CHAPTER 5

705 Words
Cheska’s Point of View Akala ko morning sickness ang tawag kasi sa umaga lang nagsusuka. Buong maghapon yata akong hindi makabangon. Nagpa-deliver na lang ako ng pagkain, tapos hindi ko naman makain. Kaye is bugging me about the result. Tristan also called me, but I didn’t reply to any of them. Shit. Hindi ko nga maayos ang buhay ko, tapos mandadamay pa ako ng sanggol sa gulo ng mundo ko. Shit… s**t talaga. Ano ang gagawin ko? Be careful what you wish for. Sana may nagsabi sa akin n’yan. Sana mayro’ng bumatok sa akin noong hilingin kong magkaanak. I feel very weak and wanted to sleep but I can’t sleep so I turned on the TV. I was in the middle of watching No Other Woman ng mag-ingay ang door bell. “Lord, hindi ko kayang sumagot ng mga tanong,” I murmured. Tumunog na naman ang doorbell. “Lord naman, eh.” I covered my face with my pillows that I put on the couch. “Cheska,” I heard Diane shouted outside. Okay, fine, Lord. Kailangan ko ng kausap. Ito na po, bubuksan ko na ang pintuan. “Ang ingay mo,” I told Diane who stopped pushing my doorbell when I opened the door. She’s with— great, she’s with the whole female squad. Kaye is looking at me with worried eyes. Kath and Marie are wearing the same expression. Dahil maliit ang couch ko, umupo ang iba sa sahig, iyong iba sa bean bag. Nagkalat ang dala nilang food. Kath gave me something hot to drink and I’ll never be more grateful than this moment. “Bakit nandito ka, Lise?” I asked after I took a sip with hot milk. “Sa isang araw pa alis namin. Nag-aalala kami sayo. May nakain ka bang hindi maganda sa food kahapon?” Nag-aalalang tanong nito. “Wala. Okay lang ako.” Natingin ako sa TV. Nilipat na nila ang palabas. Sino kaya ang adik sa Kdrama sa kanila? Nagtitinginan sila. Nag-uusap sa mga mata. Nakita kong lumaki ang mata ni Diane. Tapos umiiling si Trisha. “Nandito ako, hello. Halata ‘yang mga matagong usapan niyo sa mata,” Naiinis na sabi ko sa kanila. Bumuntong-hininga si Marie. “Sabihin mo na kasi kung ano ang nagyari sayo,” Sabi nito. Nakatingin silang lahat sa akin. Naghihintay ng sasabihin ko. “Buntis ako,” I said. Walang kumibo. Parang nag-slow motion ang lahat. Nakita ko silang nakatulala sa akin. Nakita ko kung paano sila kumurap. “Pano ba ‘yan? Talo kayo?” nakalahad ang kamay ni Diane kay Trisha at Sam. Natawa si Marie at Kath. It’s my time para matulala sa tatlong nagbabayaran sa harap ko. “Pinagpustahan niyo ako?” hindi ako makapaniwala sa mga kaibigan ko. Tuluyan nang tumawa ang mga kaibigan ko. “Nawala ang isang test kit ko sa bag kagabi. Feeling ko, kinuha ni Tristan,” Paliwanag ni Diane. “Buntis ka rin?” naeeskandalong tanong ni Trisha. Diane rolled her eyes. “Hindi. Feeling ko lang. Pero dinatnan ako kagabi.” “So…” Kath said. Not sure to ask the next question na nakabitin sa aming lahat. I covered my face… Hindi ko inaasahan malalagay ako sa inquisition seat ng mga ito. Ang hirap pala. “My God don’t tell me si Drew!” Tumaas ng ilang octave ang boses ni Sam. “Hindi. Hindi… Hindi ko na nakikita iyong unggoy na ‘yon,” I replied. “So, sino?” Lise asked. “Si…” natingin ako kay Kaye. Nanlaki ang mata niya. “Shit... No way,” Sabi ni Kaye. Nanlalaki ang mata niya. “Taragis, ano na? Sino na? Kinakabahan ako, eh,” Diane commented. Hawak-hawak nito ang isang throw pillow at mukhang na-deform na sa pagkakapiga niya. “Si Ace,” I told them. Nag-slow motion na naman sila. Napanganga sila. Walang kumikibo. Si Marie ang unang nakabawi sa pagkaka-shock. “Paanong nagkasya, Cheska?” tanong niya. Hesus Maryosep. Mga abnormal talaga ang mga kaibigan ko. Tumawa na lang ako. Tumawa ako hanggang sa maluha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD