Cheska’s Point of View “Anong nangyari?” tanong ko ng makitang nasa hospital kami. “Nasa loob daw si Ace. May tama ng baril,” Sagot ni Marcus. “Ano?” tumakbo ako papasok ng ospital. “Miss, Nasaan si Ace Lagdameo? Nabaril daw… Matangkad na lalaki,” Tanong ko sa nurse na lumabas ng ER. “Nasa ER po. Ano po ba kayo?” tanong ng nurse. “Asawa ako,” Pagsisinungaling ko. Hindi pwedeng girlfriend lang, hindi ako papapasukin. “Okay po. Teka, buntis po kayo. Sasamahan ko po kayo sa loob,” Sabi ng nurse. Nagpasalamat ako at hindi na hinintay si Kyle at Marcus. Dinala ako ng nurse sa dulong bed sa ER. Malakas ng t***k ng puso ko. Bakit nasa dulo? Binuksan ng nurse ang dividing curtain at gano’n na lang ang panglalambot ko nang makita ang nasa bed. Nakatakip ang buong katawan at mukha ng ku

