CHAPTER 5

1184 Words
PASADO na alas dose ng tanghali nang makarating sila sa resort. Kakababa lang nila sa yate at ngayon ay naglalakad na sila patungo sa front desk area ng hotel para malaman nila kung saan ang kanilang designated room at para na rin makuha ang card key ng kanilang magiging kwarto dito. "WELCOME TO ISLA MONTEVERDE!" masayang bati ng mga hotel staff na nasa front desk area ng hotel. "Ma'am!" napasigaw si Lorraine na isang hotel receptionist kay Kathy na tila gulat na gulat ng makita siya. Hindi alam ni Kathy sa sarili kung bakit parang may kakaiba sa kanya. Kung paano siya titigan ng mga nagtatrabaho sa hotel na ito ay parang kilalang-kilala na siya. Samantalang, unang beses niya pa lang tumapak sa islang iyon. "Bakit ganyan kayo makatingin sa kaibigan ko? Ngayon lang ba kayo nakakita ng maganda?" pabirong wika ni Trixie sabay kuha ng card key at hinila na ang kamay ni Kathy. "Bes, bakit kaya gano'n na lang sila makatitig sa'kin?" tanong niya kay Trixie habang nasa elevator papunta na sa kanilang kwarto. "Ewan ko, baka nagandahan lang sila sayo." sagot naman ni Trixie. Nagkibit-balikat na lang si Kathy at inaalis na lang sa isip iyon. PABABA na si Dylan sa lobby ng hotel, nakasuot lang siya ng six pocket cargo short and plain white V-neck shirt. Nauna ng bumaba si Dylan at hindi na ginising ang kanyang Ate Samantha dahil baka napagod ito. Gumising kasi ito ng madaling-araw para magjogging paikot sa buong resort. Nang makasalubong niya ang hingal na hingal na si Lorraine na isang receptionist. "What happened to you, Lorraine?" takang tanong niya. "Para kang hinahabol ng tatlong aso!" "Ah, eh, Sir, nandito po kasi 'yung asawa mo." sagot ni Lorraine. Kumunot ang noo ni Dylan. "Are you trying to tell me a joke? Well, it's not funny!" Sabay hakbang niya at tinalikuran ang babae. "Sir, nandito po kasi yung babae sa pain---" "Save it, Lorraine! Go back to your work now." utos ni Dylan habang patuloy sa paglalakad. Pinuntahan niya ang kanyang mga bisita sa dining area ng hotel. Nagpahanda na siya ng mga pagkain alam niyang gutom ang kanyang mga bisita pagdating. 'Yung iba kumain, 'yung iba naman ay nagpahinga na muna sa kanilang hotel room gaya nina Trixie at Kathy na pinili na muna ang mahiga sa kama kesa kumain. HINDI na busy sa reception area. Kaya ang tatlong receptionist doon ay nagkukwetuhan na lang nang madaanan ni Dylan. Mukhang may seryosong pinag-uusapan ang tatlo kaya hindi nila namalayan na nakalapit siya. Pinakinggan niya ang pinag-uusapan ng tatlo at lalong naintriga siyang nang mabanggit ang kanyang pangalan. "Ayon hindi ako pinakinggan ni Sir Dylan tinalikuran lang niya ako at pinabalik niya ako dito!" wika ni Lorraine. "Alam mo nagtataka ako eh! Nandito 'yung asawa niya pero parang balewala lang sa kanya. Parang hindi niya alam." dagdag naman ni Grace na kasamahan ni Lorraine. "Ako ba yung pinag-uusapan niyo---" "Ay, palaka!" bulalas ni Grace sa sobrang gulat. Napahawak ito sa kanyang dibdib at huminga ng malalim. "Sir, sorry!" hinging paumanhin ni Grace. "Oras ng trabaho tapos nagtsi-tsismisan kayong tatlo? At ako pa talaga yung topic niyo ha!" galit na sabi ni Dylan at pinagtuturo niya ang tatlo. "Ah! Eh! S-Sir, 'yung asawa mo po kasi nandito po sa resort." pagpapaliwanag ni Lorraine. Nairita na si Dylan sa mga pinagsasasabi Lorraine. Tinitigan niya ito ng matalim sabay taas niya ng kanyang dalawang kamay. "May nakita ka bang wedding ring sa daliri ko?" Dylan asked with irritable tone. "W-wala p-po." nakayukong sagot ni Lorraine. "So, that means wala pa akong asawa, kaya tigilan mo na 'yang mga pinagsasabi mo Lorraine! Okay?" wika na Dylan. "Pasensiya ka na po, sir. Akala po talaga namin asawa niyo po 'yung babae sa portrait painting na nasa presidential suite. Nakita po kasi namin siya dito kanina. Hindi po kami pwedeng magkamali siya po talaga iyon! Kamukhang-kamukha po, sir." paliwanag ni Lorraine na sinang-ayonan naman ng dalawa. "What did you say?" ani ni Dylan. "Ansabi po ni Lorraine sir, nandito po sa resort nyo 'yung kamukha ng babaeng nasa portrait painting niyo. Nasa 4th floor po yung room kasama ni Ms. Trixie." Si Grace ang sumagot. "Tell me this is not a joke! Bakit siya nandito?" tanong ni Dylan sa kanila. "Naku po! Hindi po talaga kami nagbibiro, sir. Hindi namin alam kung bakit siya nandito. Sa pagkakarinig namin kanina kaibigan siya ni Ms. Trixie Santibañez 'yung nagtatrabaho sa company niyo.. Siguro po walang family na pwede isama si Ms. Trixie sa outing kaya 'yun nagsama ng kaibigan." ani ni Grace. "Ah sige, Salamat! Sa sunod ayoko ng marinig na ako ang topic ng pag-usapan niyo ha!" paalala ni Dylan sa tatlo. "Okay po, Sir. Sorry ulit." sabay-sabay na tugon ng tatlo. NAGLALAKAD patungong elevator si Dylan na malakas ang t***k ng kanyang dibdib. Halos hindi siya makapaniwala na may buhay pala talaga 'yung babae sa kanyang panaginip. "Kung totoo talaga ang sinasabi nila na nandito ka sa isla. Hindi ako payag na makaalis ka dito ng hindi kita nakukuha, kahit sino ka pa. Ilang taon akong nagtiis sa panggugulo mo sa isip ko. I'm excited to meet you woman of my dreams." sa isip niya. "Please tell everybody that everyone needs to be there in the dining area for dinner tonight at 7PM, this serves as their welcome dinner. So, make sure na wala ni isang guest ang maiwan sa kanilang hotel room. Do you understand? BYE!" utos ni Dylan sa kausap sa phone. Pagkakaba ni Dylan ng Phone ay siya namang pagbukas ng elevator. Nasa tapat na siya ng kanyang presidential suite at umupo sa kanyang sofa. "See you later, baby! Binigay ka talaga ng diyos sa'kin." "OH my god! Bes, nakatulog tayo. Ang lambot naman kasi ng kama at ang sarap ng aircon!" panggigising ni Kathy sa kaibigan habang ini-stretch ang katawan. "Oo nga eh! Ang sarap matulog. Anong oras na ba? Nakita mo ba phone ko?" tanong ni Trixie na may pagkataranta ang boses. "It's 6PM na. Baka nasa ilalim lang ng unan mo yung phone mo!" wika ni Kathy. "OMG! May pa welcome dinner daw si Sir Dylan sa baba mamayang 7PM lahat daw dapat nando'n. Magbihis na tayo Kathy nakakahiya pag mahuli tayo pumasok sa dining area pagtitinginan tayo." wika ni Trixie at nagsimula ng buksan ang kanyang suitcase at maghanap ng damit na susuotin. "Hindi na siguro ako baba, dito na lang ako! Nahihiya kasi ako." wika niya. Nilapitan siya ni Trixie na nakapamaywang. "So, ano'ng gusto mo? Magtake out ako ng pagkain do'n para dalhin sa'yo dito? No way, Katrina! Mas nakakahiya 'yun no! Bahala ka sa buhay mo hahayaan kita ditong magutom kung ayaw mong sumama! Kaya kung ako sayo magsimula na akong mag-ayos." Lumabas na naman pagkabungangera ni Trixie. Tumayo na si Kathy at nagtungo na sa shower room. Nagpahabol pa ng salita si Trixie. "Siguraduhing masikip ang susuoting panty baka malaglag pagnakita mo si Sir Dylan. Okay lang sa'kin sanay ako, baka ikaw Kathy manibago." ngising turan ni Trixie. Binato na lang ni Kathy si Trixie ng robe dahil sa kapilyohan nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD