Yvie's POV
Bawat araw hindi ko macontrol ang sarili ko na mahulog sa kanya. Nawalan na ko ng ganang magbar at makipag fling sa iba. Kapag nga may lumalapit sa akin na may motibo hindi ko na inentertain dahil kay Andrea. Hindi ko alam bakit sumasapi sakin ang makonsensya at magpakabait na.
Kung sinuswerte nga naman yung my love ko yung makikita ko dito sa parking lot ng Empire. Habang papalapit na ako sa kanya ay malaya ko syang tinitigan sa mukha. Yung mga mata grabe ang ganda yung ang taray na singkit pero ang sexy tumingin. Kamukha nya ng mata yung si Ma'am Ronby tapos the rest ay sa mga Santillan na. Nang makalapit ako sa kanya ay ngumiti sya sakin. In love na talaga ko!
"Tagal mo." Saad nya at inabutan nya ko ng isang bag tapos may kinuha sya sa loob ng sasakyan nya.
Baseball bat?
"Aanhin mo yan?" Takang tanong ko pero hindi nya ko pinansin.
"Give me your car key...sira kase itong kotse ko." Sabi nya at sabay turo nya sa isang sports car.
Wala akong nagawa kaya inabot ko pagkatapos ay napangiti sya pero napakunot ang noo ko dahil iba yung ngiti nya.
"Sakay ako magdadrive..."
Wala akong nagawa kundi ang sumunod.
Nang makalayo kami sa Santillan Empire ay pinarada nya sa gilid ang sasakyan at kinuha yung bag na iniabot nya sakin. Napatingin ako sa relos ko. 8:30 am palang.
Bumaba sya kaya sumunod ako. Nanlaki yung mata ko ng ilabas nya yung isang bote ng bacardi. Natatawa syang binuksan iyon at walang alinlangang ininom.
Jusmiyo! Parang ako yung masusuka sa pinaggagawa nya.
Muntik ng mangalahati iyon ng lubayan nya at muling sinarado bago itinapon sa basurahan.
"Andy...ano....kung may problema ka willing ako makinig at ituwid ka ng landas.." saad ko pero tinaasan lang nya ko ng kilay. Sobrang pula ng gilid ng pisngi nya. Patay talaga ko sa nanay nito!
"Gender bender ka paano ka mangtutuwid ng landas? Gawa gawa ng kwento." Natatawang sabi nya habang naiiling. Aba't!
Sinenyasan nya ko sumakay na ulit. Muli kaming bumiyahe hanggang sa makarating kami sa isang subdivision.
Pumarada kami malapit sa isang luxary car. Binuksan nya yung phone nya at waring may binabasa.
"Ito na yata yun." Sabi at lumingon sa akin at kinuha yung baseball bat. Tumayo sya sa may likuran ng kotse habang tangan yung baseball bat. Kinabahan ako kaya bumaba ako.
"W-wait anong gagawin mo?" Ninerbyos kong tanong sa kanya pero ngumiti lang sya ng nakakaloko.
"Mali ang tanong mo....ang tamang tanong, anong gagawin mo?" Napalunok ako sa sinabi nya. Lumapit sya sa akin at iniabot nya sakin yung baseball bat.
"Hit it!" Saad nya at pumwesto sya sa likod ko.
"What?" Hindi ko kaya! Naiiyak ako!
"Hatawin mo yung kotse, dali!" Utos nya.
"Hindi ko kaya Andy baka..." hindi pa man din natatapos yung sasabihin ko ng humirit sya.
"Manliligaw ko ang may ari ng kotse na yan..." walang ng tanung tanong pa ay hinataw ko ng apat na ulit yung luxary car sa harap ko at talagang basag yung salamin sa likod. Nag ingay na yung alarm ng kotse.
"Joke lang yun Yvie...sa anak yan ng kaibigan ni Mommy." Natatawang saad nya. Doon na parang gusto ko ng mahimatay. Feeling ko lahat ng red blood cells ko namuti na sa sobrang takot! Jusko anong ginawa ko!?
Hinila nya ko at pinasakay na sa kotse ko at sya na yung drive . Pinaharuruot nya ng mabilis yung kotse ko para mabilis kaming nakalayo sa subdivision na yun.
Habang nagdadrive sya ay tawa sya ng tawa sa nangyare kanina. Ako? Hindi ko magawang tumawa dahil putcha naman! Sa anak yun ng kaibigan ng Mommy nya! Wala na talaga akong mukha na maipagmamalaki.
"Relax Yvie...mapapatawad ka din ni Ninang Kiyo...." relax nyang sabi sakin.
"Hindi ako mapapatawad ng Mommy mo...." ang sama sama na talaga ng pakiramdam ko.
Hila hila nya ang kamay ko papasok sa isang resturant. Magbreakfast daw kami bago ako pumasok ng work. Ito ba? Ito ba yung karma ko sa lahat ng babaeng pinaiyak ko? Magbabait naman na ko late nga lang pero nagbabait pa din.
Wala akong naintidahan sa mga pinag oorder nya dahil hindi mawala sa isip ko yung luxary car na nasira ko.
"Relax...sagot kita sa nangyare...akong bahala." Hindi ko matantya kung inuuto lang ba nya ko o ano.
Nang maiserved na yung pagkain namin ay nawirduhan ako sa ginagawa ni Andrea. Yung white pasta nya binuhusan nya ng chocolate syrup pagkatapos ay binudburan nya ng chili powder parang isang kutsarita nun bago pinisikan ng lemon na para sa salmon.
Napangiwi ako. Ang gandang babae nito bakit ganito ang pinagkakain nito?
"Yvie...say ah!"
Teka! Ano daw? Pag angat ko ng paningin ko ay nakatutok na yung tinidor na may lulan ng kakaibang pagkain sa bibig ko.
Napalunok ako.
"Galit ka ba sakin?" Nakangiwing saad ko.
"Hindi noh! This is the way I welcome someone in my life..." saad nya habang parang arggggh! Nadadala ako sa mga mata nya. Para kong nahihipnotismo.
This is how she welcome a person in her life.
Mahal ko sya. Yan na lang panghahawakan ko. Katulad kanina ay walang anu ano ay sinubo ko iyon.
PUTANG INA!
Mura ng isipan ko sakin! Nasusuka ako pero hindi pwede! Parang tinakasan ako ng kaluluwa sa lasa ng arrrgggggh! Kung pagkain pa ba ang tawag dyan. Naupos ko yung tropical juice ko at kalahating pitsel ng tubig bago ko tuluyan naubos yung isinubo nya sakin.
"Nood ka ng laro ko mamaya..." saad nya bago nya nilihis yung plato ng pagkain na pinaghalo halo nya kanina. Sino kaya sa mga Santillan yung ganito na pagmamanahan ng babaeng 'to?
"Anong laro?" Tanong ko ng makarecover ako.
"Football....." bago nya nilantakan yung maayos na pagkain.
Heto ko ngayon pinapanuod yung laro nya kasama ang ilan nyang mga kaibigan ng football habang umuulan. Alam ko na kung bakit ko sya nagustuhan. Hindi dahil maganda sya kundi dahil she have a free spirit, she can do what ever she wanted to do and she's not afraid to do everything.
Nung natapos yung laro ay pumunta na ako sa waiting area ng building na iyon. Natanaw ko syang papasok na galing sa field kasama ng mga kaibigan nya and she gave them a highfive and she's the only one have a dirty footprints on the floor. Napangiti ako, hindi nya alam na ang ganda ganda pa din nya kahit putikan na yung suot nya. Next thing I know, nakapagpalit na sya. She's like a beuty queen in just her t'shirt and her jeans. She's standing in my font while checking her bag.
"Beautiful..." mahinang anas ko.
Napatingin sya sakin at salubong ang kilay.
"Ano yun?" Takang tanong nya.
"Huh? Wala...." nahihiyang sagot ko at napakamot na ko ng batok. Napatingin sya sa labas and she smiled. She hold my hand at parang bumagal yung pintig ng puso ko at wala na kong nakikita sa paligid ko maliban sa kanya. And the way called my name? Hindi ko alam bakit kinikilig ako eh ang simpleng bagay lang nun.
Hinila nya ko palabas and now we are dancing in the rain. Hindi ko akalain na sasaya pa pala ako? Akala ko huminto na yung mundo ko ng mawala sakin yung taong iyon.
Pero ngayon....Andy put a lot of colors in my life kahit nito ko lang sya nakilala.
Liligawan ko sya...I will risk everything basta maging akin lang sya. Hindi man perfect yung panliligaw ko pero enough para iparamdam sa kanya how special she is sa puso at buhay ko.
"Andrea...." tawag ko sa kanya habang nasa gitna pa din kami ng ulan.
I smiled to her...
"I will make you my Queen....Please let me court you....I know and everyone knows that I'm not good at this but....just give me a chance to prove my self to you na ikaw lang ang nagustuhan ko ng ganito....sayo lang...." saad ko at mukhang nagulat sya.
"I really like you...." seryosong saad ko.
Ngumiti sya sagad sa mga mata nya kaya nabuhayan ako ng loob.
"Ligawan mo muna yung parents ko...." natatawang saad nya pero yung mga mata nya nagniningning sa saya.
Ow-em-geee! Biglang nawalan ako pag asa sa mundong ibabaw!
Kaya ko kaya? Haist! Bahala na!
"Soon ba na tanggap na nila ko tayo na?" Nakangiting tanong ko at tumango sya. Pinapalakas ko yung loob ko. Kakayanin ko iyon.
"Yes!" Sigaw ko sa sobrang saya at muli ko syang sinayaw sa ilalim ng ulan habang nagtatawanan kami.
.........