Chapter 2

974 Words
Abby's POV: "Wahhh! Bitaw!" pilit ko padin tinatanggal ang mahigpit niyang pagkakayakap sakin. "Teka? San mo ako dadalhin? Bitawan mo ko!" Hinila niya ako papasok ng mansion na tila walang naririnig. Kung bakit naman kasi naisipan ko pang alamin kung san siya nakatira e ngayon patay na ko neto. Mainit ang palad niyang nakahawak sa braso ko. Tuloy tuloy lamang ito sa loob. Madaming kasambahay ang nagulat at nagtaka. "Señorito sino ho siya? Nako darating na po maya maya ang Fiance niyo kasama ang mga magulang pati narin ho sina Don. Facundo at Donya Corazon." Tinignan lamang ito ni Luke ng masamang tingin at sa takot ng katulong ay umalis ito sa harapan namin. Ngayon ay hila hila niya padin ako. Narito na kami ngayon sa napakalaking salas ng bahay niya. Binitawan niya ako kaya naman napaupo ako sa sofa na malambot. "What's brought you here?" Tanong niya. Natameme nanaman ako sa kagwapuhan niya at napanganga nalang ako. Kumunot nanaman ang noo nito at sinuri ako mula ulo hanggang paa. "Dalaga kana." Sabi nito. Naguluhan ako sa sinabi niya. Parang nakikilala niya ako. Ibang iba sa Luke na nakita ko noon sa resort. "Never mind." Agad na sabi niya. Hay ano ba to bakit naman kasi sobrang gwapo niya at kahit na ang laki ng agwat niya sakin para lang kaming magkapatid ang bata niya at ang sarap (lande lang ni Author lol). "Hindi kaba magsasalita?" ngayon ay nakaluhod na to sakin habang akoy nakaupo kung saan ay pantay na ang mga mukha namin at nakatitig sa mga mata ko ang magaganda niyang mga mata. Napanganga nanaman ako hindi naman ako ganito, sakanya palang. Maya maya pa ay may narinig na kaming mga taong kakarating lang. Naguusap, nagtatawanan. "Tumayo ka." Sabi ni Luke sakin. Sinunod niya ako at nakita ko namang lumuhod siya sakin at may inilabas na maliit na box. Kasabay non ay nasa harapan na naming dalawa ang mga sinasabing bisita niya kasama ang Fiance, pati mga magulang nito. "Whats the meaning of this?!" Pasigaw na sabi ng isang matandang babae. Hindi ko alam kung saan ako titingin kung kay Luke ba o sakanila. Hindi pinansin ni Luke yun at binuksan na ang maliit na box. Namangha ako at napanganga ng makita ko ang isang emerald cut na singsing. Hindi lang basta basta ito dahil napaka ganda. "Abby Salazar Marry me." Paulit ulit yun sa tenga ko. Naglinis naman ako ng tenga hindi naman ako nabibingi. Pero bakit ako? Biglang may nagsalita. "Itigil mo na to Luke. Kung inaakala mo na hindi matutuloy ang kasal niyo ni Monica nagkakamali ka." Sabi ng isang matanda ngunit magandang babae. "Anong ibig sabihin nito Corazon?" Sabi naman ng tingin kong nanay ni Monica. Ang Fiance naman ni Luke ay masama na ang tingin sakin. "Abby?" Lumingon ako kay Luke na hinihintay ang sagot ko. Oh my ano ba tong pinasok ko? At bakit siya magpropropose sakin? Mas nakakaloka to Kesa sa love story nina Tanya at Dale. Ang komplikado ng sakin. "Itigil mo na yan Luke. Bata yan minorde edad pa nga ata yan. Hindi mo na mababago ang desisyon namin ng papa mo." Galit na sabi ng mama niya. "Please Abby Marry me." Nagulat ako sa sinabi ni Luke. Please? Ang sarap lang pakinggan. Pero bakit ako? Bakit agad agad naman walang pasabe? Hay Abby gusto mo naman to diba? Mahal mo naman si Luke Esteban eh mahal na mahal mo. Napalunok ako at tumingin muli sa mga tao roon. Pati mga maids at guard ay naroon din habang nanonood. Para silang nanonood ng eksena sa TV. Hindi ko alam kung bakit sila kinikilig habang pinipigilan ang pag ngiti. Bumalik ang tingin ko kay Luke. Sa napakagwapong nilalang na to na hinihintay lamang ang sagot ko. Tumingin ako sa mga magulang niya, magulang ni Monica at kay Monica na masama ang tingin sakin. Umiiling iling lamang ang mama ni Luke habang cool na cool naman ang papa niya na nanonood lang. Marahil ay dito nakuha ni Luke ang magandang mga mata. Sa Huli ay tumingin ako kay Luke. "Yes I do." Pagkasabi ko ay tumayo agad si Luke na may malaking ngiti at hinalikan ako sa mga labi ko. Wow first kiss ko yun Luke kinuha mo ng ganun ganun nalang? Isinuot niya sakin ang maganda at malaking singsing. Parang sinukat pa dahil sukat na sukat to sa daliri ko. "Ano bang kalokohan to Mr. Mrs. Esteban?! Niloko Lang ng anak niyo ang unica hija ko!" Sabi ng malditang babae at nagwalkout na sila. Pilit na pinigilan ito ng mama ni Luke at naiwan ako si Luke at ang papa niya. "Congrats Son." sabay tapik ng papa niya sa balikat nito. "Ang ganda naman pala ng mapapangasawa mo bakit ngayon mo lang pinakilala?" Tanong ng papa niya ay hinalikan ang kamay ko. Sasagot palang si Luke ng dumating ang mama niya na galit na galit ang aura. "LUCAS! WHAT HAVE YOU DONE?!" Umuusok na ang ilong nito sa galit at napapailing nalang si Luke at ang papa niya. "Maguusap tayo. At ikaw babae ka magtutuos tayo." Madiing Sabi ng mama niya. "Ihahatid ko na si Abby. Gumagabi na. Kung kakausapin niyo siya ako nalang." Sabi ni Luke. "At sinong nagsabing uuwi siya? Dito siya titira Luke. Kikilalanin ko ang mapapangasawa mo." Pagkasabi ng mama nito ay umalis na siya. Sumunod naman ang papa niya at napaupo ako sa sofa. Nako Abby ano ba tong pinasok mo? "Tapos na ang palabas! Gusto niyo bang mawalan ng trabaho?!" Mainit ang ulo ni Luke. Sinigawan niya lahat ng mga nanonood samin. Hay Abby katapusan mo na Talaga. Ano na ang gagawin ko ngayong ikakasal na kami? Ang bilis. Ang bilis bilis naman ng pang yayare. "I can explain." Sabi ni Luke. Napatingin nalang ako dito at nanghina na ang tuhod ko. Grabe Luke iba ka talaga hay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD