KUMAKAIN nang wala sa sarili si Kathy. Naninindig ang balahibo niya tuwing maalala ang mainit at mabangong hininga ni Dylan na dumampi sa balat niya. Lalo na ang pagtawag sa kanya ng 'ANGELA' ni Dylan na sa buong buhay niya ngayon lang may tumawag sa kanya gamit ang kanyang second name. Kadalasan kasi "Kathy" or "Katrina" ang nakasanayan niyang tawag sa kanya. She bit her lower lip. Why is it the way Dylan treated her it looks like they met as if she had been a part of Dylan's life? Why she felt like she was a missing piece of the puzzle has now been found? Samantalang, ngayon lang siya nito nakita at nakilala. Sa ngayon, aminado siyang hindi niya masasagot ang mga katanungang gumugulo sa isip niya. "Eat well, Kathy! 'Wag kang mahiya." wika ni Samantha ng napansin ang pagiging tahimik

