"WHAT do you want, Kathy?" tanong ni Samantha. Nakaupo sila ngayon sa isang cottage katabi lang ng bar. Napili ni Samantha na doon sila pumwesto dahil alam ni Samantha na mahiyain si Kathy. Para na rin hindi sila madaling mapansin ng mga tao dahil medyo madilim na sa bahaging iyon at ilaw lang ng katabing bar at liwanag ng buwan ang nagsisilbing ilaw ng cottage. "Hindi kasi ako umiinom ng mga alcoholic drinks eh! Kahit iced tea na lang, Ate Samantha." sagot ni Kathy at agad naman na nagtawag ng waiter si Samantha at nag-order ng iced tea para kay Kathy at cocktails para sa sarili. Masaya silang nagkwentuhan at nagtatawanan ni Samantha. Marami silang pinag-usapan about sa mga maraming bagay. Hindi naman siya nabored dahil masarap kakwentuhan ang kapatid ni Dylan at kahit papaano hindi na

