KATATAPOS lang ni Dylan magshower at nakasout na lang siya ng white T-shirt at white boxer shorts na kanyang pantulog. Naisipan niyang maligo dahil pakiramdam niya uminit ang kanyang buong katawan sa inis ng makita ang pagmumukha ni Angelique. Lumapit na siya sa kanyang kama para humiga ng biglang nagring ang kanyang cellphone.
Tumatawag ang kanyang Ate Samantha. Magtatanong lang ito kay Dylan kung maayos na ang lahat para sa nakatakdang pag-uwi nito.
Uuwi na sa Pilipinas sa friday ang kanyang Ate Samantha galing England at si Dylan ang naatasan niyang sumundo sa kanya sa airport. Sa private resort ni Dylan sa Quezon Province pinili ni Samantha na tumuloy para naman kahit papano makapag unwind siya. Nagpaalam na ito sa kanyang mga magulang na hindi na muna ito dederetso sa mansion.
"Everything's okay, ate! Naayos ko na ang lahat!" wika ni Dylan.
Private chopper na pag-aari nila ang sasakyan nilang dalawa ng kanyang Ate Samantha patungong private resort niya. Mauuna sila doon ng isang araw sa kanyang mga empleyado na sabado pa ang dating. Halos every year na itong ginagawa ni Dylan sa kanyang mga employees na nagkakaroon sila ng one week summer vacation. Naglalaan talaga siya ng pundo para dito bilang sukli sa hardwork and loyalty ng kanyang mga empleyado sa kanyang kompanya. Handa na ang dalwang air-conditioned bus na sasakyan ng kanyang mga empleyado from Manila to Quezon Province. Susunduin na lang sila ng kanyang yate sa port and it takes one hour pa na sakay sa yate bago marating ang naturang resort.
Kaya hindi nakakapagtaka na isa si Dylan sa successful businessman here in the country. A kind-hearted CEO na marunong magpahalaga at tumanaw ng utang na loob sa kanyang mga empleyado. Kaya halos lahat mga nagtatrabaho sa kanyang kompanya ay taon na ang itinagal. At halos lahat sa kanila walang balak mag-resign sa kompanya niya. Dahil suntok na sa buwan ang magkaroon ng ganitong boss. Halos lahat ng empleyado ni Dylan sasama sa outing maliban lang kay Marissa na kanyang sekretarya, may importante daw itong aasikasuhin kaya hindi na makakasama.
"Thanks a lot, Dylan! I miss you so much." wika ng kanyang kanyang ate sa kabilang linya.
"I miss you too, Ate!" Sabay baba ng phone ni Dylan.
NAPAHINGA ng malalim si Samantha matapos pindutin ang 'end call button' ng kanyang cellphone. Hindi niya kasi alam kung ano ang gagawin sa kanyang kapatid, isa din kasi siya sa mga pinagkukwentuhan ni Dylan tungkol sa babaeng napapanagipan nito. At siya pa ang tumulong kay Dylan para maghanap ng professional sketch artist galing ibang bansa. Hindi alam ni Samantha kung tama ba ang ginawang pagkonsenti sa kahibangan ng kapatid.
Minsan gusto na niyang ipakonsulta sa psychiatrist ang kapatid baka may sira na ito sa utak pero nag-aalangan naman siya dahil baka ma-offend ito sa kanya. Pero sa tingin naman niya ay normal naman ito, maayos naman ang pagpapatakbo nito ng kanyang kompanya.
ALAS siete na ng gabi at kasalukuyang abala na sa pag-iimpake ng kanilang mga gamit ang magkaibigan sa kani-kanilang mga kwarto. Kinabukasan ng alas sais ng umaga ang kanilang alis para sa summer outing nila Trixie. Sinigurado ni Kathy na wala siyang nakalimutan ilagay sa kanyang suitcase.
Nang matapos na pinuntahan ni Kathy si Trixie sa kanyang kwarto.
"Hindi ka pa tapos?" kunot-noong tanong ni Kathy.
"Hindi kasi ako makapagdecide kung anong kulay ng two-piece bikini ko ang dadalhin ko." busangot na sagot ni Trixie.
"Naku, dalhin mo na lahat para hindi ka na mamili may extrang maleta pa ako dun kung sakaling hindi kasya!" pabirong wika niya sa kaibigan.
Tiningnan siya ng masama ni Trixie na naging dahilan ng pagtawa ng malakas ni Kathy.
"Ikaw may baon ka bang swimwear?" tanong ni Trixie.
"Meron! Pero halos lahat ng dala kong damit denim shorts lang saka sleeveless na damit. Okay na 'yun, baka nga hindi naman ako makalabas sa hotel room natin dahil ikaw lang naman ang kilala ko do'n!" aniya.
"Ano ka ba, Kathy. Friendly lahat kami noh! Bawal na bawal sa kompanya ni Sir Dylan ang maldita saka suplada. Lahat kami do'n magkaka-vibes, pero bawal ang landian sa oras ng trabaho... Kaya ikaw ha, iwan mo 'yan dito sa bahay ng isang linggo yang pagiging isnabira mo minsan! Gets?" Nagsimula na namang magbunganga si Trixie.
"Okay!" kalmadong sagot niya.
"Oh sya matulog ka na, maaga pa tayo aalis bukas... Goodnight, bes." malambing na wika ni Trixie.
"Goodnight!" sagot naman niya at agad tinungo ang pintuan ng kanyang kwarto.
NAKAUPO si Kathy malapit sa bintana ng bus at nakayuko ang ulo. Katabi niya si Trixie at busy ito sa kanyang kachat. Ito na 'yung araw na isinama siya ng kaibigan sa summer outing ng kompanyang pinagtatrabahuan nito. Halos hindi niya kayang lumingon sa gawi ni Trixie dahil nakikita nya sa gilid ng kanyang mata ang malaglagkit na tingin sa kanya ng mga lalaking katrabaho ni Trixie.
Katrina Angela Villaruiz is a head-turner woman. Triple 'B' is a perfect word to described her, beauty, body and brains. Kaya hindi nakakapagtaka na maraming nagkaka-love at first sight sa kanya. Hindi in-expect ni Kathy na mas marami palang lalaking katrabaho si Trixie.
Pero ang sabi naman ni Trixie na hindi naman masyado. Mas marami lang talagang sumamang lalaki sa outing dahil ito ay mga binata at ang ibang mga babaeng katrabaho naman niya ay may mga sarili na itong pamilya at tinatamad nang sumama.
Nilibang na lang ni Kathy ang kanyang sarili sa mga magagandang tanawin na nakikita niya sa bintana ng bus.
Ang mga berdeng bundok, ang matataas na puno, ang mga ibong nakikita niya. Kung hindi lang aircon ang bus na sinasakyan niya maamoy niya ang sariwang hangin.
Napabuntong-hininga na lng si Kathy. Naalala niya ang kanyang lugar na kinagisnan. Parang dinudurog ang puso niya tuwing naaalala ang lugar kung saan siya lumaki. Noong lisanin niya ang lugar na iyon pakiramdam niya naiwan ang kalahati ng kanyang puso lalo na't naiwan doon ang puntod ng kanyang Lola Eva at ng kanyang ina. Wala siyang komunikasyon sa kanyang kamag-anak na naroon dahil liblib ang kanilang barangay at pahirapan makasagap ng signal.
Pinikit ni Kathy ang kanyang mga mata at mariing kinagat ang kanyang pang-ibabang labi para mapigilan ang pagtulo ng kanyang mga luha. Sumama siya kay Trixie para mag-enjoy at hindi para umiiyak.