Chapter 11

2425 Words
Dinala ko si Terrence sa isang top hill overview,Kararating lang namin.Napakaganda kasi ng lugar na ito.Buong city makikita mo.Dito kasi may freedom ka kung ano ang gusto mong gawin sa buhay mo.Lahat rito pwede mo isigaw ang lahat lahat na hinanakit na nararamdaman mo.Hindi ka maiinitan dahil may dalawang malalaking puno ang nakatayo rito sa top hill overview at mayayabong pa ang mga dahon nito.This place reminds me 8 years ago dahil dito ako mismo dinala ni kian nung sinuprise niya ako noong gabi iyon,Pinalagay niya pa sa isang building na kahit nasa overview ka makikita mo pa rin ito. Pinalitan ng malaking tarpaulin na I LOVE YOU PAM ang billboard na iyon ng advertisement pero dito rin pala ang huli kong punta noong sobrang nasaktan ako. *Flashback* “Pam let me explained.” Tumayo siya at tumayo rin ako.Sinampal ko siya na ubod ng lakas na ikinagulat ng karamihan na nasa loob ng restaurant na iyon. “You want to explain? Sorry but I don’t have time for bullshits kian.” Sabi ko at umalis na.Nakalabas na ako pero sinusundan niya pa rin ako.Pinigilan niya ako sa braso.Napaharap ako sakanya at agad ko siyang sinampal! “Tama na kian! Tama na! Ano ba! Ayoko na! Ayoko na gawing tanga yung sarili ko! Ayoko ng umiiyak ng dahil sayo! kasalanan mo ang lahat ng to at hindi ako.Hindi ako ang nang iwan sa ere, ikaw! kaya wag na wag mong sasabihin sakin na magpapaliwanag ka dahil malinaw ang lahat ng iyon sakin kian!sariwa pa sa utak ko!Ni hindi ko nga maintindihan eh?kung anong meron sa iba na wala ako kung bakit hindi mo magawang makunteto na ako lang.” “Pam don’t do this to me.”Yumakap siya sakin.Gusto ko siyang yakapin pero mas gusto ko siyang patayin sa mga oras na iyon.Itinulak ko siya papalayo sakin dahil nandidiri ako sakanya. “You made me believe that you won’t hurt me.You made me believe that I am your princess at wala ng iba.ang galing mo kian! Pinaniwala mo ang ng sobra! 100 % na audience ang pumapalakpak sayo! Sorry kian.No..I want to say, hanggang dito nalang tayo kian.”Umiiyak kong sabi at tinalikuran siya. Hindi pa talaga ako umuwi ng bahay ng gabing iyon. Dumaan ako kung saan ako dinala ni kian noong gabi na sinopresa niya ako.Nang makarating ako doon.Bumaba ako sa taxi at tinakbo ko kung saan hanggang ngayon tanaw na tanaw ko parin ang isang building na may malaking tarpaulin sa stall ng mga advertisement sa billboard.Andoon pa rin ang I LOVE YOU PAM na pinalagay ni kian sakin. “Bat mo ginawa ito sakin kian?! Napalaking gago mo talaga! Tarantado ka talagang lalaki ka!” sigaw ko habang umiiyak. Rinig ko pang pa echo echo iyong boses ko. “Akala ko pa naman ikaw iyong lalaking magpapasaya sakin.Iyong gagawin ang lahat para sakin.Kasalanan ko rin ito eh! Naging stalker mo ako dahil naka pa imposible na pansinin mo ako pero andito na tayo eh napansin mo na ako. Kasalanan ko dahil I expect too much from you, I want to blame myself for loving you dahil iyong pagmamahal ko ikaw rin pala ang sisira nun. Bwiset ka talagang lalaki ka!” napahagulhol na ako ng mga sandaling na iyon at napaluhod habang iyong mga kamay ko nakatakip sa mga mata ko. Daig ko pa tuloy ang babaeng bida sa pelikula sa drama ko. “Pagsisihan mo talaga na sinaktan mo ako!” sigaw ko nanaman ulit at napa iyak. *end of flashback* “Hey Pam? Are you alright?” Doon naman ako muli natauhan na tinapik ni Terrence ang balikat ko.Napatingin naman ako sakanya. “Ha? May sinasabi ka?” “Kanina pa kita tinatapik eh.Hindi ka naman natatauhan. Akala ko nga nasapian ka na ng masamang espiritu.” Ano pinagsasabi ng isang to? Sinimangotan ko nga. “Adik ka ba? Hindi noh. May naalala lang ako.” Peke akong napatawa. Bumaba naman kami ni Terrence sa kotse Naglakad kami konti at tska umupo kami sa damuhan doon malapit kung saan tanaw naming ang buong city.Pinagitnaan naming ang dalawang puno kaya hindi kami naiinitan.Nag indian seat kami. “Wow. Ang ganda rito ah! Very relaxing. Nag picnic sana tayo dito.” Suggest na sabi ni Terrence saka tinaas ang dalawang kamay nito at nag stretching pero ilang sandali binaba nito ang kamay nito sa balikat ko. Inakbayan ba naman ako. “Huy! Ano ba! Alisin mo nga kamay mo sa balikat ko! Da moves ka eh, noh?” angas ko sakanya.Napakamot tuloy siya sa ulo niya. Hahaha Tinanggal niya naman ito. Makulit pa naman ang lahi nito. “toh naman eh!Para akbay lang!” para naman itong bata na nagrereklamo kasi di pinagbigyan. “ayoko nga sabi. Nakakapanindig ng balahibo!” sabi ko naman. “Grabe ka talaga Pam! Hahaha” tsaka ginulo niya iyong buhok ko. Kainis naman eh! Ayoko talaga ginugulo buhok ko para kasi akong aso nun. Namuo naman ang katahimikan sa amin dalawa ni Terrence. Ayoko magsalita. Gusto ko siya lang iyong magsasalita tapos sasagot lang ako sa mga tatanungin niya. Hahaha “siya nga pala, Si kian ba iyong sinasabi mo noon na ---“ “Pwede ba Terrence ayoko siya pag-usapan ngayon.” Sabi ko naman. Totoo naman kasi na ayoko siya pag-usapan.Naiinis kasi ako.Simula kasi nagkita kami muli, Parang nagulo nanaman ang tahimik kong buhay. “Ex-boyfriend mo ba iyon? Nakalimutan ko kasi.” Sabi nito at base sa itsura nito parang inaalala pa. “Muntikan maging boyfriend.” Sagot ko sa tanong niya. Kasasabi ko lang nga eh na ayoko pag-usapan si kian tas eto namang katabi ko hindi nakakaintindi. Nagtanong pa. Sarap sapakin eh! “Ahhhh..So ako pwede ba maging boyfriend mo?” tanong nito pero hindi siya nakatingin sakin. Nahihiya to eh! Hahaha “Nagsisimula ka nanaman Terrence eh.” Sabi ko naman. “Ano ba kasi ang kulang Pam? Kaya naman kita pasayahin eh. Lahat naman ibibigay ko sayo.Bigyan mo lang sana ako ng pagkakataon na mahalin ka.”Tiningnan ko si Terrence.Sobrang seryoso niya ngayon. Sa phone lang kami nagkakausap pag nagkakaganito siya pero kasi ngayon harap harapan na. Ang hirap naman kasi ng ganito! “Baka kasi hindi ko maibigay iyong pagmamahal na gusto mong makuha sakin Terrence.kaya natatakot ako.Ayoko masaktan kita.” Sabi ko.tumingin siya sakin pero siya rin ang unang umiwas ng tingin. “It’s pathetic really, how much I still hope that it’s you and me in the end.” Sabi ni Terrence sakin. Napayuko naman ako.Hindi ko na kasi alam ano ang isasagot ko sa sinabi niya.Tumayo ako, Maglalakad sana ako pabalik sa kotse ng hilain niya ako sa kamay, Tumayo si Terrence. “Terrence iyong kamay ko…” “Mahal na Mahal kasi kita eh.Ang lakas kasi ng tama ko sayo.” Pag aamin ni Terrence sakin.Tumingala ako sakanya ng sabihin niya sakin iyon. I can see through his eyes na sobrang sincere niya sakin.At ng sandaling iyon nabubulabog iyong puso ko. “Kasi Terrence…” Hindi ko natuloy iyong sasabihin ko kasi bigla niya hinarang iyong isang daliri niya sa labi ko. Ayaw ako pagsalitain nitong kumag nato. “sssh.Sapat na sakin na sinabi ko sayo na mahal kita ng harap harapan.” Gumuhit naman ang isang matamis na ngiti sa mga labi ni Terrence. Ngumiti ako sakanya.Niyakap ako ni Terrence ng sobrang higpit. “Mahal na mahal kita Pam. Kaya kong higatan pa iyon.”Hindi ko siya sinagot. This time niyakap ko na rin si Terrence. Bumitaw naman ng pagyayakap si Terrence sakin.Nilayo niya ako ng konti sakanya.Hinawakan niya iyong baba ko.Unti unti niyang nilalapit ang mukha niya sakin. Shit! Anong ginagawa ni Terrence! Bat pumipikit to? Napapikit naman ako.Hindi ko alam kung bakit rin kusang pumikit ang mga mata ko. Baby I am yours You are my universe and twinkling stars Can you be my always and forever now? *ringtone* *ringing* Napadilat naman ako kasi biglang tumunog iyong cellphone ko sa bulsa. Mabuti naman naudlot iyong muntikan paghalik ni Terrence sakin. Kinabahan naman ako dun. Nawala kasi ako sa sarili ko, Drama kasi ng lalaking to eh! Kainis! -- Kian POV Matapos naming mag-usap ni Owy. Umalis na rin siya agad dahil kinailangan na niya bumalik sa opisina.Naiwan naman ako sa the peak, Tarantado talaga ang lalaking iyon. Ako nalang raw magbabayad tutal mas mayaman raw ako kaysa sakanya.Umorder pa tapos ako pababayarin? Mas gwapo raw siya at kinulang ako ng sampung paligo.Gagong iyon! Ni Hindi siya nakahalati sa kagwapohan ko eh. Naiwan tuloy ako ulit na mag-isa. Lagi nalang ba ako mag-isa nito? Sarap na talaga pag may katuwang sa buhay eh at iyong nagtatrabaho ka dahil may binubuhay kang pamilya pero eto ngayon nagpapayaman lang ako. Gusto ko rin naman magka-asawa.Hindi iyon nawala sa isip ko. Si Pam? Pasado na iyan na maging asawa ko.ang problema ni ayaw niya nga ako.Sukdulan ang galit at inis nun sakin. Psh Kinuha ni kian ang cellphone niya at dinial ang numero ni Pam. Ilang sandali naman nag ring ito. -- Pam POV Napakunot naman ang noo ni Pam na mabasa kung sino ang caller niya ngayon. Walang iba kundi si kian. Sasagutin ko ba to? Kaso ayoko sagutin eh. Wala ako sa mood makipag-usap sakanya. Inend call naman iyon ni Pam pero sadyang makulit si kian kaya tumatawag nanaman ito ulit sakanya. Ano ba gusto ng lalaking to? “Teka Terrence ah.May aso na tumatawag.” Nagtataka naman si Terrence.Itsura nito eh! Hahaha “Huh? Aso?” sabi niya. “Wala! Teka ah! Sasagutin ko muna.May tumatawag kasi.” “Go ahead.Answer it.” sabi nito tsaka tinulak tulak niya pa ako, aray naman! Kung makatulak eh! Lumayo ako ng konti kay Terrence para hindi niya marinig ang pag-uusapan namin ni kian. “H-ello?” “BAT ANG TAGAL MO SUMAGOT HA? SAN KA BA?!” Inis na sabi nito sa kabilang linya. Aba’t! Siya pa ang may gana magalit sakin? Problema nito? Padala ko siya sa Bermuda triangle eh! “HOY! SINO KA PARA SIGAWAN AKO HA! PROBLEMA MO?” inis kong sabi kay kian. “Wala. Sorry. Namiss lang kita.” Mahinahon niyang sabi tska narinig ko pang napabuntong hininga siya.Namula naman ako sa sinabi niya. “Anong kailangan mo.?” Tanong ko naman sakanya. “Puntahan mo ako.” “Ano ka sinuswerte? Tsaka kasama ko si Terrence. Hindi ako pwede.Wala rin akong plano sumama say---“ “KASAMA MO PALA ANG UNGGOY NA IYAN!NATULOY NGA TALAGA KAYO.” tapos narinig ko pa siyang nag smirk sa kabilang linya. Lalaking to! “Hindi unggoy si Terrence!” “Baklang unggoy iyan eh!” inis na sabi ni kian sa kabilang linya. Kahit kelan talaga si kian Oo! Bwiset talaga ang lalaking to eh! Nakakasira ng araw! “SINISIRA MO LANG ARAW KO EH!” “Hindi masisira kung ako kasama mo ngayon.Pinili mo kasi yang Terrence na iyan.” “Pakelam mo ba kian?” naririndi na talaga ako sa kian na to eh! Nakakainis na talaga! “Ano pupuntahan mo ba ako o Hindi?!” “Ayoko nga sumama sayo diba?! Ang kulit mo kian!” Grabe talaga to hindi matahimik eh! Turokan ko to ngayon ng pampatulog ng matahimik ang butsi nito. “Di mo talaga ako pupuntahan?”Parang nalungkot boses ni kian.Baka kasi mamaya manyakin ako nito eh! Wag na noh. “Hindi nga sabi eh.” Sumuko kana kian! Hahaha “Okay.” Ayun sumuko rin! Sa ayoko talaga sumama sakanya eh “Pero madali naman ako kausap. Mag ingat ka okay? Baka kasi mamaya kidnapin ka. Hindi kakayanin ng mga kidnappers ang pagbuhat nila sayo sa sobrang bigat mo.Ang takaw mo kasi kumain.Bye na nga!” tska binagsakan ako ng telepono ni kian. Bastos talaga ang lalaking iyon! Wala talagang modo! Bagsakan ba naman ako ng telepono! Psh. Anong pinagsasabi nito na ang takaw kong kumain?! Nilagay ko ulit cellphone ko sa bulsa tsaka binalikan si Terrence. “Sino iyon?” tanong ni Terrence. “ah.wala. Wrong number!” sabi ko naman. Ang sinungaling ko talaga! Haha Mabuti naman hindi na nangulit si Terrence. Nagkwentuhan lang kami ni Terrence. Umalis rin kami agad dahil nagugutom na raw siya pero mas gusto niya raw lutuan ko siya. Siya kaya gawin kong putahe? Hehehe -- Kian POV Damn! Nakakainis talaga ang babaeng iyon! Ang tapang tapang sumagot! Parang Hindi babae eh! Psh. Di pa naman ako pumasok sa opisina ngayon para sakanya tapos tinanggihan pa niya ako kanina! Di niya ba alam na masakit iyon! Psh. Sigurado talaga ako tuwang tuwa na ang unggoy na iyon na kasama si Pam. Matawagan nga si cassy. *ringing* “Hello kian? Napatawag ka? Problema mo?” “May gusto sana ako itakas.” Walang gana kong sabi. “WHAT?! ANONG ITATAKAS MO? DROGA BA? d**g LORD KA NA BA NGAYON KIAN?!” Babaeng to! Sobrang kitid mag isip! “Sira ka ba? Sa tingin mo ba gagawin ko iyon? Anong droga ba pinagsasabi mo?Nag aadik ka noh?Iyan napapala mo sa pagshashabu mo.” “Gag*ng to! Hindi ako nakashabu! Inlove itooo! Yieeeeeeeeeee!” tska tumili si cassy sa kabilang linya. Nyeta! Ang lakas makatili ng babaeng to! Parang kinikiliti eh! “Tulungan mo nga ako babae. Paano ko itatakas ang isang babae sa isang unggoy?” “Huh? Babae at unggoy?.” “May kasama kasi si Pam ngayon na isang unggoy.Si Terrence. Niyaya ko kasi siya kaso mas pinili niya ang unggoy na iyon! Nakakainis! Sarap upakan ng lalaking iyon!.” “Inis na inis ka talaga sa lalaking iyon? Nagseselos ka? Hahahahaha Kung hindi mo siya ginago dati.Sayong sayo sana iyang si Pam.” “Hindi niya naman boyfriend lalaking iyon.kilala mo ba ang Terrence na iyon?” “Pam didn’t mention to me.” “Parang ayaw niya na kasi ako makita eh! Halos isumpa na ako ng babaeng iyon!.Iniiwasan niya talaga ako! Ramdam ko naman dahil Hindi naman ako manhid!.” “Kidnapin mo nga ng matigil ka diyan! T-eka,, Nasusunog na iyong pancake ko! Lesheee iyong pancake ko!Uwahhh!” saka binagsakan naman ako ni cassy ng telepono! Kidnapin si Pam? Hindi ako mukhang kidnapper baka nga pag naging kidnapper ako sasama nalang kusa iyong bibiktimahin ko.Sa sobrang gwapo ko ba naman. Psh Pero what if I’ll try to kidnap her? Like for real. Matawagan ko nga si Owy.Madami kasi iyang kakilala na mga lalaking walang trip sa buhay pero matitino naman ang mga ito. *ringing* “Hello pare? Nasa meeting ako ngayon.” “May ipapagawa ako sayo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD