Chapter 3

746 Words
Abby's POV: "I can't believe all of these things are happening." Sabi ng mama ni Luke. Narito kami ngayon sa library room kung saan nakatayo ako at si Luke habang ang mama niya ay napaupo sa upuan pati ang papa niya. "Ano bang pumasok sa kokote mo Lucas at naisip mo to? Hindi mo man lang kami binigyan ng kahihiyan!" Dagdag pa nito. Nag igting ang mga panga ni Luke. Sa totoo lang ay pwede pa naman akong umatras tutal hindi pa naman kami kasal. "Tell me anong nangyayare sayo Luke? Mahal ka namin ng papa mo. Kaya ginagawa namin to sayo." Sabi ng mama niya. Nag angat ng tingin si Luke at nagsalita. "Tapos kana? Buo na ang desisyon ko at wala ni sino man sa inyo ang makakapigil sakin." kalmado lang na sabi nito. Nagulat ako at lalo na ang mama niya. "Tignan mo Facundo ganyan ba? Ganyan ba natin pinalaki ang batang yan?!" "Corazon he's not a kid anymore. Bigyan natin ng kalayaan ang anak natin sa gusto niyang gawin. Luke is 30 years old gusto mo pa bang mag ka apo o hindi?" Nakangiting sabi ni Don. Facundo. Napaisip ang mama ni Luke at tumayo. "Ilang taon kana iha?" Masuring tinanong ako ng mama niya. Sa gulat ko ay nauutal akong sumagot. "Ah-hmm 18 na po." Sabi ko at napayuko nalang. Nahihiya ako sa nangyayare ngayon. Parang kanina lang ay pag sstalk lang ang balak ko hindi ko inaasahan na hahantong sa ganito. "Okay payag na ako. Basta bigyan niyo ako ng apo." Sabi ng mama ni Luke. "Ano Po?!!!!!" Gulat na gulat na sabi ko. "Kung apo ang gusto mo kahit ilan pa mama." Sabi ni Luke at hinila ako palabas ng silid. "Lucas ingatan mo si Abby kailangan mag ka anak kagad kayo." Pahabol ng mama niya. Ng nasa labas na kami ng mansion ay tinanggal ko ang pagkakahawak niya sakin. "Sandali!" Huminto ako dahilan para huminto siya at lingunin niya ako. "What?" Halata ang irita sa mukha niya. Mukhang mainitin ang ulo niya. "Anu yun? Bakit ka nag propose sakin? Ano yung sinabi mo sa mama mo? Pakiexplain." Tumawa ito na halatang inis padin at nagsalita. "Ikaw ang pumunta dito diba? Kaya eto. Eto ang nangyare." "Ano? Hindi ko maintindihan. Ipaintindi mo sakin." "Ihahatid na kita." "Sandali. Kailangan ko munang malaman bakit?" "Anong bakit?" "Bakit ka nag propose sakin?" "Ayokong magpakasal kay Monica." Sabi nito. "Bakit Luke? Mukhang okay naman kayo sa resort. Ang sweet niyo pa nga." Ang tinutukoy ko ay ang kasweetan nila ni Monica noong nasa Resort kami nila Tanya ang kaibigan ko. ( Basahin niyo ang he's cold hearted para magets niyo yung sa resort:) ) "Naalala mo pa yun? Bakit kaba umalis?" "Huh? Naalala mo ko?" Ngumiti ito sakin. "Kamusta kana bata?" Napahawak ako sa bibig ko sa sobrang gulat. "Luke." yun nalang ang nagabi ko. Sa sobrang tuwa ko na naalala niya ko ay niyakap ko siya ng mahigpit. "Oh wag kana umiyak. Sabi ko naman sayo noon babalikan kita." "Bumalik ka nga pero ang Panget ng una nating pagkikita akala ko ikakasal kana." "Hahaha Kaya nga ako nag propose na sayo eh." "Huh bakit?" Inangatan ko siya ng tingin habang pinupunasan niya ang mga luha ko. Nagkatitigan lang kami. Hinihintay ko ang sagot niya. "Bata kapa talaga Abby. Tara na." Sabi nito. "Ang daya mo hindi mo sinagot tanong ko bakit ka nga nag propose sakin?" tanong ko habang binubuksan niya ang pinto ng kotse niya at sumakay nako. Bago niya sinara ang pinto ay nagsalita siya. "Baka maunahan pa ako ng iba." Mahina yun at hindi ko narinig. "huh ano yun?" Nakapasok na siya sa loob. "Ano yun hindi ko narinig." "Wala." Matipid nanaman na sagot nito. Ngumuso nalang ako at tumingin sa bintana. Habang binabagtas namin ang daan ay napatingin ako sa daan. Pamilyar ang daan nato hindi ko naman sinabi sakanya Kung saan ako nakatira. Daan to pauwi ng bahay. Maya maya pa ay nakarating na kami sa bahay. Maliit lamang ang bahay ko at ako nalang ang narito simula ng mag asawa muli ang mama ko at sumama sa iba. "Pano mo nalaman ang bahay ko?" Gulat na tanong ko. "Good night Abby." Sabi nito na nakangiti. Nawewirduhan man ako ay lumabas na ko ng kotse niya. "Goodnight Luke bye!" inaangat ko pa ang kamay ko habang minamasdan ang kotse niya papalayo sakin. "Pano niya nalaman ang bahay ko?" napakamot ulo nalang ako at pumasok na sa loob.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD