Reaction

1130 Words
Yvie's POV Wala akong maintindihan sa lahat ng papeles na hawak ko. Kung kailan nainlove ako ng ganito saka naman halos buong mundo ang tutol sayo. Binitawan ko yung ginagawa ko  at sinimulan ko na lang magstalk sa f*******: account ni Andrea. Hindi ko magawang magpadala ng friend request sa kanya kase nilalamon ako ng hiya. Kaya nakokontento na ko na ganito na tingnan kung nag upload ba sya ng panibagong picture dahil mukhang nag gagala lang sya kesa umattend ng trainning nya. Mayamaya ay may panandakang pumasok sa opisina ko. "Yvie! Tara!" Sigaw ni Carol. Anak ng! "Wala ka bang trabaho?ang tamad mo." Saad ko at medyo napadiin yung hawak ko sa cellphone ko dahil sa hiyaw ni Carol. "Wala....Nakaleave ako ngayon.. Ano tara gala?" Sabi nya na akala mo high school pa din kami na ara-arangkada ay makakalayas kami. "May board meeting pa ko...." pagtingin ko sa cellphone ko parang mapuputol ang hininga ko dahil napadiin yung daliri ko at lumitaw na lahat ng reaction logo sa ibabaw ng  like button! "Jusko! Carol tulungan mo ko!" Tarantang hiyaw ko. Malalike ko yung post ni Andrea! Parang nagpanic din si Carol sa inasal ko kaya lumapit sya sakin. "Gago! I-love mo na lang yung picture maganda naman sya!" Suggestion ni Carol. Anak ng! Hindi na sya nakakatulong! "Tang ina ka! Hindi kami friends dito!" Parang gusto ko ng umiyak sa kahihiyan malalaman nyang pasimple kong tinitingnan yung sss post nya araw araw. "Malandi ka! Kelan ka pa natutong mag stalk ng sss na may sss!....saglit slide mong mabilis yung daliri mo paitaas para mawala!" Hiyaw sa akin ni Carol. "Nanghihina ako hindi ko kaya!" Talagang nanginginig na yung hinlalaki ko sa pagdiin sa screen. Inay ko po parang nakakagago pa yung paggalaw ng mga emoji na reaction! "Talandi kase!....ganito!." At kapag daka ay hinila nya yung daliri ko paitaas pero nanlaki pareho yung mga mata namin ng dumausdos yung daliri ko sa gilid. "Tang ina Carol!!!" Hiyaw ko at talagang gusto ko ng magwala at ihataw lahat ng upuan sa office ko sa bunbunan nitong ni Carol. Angry! Angry yung reaction na napindot ko! Kung papalitan ko iyon magnonotify pa din sa kanya na angry yun! Wala na alam na ni Andrea na ini-stalk ko sya. "Sorry....hayaan mo mapapansin ka na ng crush mo... balik na lang siguro ako bukas...bye!" Kumaripas na sya ng takbo habang natatawa! "Carol!!! Wag kang babalik dito!" Hiyaw ko sa galit. Wala talaga syang ginawang maayos! Jusko anong gagawin ko! Pinalitan ko na lang na Love reaction. Bahala na! Mayamaya may nagchat sakin. Parang nahigit ko yung hininga ko ng mabasa ko yung pangalan ng nagchat. 'The hell Yvie! Angry talaga! ' ' Sorry yung friend ko kase sumigaw kanina kaya aksidente kong napindot yung Angry.' 'Stalker!' Sagot nya. Wala na pakapalan na ng mukha 'to kaya heto padala na ko ng friend request sa kanya. ' Ayaw baka i-pasalvage pa ko ng mga chicks mo XD' chat nya ulit kaya napanguso ako. Wala na nga akong nilalanding iba simula nung nakilala ko sya. 'Don't worry wala akong friends dito sa sss na chicks ko...you are safe ^○^' 'WTF! Babaero!' Nataranta ko kaya biglang kabig ako. 'Joke lang...bagong buhay na ko. Saka di ba ikaw na yung Reyna sa puso ko (kilig!)'  Sagot ko medyo nakakakilig pala makipagchat kapag talagang gustung gusto mo yung kachat mo yung tipong bawat sagot nya na inaantay mo nakakapigil hininga kahit simple lang. Dati kase kakatamad gawin yung ganito. Mayamaya ay inaccept na nya yung request ko. "Yes!" Buong lakas na sigaw ko hahahaha. Magpapakain talaga ako mamayang meeting dahil sa sobrang saya ko. 'Thank you for accepting my request!' Chat ko sa kanya. 'You met my parents...Cielo told me.' 'Kahapon...holding hands nga kami ng kaluluwa ko para di sya tumakas dahil sa sobrang takot nya sa Mommy Dominique mo lol.' 'Hahahaha! Pinagtitripan ka lang ng mga yun. They are nice.' Sagot ni Andy kaya napangiwi ako ng mabasa ko ito. Hello? Need ko nga daw ng assessment sa Mommy ko regarding sa pamilya nya. Parang sasabak ako sa digmaan na tanging dala ko lang ay isang stick! Habang sila ay kargada ng M16? 'Grabe nakakaanemic silang mangtripXD trip-to-kill?' 'Oh gosh! Yvie sobrang natatawa ako sayo.....Gusto ko na talagang umuwi.' Sa sagot ni Andy na yan parang nalungkot ako dahil pakiramdam ko napipilitan lang sya sa mga pinaggagawa nya ngayon. 'Uy!miss na nya ko....uwi na pakikilala kita sa mga kaibigan ko.' Napapangiti ako sa kilig habang kachat ko sya. 'Kapal! Baka ikaw kase nangstalk ka sa sss ko....'  'Dyosa naman yung ini-stalk ko♡ kelan ka uuwi?' 'Kung kailan sabihin ng Mommy ko...' 'KJ naman ng mother-in-law ko....sabi ko naman sa kanila kaya kitang buhayin at ipaglaban. And everything you want to be, susuportahan kita, I want my Misis to be happy and all of her dreams to be come true. I will be there for you.'  Kinikilig talaga ako sa ideya na makakasama ko sya forever. Hindi ko alam bakit tinamaan ako ng ganito sa kanya. 'Ang lakas mambola talagang Masteral sa larangan na yan ah! As if masabi yan sa parents ko makita mo nga lang anino ng Mommy ko parang tinatakasan ka na ng ulirat mo hahahaha' Kainis kalat na kalat na talaga yung pagkatakot ko sa nanay nya. Nakakahiya! 'Sorry my Misis but nakapagpaalam na kong manliligaw sayo sa parents mo' proud kong sabi. 'Really? Anong sabi nila?' 'Ayun! Pipilipitin daw nila yung leeg ko....jusko XD. At ban ako sa Embassy ng Spain para di kita masundan....eh sila naman yung liligawan ko mamayang gabi.'  Nakakaloka yung mga magulang nya ang higpit sobra. 'Oh ghad! Hahahaha hindi ko maimagine na nagwawala sila habang sinasabi yan. Bring kalamay puto for Baba mamaya para ma-good shot ka.' Napangiti ako dahil tinutulungan nya ko sa mga dadalhin ko na gusto ng magulang nya. 'Okay yan makipagcooperate ka para mapabilis na maging tayo para sa susunod wedding day naman natin yung aasikasuhin ko.'  Sagot ko sa chat nya. 'What the hell! Yabang nito! Hahaha ewan ko lang talaga kung makakalusot ka sa mga magulang ko.' 'I have many option kapag busted ako sa kanila....itatanan kita hahahaha' 'Ulol!' Mayamaya ay kumatok yung secretary ko. "Ma'am magstart na po yung board meeting." "Okay sunod na ko." Nakangiting sabi ko bago sya tuluyang  umalis. 'My misis later na lang...I have board meeting kailangan kong kumayod para sa magiging pamilya natin.'  Pagpapaalam ko bago ko inayos yung mga papeles sa ibabaw ng lamesa ko na kakailanganin ko sa meeting. Hindi na sya nagreplay. Habang naglalakad ako papunta sa conference room ng muling tumunog yung phone ko. 'Okay gudlack Yvie....miss you.' Doon na ko napalundag lundag sa tuwa habang hawak ko yung cellphone ko at pakiramdam ko ang init ng mukha ko. At yung t***k ng puso ko sa saya hindi ko makontrol! Paghinto ko napatingin ako sa paligid, napasamid ako dahil lahat ng empleyado ko ay tulalang nakatingin sa akin. Nakakahiya! Tumikhim ako. "Sorry guys....medyo...kinilig lang ako ng kaunti pinansin na kase ako ng crush ko." Natatawang sabi ko dahil sa sovrang saya. Lahat sila nagpalakpakan at mga kinantyawan ako. "Ma'am celebration na yan!" Sabay sabay nilang kantyaw sakin at masayang masaya din sila. "Sige mamaya...my treat!" Masayang sigaw ko. Nakakabaliw ma-in love! .........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD