Her Parents

1295 Words
Yvie's POV Nagpumilit akong sumama kay Mommy na umattend ng meeting sa mga Santillan. Isa kase sa mga investor dito ang nanay ko. At yung negosyong hawak namin ng mga kapatid ko ay yung sa tatay ko. "Nagpapacute ka ba sa anak ni Dom?" Bulong ng nanay ko at parang konting konti na lang ay kukurutin na nya ko. "Hindi noh....concern lang ako Mommy dahil ayaw naman ng mga kapatid ko na manahin ito." Kampanteng sabi ko at tinaasan lang nya ko ng kilay. "Tama ka dapat may magmamana nito dahil pinapatay mo na  ko sa konsimisyon bata ka!" At saka ako hinataw ng nanay ko sa braso ko. "Ouchh! Mommy...wala naman akong gagawing masama gusto ko lang sumama..." maktol ko pero piningot nya yung tenga ko. "Bibilingin ko talaga yang mukha mo Yvie kapag may ginawa ka sa anak nina Dom!" Singhal na pabulong ni Mommy at napasimangot ako. Napakadaming kontrabida sa love story namin ni Andrea, pero parang movie lang yan eh laging naaapi ang bida sa umpisa pero hindi na sa ending. Ghad! Ang cheesy ko ng mag isip! Mayamaya ay sinenyasan ako ng nanay ko na sumunod ako sa kanya. Pumasok kami sa office nya. "Kung gusto mong isama kita dito araw araw...all you need to do is to stay in this room during my meeting..... Naiintindihan?" Tanong ni Mommy sakin at padabog akong naupo sa sofa na nandito sa loob ng office nya. "Hiniling ko naman ng maayos...hiniling ko sa mga anghel na bigyan ako ng mababait na anak...bakit?...anong nangyare sayo?" Talagang masakit na yung ulo ng nanay ko. "Mommy promise magbabait na ko simula ngayon...mawasak man yung brief na suot ni Kuya ngayon.." natatawang saad ko at napasimangot lang sya. Mayamaya ay kumatok na yung secretary nya. "Ma'am within 5 minutes magstart na po yung meeting...pinapatawag na po kayo." Saad ng secretary nya at napatango lang si Mommy. Mayamaya ay umalis na si Mommy. Hindi talaga ko mapalagay kapag ganitong nasa iisang lugar lang ako kaya ang ginawa ko lumabas ako ng office ni Mommy at naglakad lakad. Nakarating ako sa isa pang lobby ng kumpanyang ito at bumulaga sa akin yung mga naglalakihang portraits ng pamilya ng mga Santillan. Meron dito ay yung painting ng pamilya nina Andrea kasama ang mga magulang nyang sina Ma'am Dominique at yung Baba Ronby nya. Yung next portrait ay sa pamilya nina Orange. At yung pinaka-nakaagaw ng pansin ko ay yung isang portrait ng isang babae na nakaupo at nakatayo si Cielo sa gilid nito habang nakapatong ang kanang kamay nya sa balikat ng babae. Medyo kamukha nya ito. "She's Andrea...yung totoong nanay ni Cielo. She died before my daughter was born....pinangalan namin sya sa kanya." Paglingon ko yung Baba ni Andy. "Kapag kaya na ni Cielo...kalahati ng Santillan Empire ay sa kanya na mapupunta. Sa ngayon kase yung misis ko muna yung nagte-take over.." kwento nya. "M-magandang umaga po...pasensya na po kung palakad lakad po ako dito....nainip po kase ako sa opisina ni Mommy." Saad ko. "No, it's okay....I heard na magaling  ka din sa negosyo, ikaw daw yung bagong CEO ng kumpanya ng daddy mo?" Tanong nya sakin. Napakamot ako ng batok ko sa hiya. "Yung kuya at ate ko po kase balak na po nilang ipursige yung mga passion nila sa abroad. Kaya po hindi ko po mapabayaan yung kumpanyang bumuhay sa amin." Saad ko. At kaya ko na pong buhayin yung dalaga nyo gusto ko sanang idugtong kaya lang baka wakasan nya yung buhay ko. Sacry! "Wow! That's the spirit...courting first Tita Ronby....50points agad." Natatawang saad ni Cielo bago humalik sa pisngi ni Ma'am Ronby. Parang nilamig ang sikmura....anak ng....bubwelo ako eh! "Huh? Bakit? Ano yun?" Takang tanong ng Baba ni Andy kay Cielo. Napatingin sa akin si Cielo at biglang nanlaki yung mga mata nya ng marealize nyang wala pa akong sinasabi. Parang namutla din sya. Naman! "Kase Tita...." hindi matuloy tuloy ang sasabihin ni Cielo dahil napasubo na sya. "Manliligaw yan ng unica hija mo Ninang Ronby." Nakangising saad ni Orange na galing kung saan. Parang doon nabigla yung Baba ni Andy. "Anak ka ng! Todo kwentuhan tayo dito! Kaya pala biglang tungtong ka dito sa kumpanya para makasilay sa anak ko!" Salubong na yung kilay nya. Napanguso ako. "Mahal ko po yung anak nyo at mukhang mahal nya din ako kaya po ipaglalaban...." hindi na natuloy ang sasabihin ko ng rumihistro yung frustration sa mukha ng Baba ni Andy. "Ipaglalaban? Nahihibang ka ba? Hindi! Ayoko! Ang Ipaglaban mo kung paano ka makakaligtas sa pagpapalipit ko sa leeg mo!" Nagwawala na talaga yung Baba nya na kanina lang ang kalma kaya napangiwi ako. Ano ba 'to parang naiihi ako sa takot. "What's happening here?" Paglingon ko para akong nangilo sa takot lalo. Jusmiyo! Yung Mommy ni Andy kasama yung Nanay ko. "Yvie! What the hell!" Hinila ako ng nanay ko na parang turumpo na din sa kaba. "Tita Dom meet your daughter suitor..." at itinuro ako ni Orange na natatawa. Gawin ko kayang Lemon 'tong hinayupak na pinsan ni Andy....gigil much lagi sa akin! "Helga?" Tanong ni Ma'am Dominique kay Mommy at parang nataranta din. Humarap sa akin si Mommy na parang mahihimatay na kagaya ko dahil sa kaba. "Anak? Anong ibig sabihin nito? Nagbibiro ka lang di ba?" Masinsinang tanong sa akin ni Mommy. Mahal ko naman talaga si Andy kaya hindi ito biro. Umiling ako kahit kinakabahan din ako at parang naliyo lalo yung nanay ko sa pag iling ko. "Jusko! Jusko! Bakit po?" Bulong ni Mommy sa hangin. "Mukhang hindi na mapipigilan yang anak mo Helga...okay Young Lady patunayan mo yung sarili mo sa amin..." saad ni Ma'am Dominique. "Wait...wait! Ayoko...I mean...Helga no offense......but..." kita ang pag alma ng Baba ni Andy. Napanguso ako. Hindi naman ako masamang tao. "She f****d my bestfriend and run away the next morning....saan tutubo yung salitang tiwala?" Saad ni Orange. Doon nanlaki ang mga mata ko. Ow my Ghad! Sino dun yung bestfriend nya? Talagang arrrrghhh! Wala na kong pag asa! Nalulungkot ako! Malamang harot yung bestfriend like duh! Hindi ako unang nagbibigay ng motibo sila yung tukso na kapag inano mo habol ng habol! Kainis! "Baka kawawain nya lang si Ate Andy..." saad ni Cielo. Ngayon hindi na maipinta yung mukha ng mag asawang Espinosa. Kaya napalunok ako. "I'm sorry Dom and Ronby....hayaan nyo kakausapin ko ng masinsinan itong anak ko....." saad ni Mommy. Gusto kong maiyak! Dapat talaga nag tino ako eh! Tingnan nyo...daming nagiging kontrabida kapag hindi ka nagbait! "Okay so we are settled then....Andy is in Madrid for her trainning... mukhang hindi ko muna sya papauwin hangga't wala pa sa wisyo yang bunsong anak mo Helga." Saad ng Mommy ni Andrea. Parang nabiyak yung puso ko dahil dito...wala pa yung mahal ko. Nasa malayo pa sya. "Ipababan kita sa embassy ng Spain para hindi mo masundan yung baby ko!" At nagwalk out yung Baba nya. At napangiwi ako. Yung kaluluwa ko magkahawak kamay na lang kami para hindi nya ko takasan kase yung kaba at takot sobrang lapot na sa dibdib ko! At sumunod yung dalawang magpinsan sa kanya. "Papatunayan ko po sa inyo na malinis po talaga yung hangarin ko sa anak nyo..." saad ko at napataas yung kilay ng Mommy ni Andy sa akin. Promise nagtatapang tapangan lang talaga ako. "Mukhang hindi mo talaga kami ganun kakilala bata ka? You need an one on one assessment with your Mom....regarding in our family. You can mess up with different women but......" tumitig sya sa mga mata ko at parang pinapatay na nya yung kaluluwa ko kanina pa gustong tumakas. "Not with my only daughter....kung makakasurvive ka sa aming mag asawa but not in the Younger Santillans...specially with Orange....so if you still pushing your so called 'love' with my Andrea...be prepared how crazy those Santillans in revenge when Andy got hurt. Dalawang Santillan palang yung nakikilala mo." Saad nya at nagwalk out. "Yvie!!!" Sobrang frustrated na sigaw sa akin ni Mommy. Wala ng urungan to! Kung magtutulungan yung mga batang Santillan, I have Cyrll, Shann, Yuri, Roian, Gale and Carol! Alam kong tutulungan nila ko regarding dito. Pasensya sila Mahal ko talaga si Andrea! ...............
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD