Ace’s Point of View Kanina ko pa napapansin ang itim na sedan na sumusunod sa akin kaya nag-iba ako ng daan. Pinilit ko itong iligaw, pero parang mas kabisado nito ang daan. Tinawagan ko si Marcus. “Galit ka pa?” tumatawang tanong nito. “Makinig ka. Mayro’ng sumusunod sa akin na sedan na walang plate number,” narinig kong nagbubukas ito ng computer. “Kailangan mo ng back up?” tanong ni Marcus. “Hindi. Kailangan kong sunduin mo si Cheska. Hindi ko na siya masusundo,” I replied. Binilisan ko ang paandar ko. Binilisan din ng sedan na nakabuntot. “May dala ka bang baril?” tanong ulit nito. “Kwarenta’y singko lang dala ko,” Sagot ko. “Sigurado kang hindi mo kailangan ng tulong?” tanong ulit ni Marcus. “Si Cheska ang sunduin mo. Tatawag ako ulit sayo.” Mayro’ng sumulpot na Van sa

