Ace’s Point of View “Hindi mo malalaman ang problema kung tititigan mo lang siya sa monitor,” I heard Kyle told me. I knew he entered the control room. Siya at si Marcus lang ang may lakas ng loob na kausapin ako ng ganyan. Umupo siya sa tabi ko at tumingin sa monitor na tinitignan ko. Hindi naman buong kwarto ni Cheska ang nakikita ko, iyong part lang ng kama. At alam kong hindi siya lumabas ng bahay. Maghapon nakahiga hanggang sa dumating ang mga kaibigan niya. “Bakit nandito ka? Parang wala kang negosyo na kailangang bantayan ah,” Sagot ko. Unlike Marcus, Kyle is more on Don’t-f**k-with-me attitude. We are almost same sa lahat ng bagay. Almost but not quite. “Ah, iyon ang maganda sa negosyo ko. Kahit nasaan ako, pwede. At subukan lang ng mga tauhan kong magloko. Kilala nila ak

