Nakakainis talaga bakit ba siya basta basta nanghahalik ha! Hindi niya ba alam na trespassing iyong ginawa niya para halikan itong labi ko! Aba! Ang kapal talaga ng mukha ni kian! Lagi nalang niya ako naiisahan tapos ako naman itong tanga tanga na hindi makagalaw kanina sa kinatatayuan ko! Paano nga ba naman ako makagalaw sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko kanina! Eekk! Nakakagigil!
"Pam saan ka ba galing? Kanina pa kita hinahanap sa loob." Salubong ni Terrence sakanya.
Tanga ba siya? Hindi niya ba nakita na lumabas ako kanina?
"Isa ka pa eh!" turo ko sakanya.
Nagtataka naman siya sa sinabi ko."huh? ako?" turo niya sa sarili niya na parang naguguluhan.
"Oo ikaw! Nakakainis ka!"
"Bakit babe ano bang ginawa ko?" walanjo! Anong babe ang pinagsasabi nito? Sipain ko siya eh! Badtrip pa naman ako ngayon.
"Bigla ka nalang bumiyahe papuntang pilipinas at sumulpot sa bahay ko! Iyong totoo ang kapal rin ng mukha mo katulad ng kian na iyon!"
"Totoo naman na di hamak na mas gwapo ako sa lalaking iyon eh! " kita mo kausap ang lalaking to! Puro kagwapohan ang ipinupundar sa sarili!
"Hindi iyon! Anong karapatan mo sabihin kay daddy na boyfriend kita? Close ba kayo? Hindi nga kita nagawang ipakilala sakanila nung nasa states pa ako!"
"Eh?" napakamot naman siya sa ulo niya. "P-asensya na babe. Hindi na mauulit."
Hinampas ko naman siya sa dibdib."Wag mo nga ako matawag tawag diyan na babe!" inis kong sabi.
"Ouch naman babe! Kararating ko nga lang eh. Wala lang naman akong yakap na salubong mula sayo diyan?" tsaka ni wide spread pa niya ang mga kamay niya para Malaya ako maka yakap sakanya.
Ha! Isa pa tong makapal ang mukha eh! Sino bang may sabi na yayakapin ko siya?
"Ayoko nga noh!"tsaka nag cross arms pa ako at tinalikuran ko siya.Nang tinalikuran ko siya bigla naman niya ako hinila ng malakas sa braso na dahilan na napasubsob ako sa dibdib niya at Malaya ako niyakap ni Terrence. Yung yakap na mafefeel mo na sobrang secured ka. Yung yakap na gustong gusto ng mga babae dahil parang pinoproteksyanan ka nito.Sobrang higpit ng yakap ni Terrence sakin ngayon. Itong yakap niya kulang nalang hindi ako makahinga eh. Problema ng isang to? -___-
Napatingala naman ako sakanya.
DUG DUG DUG
Bakit ang lakas ng heart beat ko? Tigilan mo yan puso ha! Lumalandi ka nanaman na wala sa oras!
Nang magkasalubong ang tingin namin ay ngumiti si Terrence sakin tsaka hinagkan niya ako sa noo ko which is the sweetest thing ever.
"You are the most beautiful girl I met in my whole entire life babe.Hindi ka nakakasawa pagmasdan. " akmang hahalikan nanaman niya ako sa noo ko na bigla ko pinitik iyong noo niya.
"So feeling mo naka score ka na niyan?" roll eyes kong sabi. Abuso eh! Tiningnan ko naman ang noo ni Terrence. Napalakas ata iyong pag pitik ko sa noo niya. Namumula eh. Hehehe
"Oo naman noh! Hindi naman kasi ako nambobola. This is the way I treated a girl special. Sweet naman talaga ako and I'm damn serious about you." Napangiti naman ako sa sinabi niya. Hindi ko nalang siya sinagot baka lalaki ang ulo nito eh tsaka sumabog sa sobrang hambog! Hehehe
Tinalikuran ko si Terrence alam ko naman na susunod iyan sakin.Ang init kaya sa labas!
"So ano? Sasamahan mo na ako mamasyal?" kulit niya sakin.
"Ay hindi! Hindi kita sasamahan! Kita mo naman na ikaw iyong pinili kong samahan kaysa kay kian diba? Natural sayo ako sasama. Andito ka diba? Kung si kian kaharap ko sakanya sana ako sasama, diba?" pagtagtaray ko. Ewan ko ba bat ang init ng ulo ko ngayon.
"Whoa! Ang init naman ng ulo mo babe! Kahit nagagalit ka ang ganda mo pa rin." Sabi ni Terrence sabay kindat sakin. Namula naman ako sa sinabi niya.
"Tigil tigilan mo ako Terrence ha!" banta ko sakanya.
"Magbihis ka na." excited nitong sabi.
"Oo na! Teka lang! maupo ka muna dun!" turo ko sa sofa.
----
Kian POV
Inis naman hinampas ni kian ang manibela niya habang nagmamaneho siya. Naiinis siya sa pagmumukha ng unggoy na iyon. Sino nga ba iyon? Terrence? Baduy ng pangalan!
"At talaga lang mas pinili pa ni Pam ang unggoy na iyon kesa sa sakin? Psh. Hindi ako makapaniwala. Para akong natalo sa lotto at hindi ko nakuha iyong jackpot na Oo ni Pam na sakin siya sasama. Ang ingay kasi ng unggoy na iyon! “naiinis na sabi ni kian sa sarili.
"Para talaga akong sinaksak kanina. I thought she will say yes but it's a no! Damn it! Para akong napahiya kanina."Tila nagdaramdam na sabi ni kian sa sarili.
Dinukot naman ni kian ang cellphone niya. Tatawagan niya si Owy.
Ilang sandali nag ring naman ito at agad nito sinagot.
"H-ello?" sagot ni owy sa kabilang linya.
"Hello pare. Saan ka?" tanong ni kian kay Owy. Huminto naman si kian dahil naka red light.
"Office."
"Oh? Nagtatrabaho ka na?"
"Oo naman para may ipapakain ako sa magiging future wife ko at sa future babies namin ni Cassy.hahaha." natatawa na sabi ni Owy.
"Magkita tayo sa The Peak." Ang tinutukoy ni kian na The peak ay isang restaurant. Nagpatuloy naman siya uli sa pagmamaneho dahil Green light na.
"Bakit?"
"Wala akong kasama."
Napahalagpak naman ng tawa si Owy sa kabilang linya."Hahahahahahaha ang isang kian migs monticillo habulin ng mga babae ay walang kasama?saan na ba ang mga chix mo pare? Kung sila pala ang yayain mo."
"Nagpapatawa ka ba? May niyaya na ako ni reject ako."
"hahahahaha whoa! Ang tindi naman pare! Ni reject ka?" bingi ba tong kausap ko? Kasasabi ko lang na ni reject nga ako eh!
"Wag kang bingi pare."
"Sino ba kasi niyaya mo?"
"Guess who."
"Gwen?"Not that b***h!
"Hindi ko kilala ang babaeng iyan."
"Hmmm si Pam?." Natahimik naman si kian.Napabuntong hininga siya. Alam niyo iyong feeling na gusto mo magwala dahil hindi mo matanggap na tinanggihan ka ng babaeng gusto mo.
"Natahimik ka na. So siya nga, Bakit ka naman niya tinanggihan? Galit pa rin ba siya sayo?"
"Wala naman atang araw hindi nagagalit iyon sakin eh.Matanong nga kita pare? Hindi ka ba nagagwapohan sakin? saan ka na?naka alis ka na ba sa opisina mo?"
"Uhhh Gwapo ka pare. Adonis ka sa mata ng mga babae.I'm driving now. Malapit na ako sa The Peak."
"Eh kung ganun bakit inis na inis si Pam na makita ang pagmumukha ko? s**t!" naiinis niyang sabi.
"Baka may karibal ka lang pare? Teka andito na ako sa The peak. Papasok na ako."
Ilang sandali ay nakarating na rin si kian sa The peak. Inend call niya muna ito at muli ibinulsa ang cellphone niya at lumabas ng kotse. Papasok na siya na kumaway si Owy sakanya. May isang waitress naman na biglang nakabasag ng baso. Nahuli pa ni kian na nakatingin ito sakanya at nakatulala. Pinapagalitan na siya ng manager nito pero hindi ito gumagalaw sa kinatatayuan.
Sabi ko na nga ba iba iyong karisma ko sa mga babae eh. Psh
Nakaupo na si kian sa tapat ni Owy. Pansin naman niya pinagtitinginan sila ng ibang babae na kumakain sa loob ng restaurant. Nginitian naman ito ni kian, Halata naman kinikilig ang mga babae sakanya.
"So meron nga?"Pagpapatuloy ni owy sa naudlot nilang usapan ni kian.
"Ang alin?"
“Competitor. May kaagaw ka na ba sa atensiyon ni Pam ngayon?" isinerve naman ng waiter ang inorder ni Owy na Fresh mango shake at isang mousse cake. Tig iisa sila siyempre.
"Yes. Ang unggoy na Terrence na iyon. Sinundan niya talaga si Pam dito sa pilipinas. Maybe Terrence is one of the guy friends of Pam in the states but I can sense it lalaki rin ako pare alam kong may gusto rin si Terrence kay Pam which is na hindi ako papayag na mapunta sakanya si Pam. I'll do everything to win her back.Kahit ata buhay ko itataya ko para mahalin lang niya ako ulit!"
Pumalakpak naman si Owy then he zipped his fresh mango shake at muli iyon inilapag sa mesa nila.
"You look desperate man."Natatawang sabi ni Owy. "Wag ka lang gumawa muli ng isang pagkakamali na ikakasisira ng tiwala sayo ni Pam.Look Pare, Be serious this time to her. Kaibigan namin siya. Naging kaibigan mo rin siya noon or shall we say muntikan na rin maging girlfriend, Sana naman magpakatotoo ka na sarili mo at patunayan sakanya na mahal mo siya at higit pa roon ang pagmamahal ang kaya mong ibigay sakanya."
"I know I'm such a fool noon at sa tuwing naiinis siya sakin at lumalayo mararamdaman ko talaga na hindi ko kaya na mawala siya sakin.Hindi ko matanggap sa sarili ko iyon kaya gagawin ko ang lahat.Alam ko naman na walang panama ang Terrence na iyon sakin."
"Wag kang pasisiguro pare. You don't know what things Terrence can do na hindi mo pala kayang gawin kay Pam." Napa isip isip naman si kian sa sinabi ni Owy. May point ito. May pakinabang rin pala tong si Owy.
--
Pam POV
Nang matapos ako makapag bihis ay bumaba na ako mula sa kwarto ko. Nang makalapit na ako kay Terrence bigla na nalang niya ako hinawakan sa kamay at mabilis hinila palabas ng bahay.
Hindi siya masyado halata na excited! May pa hawak hawak pa siya sa kamay! Abuso talaga eh! Tinanggal ko nga ang pagkakahawak niya sa kamay ko.
Paalis na kami sa bahay sakay ng kotse niyang mukhang brand new.
"Kabisado mo ba ang lugar?" tanong ko kay Terrence. ang confident niyang mag drive parang alam na niya ang pasikot sikot dito sa lugar namin eh bagong dayo siya rito.
"Hindi eh?" tapos napakamot siya sa ulo niya. Natawa naman ako sakanya.
"Hindi naman pala tapos hindi ka lang man nagsasalita diyan.Ako nalang ang mag da drive."Suggest ko.
"Okay boss." Tapos sumaludo pa siya sakin. Natawa nalang ako sa inaction niya.Hininto naman niya ang kotse at bumaba si Terrence ako naman lumipat lang sa driver's seat.
"Seatbelt." Sabi ko naman. Sinunod niya naman ang sinabi ko tapos nagmaneho na ako.
"Where are we going?"
"To the place you've really never been before siyempre hahaha pero sigurado akong ma aamaze ka." Saka nginitian ko si Terrence.