma’am ah? Nag asawa na ho ba kayo?" tanong nito sakanya habang isa isa kinuha ang kanyang mga gamit.
"I'll take that as a compliment pero wala po akong asawa.” Natatawa niyang saad.
Hindi siya sinagot nito at agad siya nito pinagbuksan ng pinto sa backseat at saka pumasok na rin siya sa kotse. Isa isa nito inilagay ang kanyang mga maleta sa compartment ng kotse at pagkatapos bumiyahe na sila.
"Pasensya na po talaga kayo kanina Ma’am kung hindi ko kayo agad nakilala. Ibang iba na po kasi kayo ngayon dati bubwit ka pa, ngayon parang dinaig niyo pa ang isang international model. Hindi ko nga lubos maisip na wala pa kayong asawa ngayon o di kaya boyfriend."
"Hindi naman po ako nagmamadali diyan manong, kusa nalang po yan darating sa buhay ko. I’m still waiting for that someone to come.” paliwanag niya.
"Wag po kayong mag alala, darating din ang taong magpaparamdam sayo na ikaw ang pinakamahalagang tao sa buhay niya." komento nito. Napangiti siya sa sinabi ng kanyang driver. She was touched with those compliments!
Ilang sandali ay papasok na sila sa dating mansiyon. Miss na miss na niya ang kanilang bahay. Hindi na niya mapigilan ang excitement na nadarama niya. Halos nakikita niya na rin ang Dad at Mom niya na nagaabang sakanyang pagdating. Ilang sandali ay huminto na ang kotse at agad siyang lumabas.
"Anak ikaw na nga!" rinig niyang sambit ng Inang si Elaine. Agad siyang tumakbo at niyakap ang kanyang Mommy.
"Oh Mom! I miss you so bad!" pagkatapos niyang yakapin ito ay agad niyang binalingan ng tingin ang kanyang Daddy na matiyagang naghihintay sa mahigpit rin niyang salubong na yakap!
"Dad!" Halos maluha luha na niyang sambit. "I miss you so much Dad!" niyakap siya nito ng buong higpit.
"Sobrang namiss namin ang aming unica hija, you don't know how lonely we are here in mansion iha. Ang laki laki ng bahay pero napakalungkot dahil wala ka rito pero ngayon nandito ka na, kumpleto na ulit tayo. napagdesisyunan namin na hindi ka na pwede bumalik sa states. Dito ka na muli hanggang sa makapag asawa at mag ka apo na kami." napangiti sabi ng kanyang Daddy Vien.
"Dad, ayaw niyo na ba sakin? bakit parang ipinapahawatig niyo na kailangan ko na mag-asawa?"
Nagkatinginan naman si Vien at Elaine.
"Hindi naman iha. You know hindi mo naman maalis sa amin ng mommy mo na sabik na sabik na rin kami magka apo, Tumatanda na rin kami iha. You know what i mean." ngiting ngiti pa sabi ni vien sa anak.
"Dad! Ni wala pa ho akong boyfriend tapos apo na ang nasa isip niyo! Dad naman!" pagmamaktol na sabi ni Pam. What on earth! Wala pa sa isip niya ang pag-aasawa. Sa ngayon, Wala pa talaga sa isip niya ang mga ganoong bagay.
"Relax iha. Magpaligaw ka naman! Ayoko naman tumanda kang dalaga!"
"Dad! Hindi ho ako papayag na abutan ako ng wrinkles sa mukha, Don't worry. Sooner dad, when i truly found the man for me at sinong magmamahal sakin ng tunay. Ayoko na po masaktan because of a wrong guy na akala ko siya na talaga. Hindi naman minamadali yan."
"Tama naman si Pam Vien." nakangiting sabi ni elaine sa asawa.Inakbayan naman ni Vien ang asawa.
"Right, It’s just sabik lang ako magka-apo na. Pasensya na kayo. Pumasok na tayo sa loob dahil medyo mainit na rin dito sa labas. i think the food is already served, pakicheck nalang honey, Kakain na tayo dahil baka nagugutom na rin si Pam. Kumain ka ba anak?"
Umiling naman si Pam. Medyo nagugutom na rin siya. Nakalimutan niyang kumain sa loob ng eroplano. Tinatamad siya mag order mas gusto niya pang matulog nalang sa mga oras na iyon.
"That's Good. Siguradong masasarapan ka sa mga pinahanda ng mommy mo. So let's go inside."
Pumasok na rin sa loob si Pam. Medyo naging modern na ang style sa loob ng kanilang bahay. Newly painted ito at may malaking family picture frame na naka portait sa malawak nilang dingding na madaraanan sa kanilang hagdan.This picture was taken 3years ago bago umuwi ang kanyang parents sa pilipinas.
Umakyat na si pam sa kanyang kwarto at dahan dahan niyang binuksan iyon. Napangiti siya ng makita na ganoon pa rin ang ayos ng kanyang kwarto. It’s still the same may konting renovations lang at ini-enhance lang ulit ang wall painting ng kanyang kwarto.Inilagay niya ang kanyang bag sa kama at parang batang tumalon dito.
"Finally, i'm home."bulong niyang sabi sa sarili at saka mahigpit niyakap ang kanyang unan.
---
Abala si kian ng mga oras na iyon sa kanyang opisina habang isa isa nirereview ang mga papeles na dapat niyang pipirmahan ngayong araw. Isa na siyang CEO ng kanilang kompanya. The Monticillo Real Estate Corporation. Noon wala siyang iniintindi he had that freedom to enjoy pero iba na ngayon, he surely follows his time management. Gusto ni kian lahat ng kanyang schedules were fixed. Hindi katulad kanina na malapit na niyang mabulyawan ang kanyang sekretarya dahil mali ang ibinigay nito sakanya na appointment. Imbes si Mr. Lao ang ka-appointment niya, ibinigay nito ang schedule kay Mr. Ramirez na dapat bukas pa ang appointment nito sakanya.He had the power to fire his secretary in any moment pero dahil wala siyang panahon maghanap ng bagong sekretarya, Magtitiyaga muna siya rito.
Habang pinipirmahan na niya ang dapat pirmahan ay may biglang kumatok sa kanyang pintuan ng opisina. Kumunot ang noo ni Kian at napatingin sa kanyang orasan sa ibabaw ng kanyang desk. It's still 11:20am in the morning at wala pang lunch time. Ayaw na ayaw niyang na iniistorbo siya ng mga ganitong oras. Ilang beses nalang ba niya pagsabihan ang sektarya? hindi ba ito marunong umintindi?
"Come in." saka niya itiniklop ang folder na pinipirmahang papels at umayos ng upo. Dumungaw ang ulo ng kanyang sekretarya at parang nagdadalawang isip pa ito pumasok.
"Pwede po bang pumasok sir?"
"You already knocked? alangan naman hindi kita papasukin?" Napakamot naman sa ulo ang kanyang sekretarya na si Lanie at pumasok sa opisina niya.
"Anong kailangan mo Lanie?" tanong ni kian sa sekretarya.
"Eh kasi sir... May naghahanap po sa inyo sa baba at..." pinutol pa nito ang sasabihin ni Lanie na parang pinagpapawisan kung sasabihin ba niya sa boss o hindi.
“And? Diretsohin mo ako Lanie dahil busy akong tao. Alam mo naman na sa oras na ito ayoko na nagpapaistorbo ako and you know that rule." naiinis niyang sabi.
"Eh kasi sir may naghahanap sa inyo sa baba. ayaw ko naman po papasukin nung tumawag ang guard sakin sa linya ko. Babae po at ang pangalan eh Gwen Millas po. Girlfriend niyo po raw sir, sa pagkakaalam ko naman po single kayo at ready to mingle."
"Gwen millas?" nakilala niya lamang naman ang babaeng ito sa bar. Eventually they shared kisses sa likod ng bar na iyon. Akitin ba naman siya ng babaeng ito? Take note, Si Gwen pa mismo nagdala sa kanya sa likod ng bar at bigla siya nitong sinunggaban ng halik. Wala siyang magawa dahil lalaki rin siya, that girl dares to seduce her. Pinagbibigyan niya lang ito dahil gusto nito. Muntik na nga may nangyari sa kanila at mabuti nalang nakapagpigil pa siya. Ayaw niya makipag s****l i*********e lalo't na walang protection.
"Opo sir, sinasabi pa nga nito na buntis siya at ikaw raw po ang ama.Sir totoo po ba iyon? Tiyak maraming tissue ang magbabaha sa opisina nito. Dami pa naman nagkakagusto sa inyo dito sa opisina."
"What? Those were lies! Damn that woman!” galit na napatayo si kian at agad lumabas sa opisina. Pupuntahan niya si Gwen. Nang makalabas sa elevator ay agad niyang nakita si Gwen na pinapagalitan ang gwardiya agad niya ito nilapitan at hinawakan sa siko at dinala palabas.
"O-uch kian! You’re hurting me! ano ba!" daing ni Gwen. Namimilipit ito sa sakit sa pagkakahigpit ng hawak ni kian sa braso niya.
"Anong ginagawa mo dito at nag eeskandalo ka? Sinabi mo pang girlfriend kita at buntis ka at ako ang ama? Are you out of your mind Gwen? Walang s*x na nangyari! Hindi kita mahal. So get lost, okay?!" inis na sabi ni kian.
"K-ian! Mahal kita!"
"Hindi kita mahal, bat ba ang kulit mo?! Mahal mo ako dahil buntis ka at naghahanap ng ama?!" inis na binalingan niya si Gwen.Napatigil ito sa kinatatayuan.
"You can't fool me Gwen." madiin niyang sinabi at agad iniwan si Gwen.
That woman! Hinding hindi niya ako maloloko!*sa isip ni kian*
Inis na inis na sinuklay ni kian ang kanyang buhok gamit ang kanyang mga daliri. Papasok na sana siya sa building ng namataan niyang may lalaking nakatayo sa di kalayuan ng kanyang kinatatayuan. Mga sampung hakbang lang kung tutuusin.
Namukhaan niya ito at hindi siya magkakamaling si Owy Alvarez ang kaharap niya!
"O-wy?" tawag pansin niya rito.
"Kian. Hey bro! Long time no see Pare, Pinalitan mo na pala si Tito Carlos as the CEO?"
"Long time no see nga pare! Oo, mas gusto na ni Dad na ako mamahala to bring some new ideas in the company. Coffee?" tumango naman si Owy at tinungo ang pinakamalapit na coffee shop.
Habang hinihintay ang kanilang kape ay nag-usap usap sila ng kung anu-ano ni kian.
"So, how's life pare?" tanong ni Owy sakanya.
"Still enjoying my life kahit na pi-pressure araw-araw. Nakakapanibago pa rin. Walang girlfriend."Natatawang sabi ni kian.
"Are you damn serious?"
"Serious. Girls just wanna have some fun so i'll give them what they want. A fun. No serious relationship at all. Just a relationshit." seryoso niyang sabi.
"Bat di ka maghanap ng matinong girlfriend kung ganoon?"
"Baka hindi ko maibigay sakanya ang oras na kung kelan na kailangan niya ako. I’m afraid i might hurt her in that way. Sa ngayon, mas iniintindi ko ang kompanya." patango tango naman si Owy.
"So kayo ni Cassy? Kayo na ba?" napangiti naman si Owy.
"Yes. 3years na kami ngayon. When the right time comes, I'll propose to her. Kaya ko naman siya buhayin." ngiting ngiti na sabi ni Owy.
"That's nice to hear."
"Oo nga pala, Nabalitaan mo na ba kian?" This time seryoso si Owy.Kinuha nito ang kape nito saka humigop ng konti.
"The what?"
"She's back."
"Sino ang nagbalik Owy?"
"Pam Chua. She's back Pare."
Hindi maintindihan ni kian ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon kung magiging masaya siya o hindi. Ngayon na nagbalik na ang taong minahal niya dati, ano na ang mangyayari?