Andrea's POV
"Ashie please?" Pagmamakaawa ko sa babaeng busy sa pagpe-painting at ayaw man lang akong tapunan ng isang sulyap man lang.
"My Mom doesn't like that idea....go ask Kuya Toby hindi ka nun matitiis." Sabi nya habang nagbeblend ng bagong kulay para sa canvass nya.
Napangiwi ako sa suggestion nya. Napakahonest nun kay Baba.
"Hindi naman malalaman ni Tita Harra at Tita Russell kung hindi ka magsasabi...dali samahan mo na ko." Sabi ko. Her parents never knew this kung isisekreto lang naming dalawa like the old times.
"Funny." Sarcastic nyang sabi.
"Ngayon lang tapos di ko na uulitin promise....sobrang gusto ko lang masilip yung bar sa forth street." Sabi ko.
"You can see it by day no need na sa gabi mo pa ito puntahan...isa sa mga architect ni Tita Kier yung may ari nun...sabihin mo ipakilala ka kay Miss Shannon then ask her kung pwedeng sumilip dun sa bar nya. Simple as that hindi yung tatakas ka pa. Ang lakas ni Tita Kier dun kasosyo nila sa firm yung may ari ng bar na gusto mong makita." Mungkahi nya. Husay!
Eh di nabuko naman ako na nagbabar ako. Talagang maipapatapon na ko sa Madrid kung nagkataon.
"We are cousin! Bakit hindi mo ko mapagbigyan.." acting ko para mabagabag naman sya. Napaharap na sya sakin with her famous poker face. Great!
"I'm adopted. We are not connected by bloods. Stop messing around Andrea." Masungit na saad nya pero yung way ng pag akto nya para naman talagang anak sya nina Tita Harra. Parang sina Mommy lang lintik ang kasungitan sa katawan.
"Yeah! What ever!" Sabi ko at nilayasan ko na sya. Hirap talagang makiusap sa isang iyon.
Mayamaya ay nakasalubong ko si Cielo na papasok dun sa kwartong nilabasan ko.
Sya yung tunay kong pinsan. Anak talaga sya ni Tita Russell na dinala nya sa tummy nya. Magkahawig kami at mas bata lang sya sakin. From the start kase walang sikreto sa pamilya namin. Inamin nilang lahat sa amin na si Cielo ay galing sa bloodline namin. Yung mommy nyang isa eh pinsan ni Mommy na namatay sa aksidente at kapangalan ko. Nakapagpafreeze kase ito ng eggcell bago mangyare yung accident.
"Ate Andy!" Tumakbo sya palapit sa akin at yumakap.
"Gala tayo..." bungad nya. See magkadugo talaga kami.
"Cielo! You are not allowed to go anywhere! Lagot ka kina Mommy! Magdidinner tayo kina Uncle Shawn!" Sigaw nung kapatid nya.
"Napaka talaga!" Bulong ko at napatawa si Cielo. Kasing ganda talaga nya yung pinsan ni Mommy na nasa painting sa mansyon.
"Next time na lang Ate....mag oovernight na lang ako sa inyo sa susunod." At nagpaalam na papasok na sya sa kwarto ng ate Ashie nya.
Umuwi ako sa bahay namin.
Haisst! Wala talagang pag asa na makakapasok ako sa bar na iyon sa forth street. Pagpasok ko nadatnan ko yung isa ko pang pinsan si Orange. Anak sya nina Tita Aya at Ninang Max. Matanda lang sya ng isang taon kay Cielo.
"Hey! Orange." Bati ko at naupo ako sa tabi nya.
"Hello..." bati nya pabalik at busy sya paglalaro ng nitendo switch nya.
"Napagalitan ka noh? Bakit nandito ka?" Tanong ko habang pinapanuod yung paglalaro nya.
"No...isang linggo na kong nagbabait sa bahay para bilhan ako ni Mama ng kotse na gusto ko. Saka tulad mo isang bira na lang eh baka maipatapon na din ako ng Madrid." Natatawang sabi nya.
"Orange...nakarating ka na dun sa bar ng forth street?" Tanong ko.
"Yeah....kasama ko yung mga college friend ko. Bakit?" Balik na tanong nya at sabay off ng gadget nya at saka nya kinuha yung cellphone nya.
"If you planning to go there....iwasan mo sya.." sabay pakita nya sakin ng isang picture ng babae. Ang ganda naman nya.
"Sino sya?" Tanong ko at saka pinatay yung phone nya at nilapag sa center table.
"Bunsong anak ni Ma'am Helga....Yvie Arcelo. Sobrang basta...nabiktima nya yung kaibigan ko matapos makuha yung makamundong bagay eh iniwan na nya." Kwento ni Orange. So totoo pala yung kwento ni Tita Helga nung minsan na sumama ko sa meeting nila na sobrang tigas ng ulo ng bunsong anak nya.
"Hindi naman sya yung pupuntahan ko dun...gusto ko lang masilip yung lugar." Sabi ko.
"Ah...maganda dun...saka nothing to worry about di ka naman magagawan ng masama ng isang yun..ako babali ng leeg nya kung sakali."
Mayamaya ay napatayo sya ng makita si Baba.
"Ninang Ronby!" Yumakap sya kay Baba after nun ay ako naman.
"Heto yung mga kailangang document ng Mama mo Orange..." nakangiting sabi ni Baba kay Orange.
"Thank you Ninang...sabi pala ni Mama one time eh Mag out of Town tayo kasama po sina Ninang Kiyo....uuwi daw po kase sina Tita Sid next Month." Sabi ni Orange. Wow! That's great idea. Minsan lang mangyare na magkita kita sila nina Baba.
"Sige...sige magandang idea yan. Sabihin mo sa Mama mo na sya na maghanda ng lahat at magbawas naman sya ng kayamanan..." natatawang sabi ni Baba at napatawa din si Orange. Kuripot kase ni Tita Aya.
Pagkaalis ni Orange.
"I know that looks..." natatawang sabi ni Baba sakin.
"Baba...ano kase magkikita kami ng long time friend ko ngayon lang kase sya nagbakante ng oras...pwede ko po ba syang i-meet?" Juskolord promise last na pagsisinungaling ko na 'to.
"Okay...basta kapag dating ng 8pm uwi na agad mapapatay ako ng Mommy mo." Napayakap ako kay Baba. YES!
Here I am! Wow! Tama sila ang ganda nga ng itsura ng bar na 'to.
May mga nakilala ako at mga naging kachismisan ko. Hindi ko namalayan yung oras dahil sobrang nag enjoy ako. Pero hindi ako uminom ng alak. Nagjuice lang ako dahil bawal sakin ito at baka maghisterikal yung Mommy ko kapag umuwi ako ng lasing.
Nag aabang ako ng taxi ng may tatlong taong tumayo sa likuran ko at nakangisi sila sakin.
"Bakit uuwi ka na? Bakit hindi ka muna sumama sa amin tapos magjamming tayo.." sabi nung isang lalake at sumang ayon naman yung dalawa nyang kasama. Binalutan ako ng takot. The way they talk at sa mga kilos nila may binabalak silang hindi maganda.
May nahagip yung mata ko na isang babae na waring nagmumuni muni bago pumasok sa kotse nya. Tumakbo ako papalapit sa kanya at walang sabi sabing yumakap ako sa braso nya. Pagtingin ko sa kanya parang bumagal yung pintig ng puso ko at yung mga mata nya...nakakadala. she's beautiful......napailing ako. Why in an instant parang naging crush ko sya!?
At sobrang nadismaya ako ng malaman ko kung sino sya....sya yung ayaw ng pinsan ko at malamang ng buong angkan ko.
And this how I met the badass Yvie Arcelo.
Yvie's POV
"Yvie in that gate..." saad nya
Napatingin si Andrea sa relo nya at napangiwi. Napangiti ako. Ang ganda nya kahit anong gawin nyang emotion. Nagsisisi tuloy ako bakit tinatanggihan ko si Mommy na sumama sa kanya sa mga party ng mga Santillan.
"Patay talaga ko sa nanay ko..." natatawang sabi nya at naiiling.
Pinarada ko sa gilid ng gate yung sasakyan. Bago sya bumaba ay iniabot ko sa kanya yung isang light stick. Naiwan ito ni Carol ng minsan sunduin ko sya sa isang arena.
"Akong bahala sayo..." sabi ko at bumaba ako para pagbuksan sya ng pintuan.
Nang makababa sya ng sasakyan ko parang gusto kong mahimatay ng bumukas yung pintuan ng gate nila.
"Where have you've been young lady?" Parang mawtoridad na saad ng isang babae. Napahinto ako...ang ganda din nya. Nakakalula talaga yung kagandahan ng pamilyang ito.
Alangan ngumiti si Andrea dun sa babae. Ngunit napataas lang yung kilay nito.
"Tita Russell...ano kase..." alangan na pagsasalita ni Andrea. Hindi nya kayang magsinungaling. Napangiti ako.
"Ah, Ma'am good evening po....ako na po yung hihingi ng sorry kung na-late po kami ng uwi...inaya ko po kase ng biglaan si Andrea na manuod ng concert....sorry po talaga." Paumanhin ko. Jusko sana tumalab! Napatingin sya sakin ng maigi pagkatapos ay tumingin sya kay Andrea partikular dun sa hawak nito.
"May I know your name?" Talagang sinusuri nya ko.
"I'm Yvie Arcelo po..." pakilala ko.
"Ikaw yung Bunsong anak ni Helga...kamusta? Hindi na matigas ang ulo?" Natatawang tanong ng Tita ni Andrea sakin. Ano ba itong si Mommy pinagkalat pa na matigas at puro kalokohan ang isip at ulo ko.
"Nagbabagong buhay na po ako..." alangan sagot ko at narinig kong napatawa si Andrea.
"Pinopormahan mo yata tong pamangkin ko eh...."
"Tita no!/hindi po" sabay na sagot namin ni Andrea.
Napangisi yung Tita nya sakin. She seem nice. Magaan yung loob ko sa kanya.
"Lagot ka talaga sa Mommy nito...." natatawang sabi ng Tita nya.
"Si Andy na ba yan?"
Hala! Parang ang istrikta ng boses.
"Hala ka ayan na yung nanay..." parang inaasar ako ng Tita nya.
Napalunok ako. Nasan na nga ba yung susi ng kotse ko! Parang naiihi na ko.
Paglabas ng Nanay ni Andrea. Nakakaintimidate din....wala atang panget sa pamilya nila.
"Mommy...let me explain..." simulang paglalambing ni Andrea sa mommy nya at grabe na yung yakap nito sa bewang ng nanay nya...at nagpapacute sya sa harap ng nanay nya wag lang itong magalit... ang cute nila.
"Bakit? Bakit yung katigasan ng ulo ng Baba mo yung namana mo..." nakasalubong na talaga yung kilay nito.
Napakagat na ko ng ibabang labi ko. Argggh! Wala pa silang ginagawa nakakatakot na.
"Thank you Yvie sa paghatid sa pamangkin ko..." sabi ni Tita Russell...makiki Tita na din ako sa isip ko lang naman.
"A-ayos lang po." Nung napatingin sakin yung nanay ni Andrea...utana! Parang humiwalay yung kaluluwa ko sa katawang panlupa ko. Tapos hindi ko gusto yung pag ihip ng hangin parang sinasabing lagot ako.
"Dom...ano ba anak ni Helga yan..." natatawang saad ni Tita Russell.
"You are?" Seryosong tanong ng Mommy ni Andrea sakin.
"Mommy...wag kang manakot." Bulong ni Andrea sa nanay nya.
"Yvie po..." nahihiyang sagot ko.
"Yung paboritong anak ni Helga..."
napangiwi ako sa sinabi ng Mommy nya at ganun nalang yung tawa nina Andrea at ng Tita nya. Napanguso ako...ang hirap ng walang kakampe sa ganitong sitwasyon.
"Dito ka na magpaumaga...malayo pa yung bahay nyo." Mungkahi ng Mommy nya sakin.
Napailing ako marahil sa takot.
"Inaantay na din po ako ni Mommy...u-uwi na po ako. Andeng una na ko." Sabi ko at parang nagulat sila sa itinawag ko kay Andrea. Di ba yun naman yung alyas kapag Andrea yung name?
"S-salamat ulit Yvie...." nakangiting saad ni Andrea.
Nakahinga lang ako ng makasakay na ko sa kotse ko. Habang bumibyahe ako pauwi sa amin...hindi mawala sa isip ko siAndrea.
Kinaumagahan habang kumakain kami ng breakfast ni Mommy.Pinilit ko talaga magising ng maaga para makachismisan si Mommy regarding sa mga Santillan.
"Anong binabalak mo ang aga mo nagising samantalang halos 3am ka na nakauwi...fishy.." saad ni Mommy kaya napatawa ako. Mayamaya ay may nagtext kay Mommy at nagsalubong yung kilay nya.
"Nagtethank you ang mga Santillan sa paghatid mo sa anak ni Dominique....Yvie! Umayos ka....huwag ang nag iisang anak ni Dominique ang pagtitripan mo...ako na nagmamakaawa sayo anak." Parang nagpapanic na saad ni Mommy kaya napaikot yung mga mata ko.
"Mom I will never do that...hinatid ko lang talaga yung anak nya." At walang ganang sumubo ako ng pagkain.
"Siguraduhin mo lang...haistt! Ikaw ang papatay sakin sa konsimisyon! Dont mess with their family." Babala ni Mommy sakin.
"Syempre Mommy..." pero deep inside I'm badly want to know Andrea. Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na sya na papasok na ng trabaho. Nasa main door na sya ng bumalik pa at lumapit sa akin. Oucccccccchhhh! Kainis bumalik lang sya para pingutin yung tenga ko.
"Nakakainis ka talagang bata ka..." saad ni Mommy sakin bago tuluyang umalis.
Arrrgggg! Mabait naman ako bakit ganyan sila sa akin!
...............