KINAUMAGAHAN, maagang nagising si Dylan at agad na tinungo ang dining area ng hotel. Sa isip nito na baka kumakain na ng breakfast doon si Kathy, nagtataka siya kung bakit buong araw kahapon hindi niya ito nakita. Pero nang makarating siya roon si Trixie lang mag-isa ang nakaupo. "Where is Angela? I mean Kathy?" takang tanong niya nang makalapit kay Trixie. Hindi alam ni Trixie ang isasagot kaya naghagilap siya ng pwedeng gawing alibi. "A-ahhmmm.. S-sir, k-kasi masama ang pakiramdam ni K-kathy. K-kaya ako na lang ang b-bumaba." nauutal nitong sagot. "What? Pupuntahan ko siya!" At naglakad na ito nang mabilis. Patakbong hinabol siya ni Trixie hanggang makarating sa kwarto. Inunahan niya ito sa pagbukas ng pinto. Napansin niya ang kaba sa mukha ni Trixie nang makita ang pagdilim ng mukha

