CHAPTER 6

1126 Words
KATHY is wearing a plain white halter above the knee dress and flat beach sandals while her long hair was tied up in a bun hairstyle. Naglalakad na silang magkaibigan patungong elevator para makababa na sa dining area ng hotel. "Are you excited to meet our handsome CEO, Katrina?" Trixie in teasingly voice. "Shut up, Trixie! Hindi ka na nakakatuwa!" saway ni Kathy sa kaibigan. Napatawa ng malakas si Trixie. "Hindi ka naman mabiro, bes." Kathy replied a rolling eyes to Trixie. Bumukas ang elevator. Akmang papasok na sila ng mapansin ang isang matangkad at maputing babae. Nasa 5'8 ang height nito, she was wearing floral summer long dress with a high slit and a pair of Hermes oran sandals. Nasa cellphone ang atensiyon nito. "Good evening!" bati nilang dalawa at nag-angat naman ito ng mukha. "Ma'am Samantha? Ikaw nga! Umuwi na pala kayo ng Pinas." pakikipag-usap ni Trixie sa babae. "Kahapon lang ako umuwi galing England nauna lang kami ng Sir Dylan niyo dito ng isang araw." Samantha replied with a smile and politely tone. Nakayuko ang ulo na nakikinig si Kathy sa usapan ng dalawa. "By the way, Ma'am.. this is my bestfriend Katrina but you can call her Kathy for short! And Kathy, this is Ma'am Samantha.. Sir Dylan's eldest sister." pagpapakilala ni Trixie. Nilahad ni Kathy ang kamay para makipagshake hands. "Nice to meet you!" wika ni Kathy at nginitian pero tinitigan lang siya nito. Nakaramdam ng hiya si Kathy kaya binawi na lang niya ang kamay ng hindi nakipagshake hands ang babae. Ni hindi ito ngrespond sa "NICE TO MEET YOU" niya hanggang sa bumukas na lang ang elevator at hudyat na nasa dining area na sila ng hotel. Ikinagulat ng kaibigan niyang si Trixie ang nangyari. Kuwento nito na sa loob ng maraming taon na nagtatrabaho daw ito sa kompanya ng boss nitong si Dylan ay kilalang-kilala na niya si Samantha. Palagi nitong pinupuntahan ang kapatid hanggang sa mahigit isang taon na itong hindi bumibisita kay Dylan doon na lang nila napag-alaman na nasa England na pala ito. Unang beses daw nitong nakita na hindi man lang pinansin ang taong pinakilala sa kanya. Samantalang, kilala ang Ate ni Dylan bilang mabait, matulungin, magalang.. hindi mata pobre at hindi namimili ng kakaibiganin. Ibang-iba ang ugali ni Samantha kay Maurice na may pagkasuplada minsan palibhasa bunso at ini-spoiled ng magulang at mga kapatid. Humingi na lang si Trixie ng paumanhin sa inasal ng kapatid ng kanyang boss para naman kahit papano mawala sa isip niya ang pangyayaring iyon. Na agad namang ikinibit balikat na lang ni Kathy. PAPALAPIT na sina Kathy sa table kung saan nakaupo ang mga kaclose na katrabaho ni Trixie. Nakita ni Kathy na may dalawang bakanteng upuan doon ngunit hindi pa sila nakalapit nang mag-aya si Trixie na pumunta sila ng comfort room. HINDI alam ni Samantha kung saan huhugot ng lakas para makipagkamay sa babaeng pinapakilala ni Trixie nang makita ito. Natulala itong nakatitig sa babae at hindi man lang makapagsalita na tila hindi makapaniwala sa kanyang nakita. Hanggang sa bumukas at nakalabas na lang ang dalawa sa elevator ay hindi niya namalayan. Nakaupo na siya ngayon sa bakanteng table sa unahan ng dining area ngunit tulala parin. Hindi niya alam kung paano siya nakarating dito. Marahil naglakad siyang lutang. Inikot niya ang paningin sa kabuuan ng dining area halos nandito na lahat ng mga empleyado ni Dylan pero hindi niya mahagilap ang babae kanina kahit si Trixie ay hindi niya makita. "Hallucinations lang ba ito?" sabay tapik sa noo. "D*mn it, Dylan!" mahina niyang mura. "Pati ako nadadamay sa kabaliwan mo!" "Are you okay, Ma'am?" tanong ng isang waiter na lumapit. Marahan naman siyang tumango. "Puwede mo ba akong bigyan ng tubig?" utos niya sa waiter. Uminom siya ng tubig at hinanap ng mata ang kapatid. Ngumiti siya nang makitang papasok ang kapatid sa dining area. Kinawayan niya para makuha ang atensiyon nito na agad namang napansin ni Dylan. Dylan is so handsome wearing black suit with a Hermes blue and white stripe necktie. Nakangiti itong lumapit sa kanya. "How are you, ate? Masaya ka ba dito?" tanong ni Dylan sabay halik sa pisngi ni Samantha. "Don't worry about me!" sagot ni Samantha. "Nag-eenjoy ako dito." dagdag pa nito. "Good to hear, ate..." Biglang natahamik si Samantha. Huminga muna ito ng malalim bago magsalita. "Dylan, I saw he---" Hindi na natapos ni Samantha ang kanyang sasabihin ng biglang may lumapit sa kanila para sabihin kay Dylan na nandito na lahat ng kanyang empleyado at pwede na siyang magbigay ng kanyang welcome message. TINUNGO ni Dylan ang harapan ng dining area nang biglang may babaeng nakabangga sa kanya. "OOPSS!" Mabuti na lang at nayakap niya ito sa bewang kaya imbes na matumba napasubsob ang babae sa dibdib niya. "Okay ka lang ba? Tumingin ka sa dinadaanan mo next time." nasambit ni Dylan at tuluyan ng binitiwan ang babae. "I'm sorry." hinging paumanhin ng babae sabay angat ng mukha. Halos makailang ulit na napalunok si Dylan ng makita ang babaeng bumangga sa kanya. Pakiramdam niya parang tumigil sa pag-ikot ang mundo at kahit maraming tao wala siyang naririnig. Especially when their eyes meet. Naging dahilan iyon para hawakan niya ang kamay ng babae at ipaghila ng upuan katabi ng kanyang Ate Samantha. "Kathy!" Napalingon sila sa boses ni Trixie. "It's okay, Trixie! You sit here too. Kaming dalawa lang naman ni Ate Samantha ang nakaupo dito." alok ni Dylan. Wala nang nagawa si Kathy kundi ang umupo katabi si Samantha na napagitnaan nilang magkaibigan. "I'm sorry for what happened earlier... I'm Samantha, Dylan's eldest sister.." bulong ni Samantha sa kanya. "Okay lang po 'yun, Ma'am.. I'm Kathy, bestfriend ako ni Trixie." she replied with a sweet smile. "Naku! Don't call me 'Ma'am', Ate Samantha na lang." Samantha insists. "Sige, Ate Samantha." tugon ni Kathy. "GOOD evening everyone, as your CEO and owner of this resort. This is my simple way of thanking you for your hard work and loyalty you give to my company. To all your family's and friends who are here. I warmly welcome you to have a wonderful vacation experience here at Isla Monteverde! Thank you so much!.. Cheers!" --Dylan's welcome message. Nagpalakpakan ang lahat at umupo na sa tabi ni Kathy si Dylan. "Sir Dylan, I would like you to meet my bestfriend Katrina Angela Villaruiz... And Kathy, siya si Sir Dylan our handsome CEO.. Oh, 'di ba nakakadistract ang kagwapohan noh?" pagpakilala ni Trixie. Kinikilig pa ito habang nagsasalita. Agad naman siyang tinitigan ni Dylan. Mga titig na nakakapaso and full of longingness. Dylan grabb her hand at marahan itong pinisil. And suddenly brought his lips close to Kathy's ear and whispered gently. "Thank god I found you, Angela!" words uttered by Dylan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD