Chapter 4
-Analou-
Ramdam ko ang sakit ng aking likod at kamay dahil sa pagkakatali ng mga taong kumidnap sa akin, ngayon ko na lang ulit naalala na mga nangyari sa akin kanina. At hindi ko alam kung na saan na nga ba ako dahil nakapiring pa rin ang aking mga mata at hanggang ngayon ay ramdam kong mag-isa pa rin ako. Nagtataka pa ako dahil sa anong dahilan at sino sila para kidnapin ako at dalhin sa lugar na hindi ko man lang nakikita, mahirap lang kami at hindi mayaman kaya wala akong mabibigay sa kanila kung sakaling humingi sila ng pera sa akin o sa Nanay Melanie ko. Napapaluha na lang ako dahil sa nawawalan ako ng pag-asang makakaalis sa ganitong klaseng sitwasyon. Hindi na rin ako makapag-isip ng tama dahil sa ayokong isipin na ito na rin ba ang magiging katapusan ko, hindi ko na ba makikita ang mga dati kong kaibigan o kaming dalawa ni Kendal ang magkakaroon ng reunion sa langit. Mga sumasagi sa isip ko dahil sa hindi ko na rin alam ngayon kung ano ang dapat isipin.
“Gising kana pala, kumain ka muna at parating na ngayon ang boss namin para kunin ka at pahirapan oras na hindi magpakita ang magaling mong ama? Sa tingin ko rin ay magkakaroon ng malaking laban sa pangitan ng ama mo at ng aming boss, kaya para hindi na rin mapatay ang ama mo mabuti pa makipagtulungan s’ya sa amin ng sa ganoon makita ka pa rin n’yang buhay. Aba! Sayang naman ang buhay mo kung lupa lang ang makikinabang sayo.” Boses ng isang lalaking hindi ko nakikita, hanggang sa tinanggal nito ang piring ko sa mata, napapikit pa ako dahil nasilaw ako sa sinag ng liwanag na nagmumula sa ilaw na naroroon sa loob ng kuwarto. Malansa ang maaamoy sa paligid at dahil nurse ako ay madali ko lang malalaman kung dugo iyon na galing sa tao o sa hayop pero sigurado akong galing ang dugong naamoy ko sa dugo ng tao kaya labis kong natakot sa kung ano ang pwdeng mangyari sa akin mmamaya oras na dumating na boss na sinasabi nito.
“Sino ba kayo at bakit ninyo ako kinidnap? Wala kayong makukuha sa akin dahil mahirap lang kami. Saka isa pa baka nagkamali kayo ng kinidnap, wala akong ama na sinasabi mo? Kaya please lang Mamong parang awa muna pakawalan na po ninyo ako dito, maniwala po kayo wala akong kahit na anong yaman na pwdeng ibigay sa inyo at wala rin akong amang magliuligtas sa akin dahil matagal ng patay ang aking ama.” Pakiusap ko dito at namumuo na rin ang luha ko sa aking mata dahil sa takot na naramramdaman ko, samantalang hindi man lang ito natinag sa paki-usap ko at mas nagalit pa ito sa akin.
“Manahimik ka kung ayaw mong mapadali ang buhay mo. Huwag ka ring mag-alala pagkatapos sayo ni boss siguradong sa amin din ang bagsak mo. Maganda ka pa naman at makinis, tiyak na mag-eenjoy na naman kami sa katawan mo, saka h’wag ka ng umasang makakaalis ka pa dito dahil sinisigurado kong kahit asong gala hindi maaamoy ang bangkay mo. Kaya kung ako sayo makisama ka na lang muna at baka maaawa pa kami sa’yo at hindi ka namin paslangin ng maaga.” Ngising demonyo nitong sagot sa akin at malakas pa itong tumawa na ikinatulo na lang ng aking mga luha, gusto ko mang sumigaw ay hindi ko magawa dahil mukhang isang abandunadong lugar ang pinagdalhan sa akin ng mga ito at alam kong walang makakarinig sa sigaw ko.
Labis naman ang takot na naramdaman ko dahil sa mga naririnig ko mula dito. Natakot ako para sa sarili ko at para kay Nanany Melanie, siguradong malulungkot iyon kapag nalaman nito kung ano ang nangyayari sa akin ngayon at anong klaseng impyreno ako naroroon. Lumabas ang lalaki at pinilit kong kumain kahit na ayaw ko dahil sa malansang naaamoy ko pa rin, nilibot ko pa ang aking paningin at nakita kong puno ng dugo ang paligid at may mga bakas ng paghihirap ang mga naroroon. Napapikit na lang ako at muling nanalangin na sana ay magawa ko pang umalis dito kahit pa alam kong malabong mangyari sa ngayon, pero sabi nga nila kung minsan ay kailangan pa rin maniwala sa himala kahit pa sa gitna ng kamatayan. Tinapos ko ang pagkain dahil naisip kong kailangan ko ng lakas para sa gagawin kong pagtakas kung sakaling magkakaroon ako ng pagkakaton.
Hanggang sa matapos ako sa pagkain ay bumukas ulit ang pinto at sapilitan akong kinuha ng dalawang lalaki mukhang mga bouncer dahil sa laki ng katawan ng mga ito. Sa isang kuwarto ako nila dinala at inihagis sa isang puting kama sobra ang takot na nararamdaman ko ngayon dahil sa hindi ko kayang isipin kung ano ang mangyayari sa akin. Nagsisigaw ako at nagmamakaawa dahil baka maawa pa ang mga ito sa akin at hayaan na lang akong makatakas, pero nagtawanan lang ang mga ito at saka lumabas ng kuwartong yon, naiwan akong luhaan sa buong buhay ko ngayon lang din ako natakot ng ganito ung takot na hindi nababawasan bagkus ay nadadagdagan pa.
Pinagmasdan ko ang buong kuwarto at masasabi kong maganda ito at hindi tulad ng pinagdalhan sa akin kanina ng mga hayop na yon. Naglibot pa ako sa buong paligid para makahanap ng paglalabasan pero bigo akong makakita dahil sarado at may mga bakal maging ang mga bintana. Bagsak ang balikat na bumalik na lang ako sa kama para mahiga at ipahinga na lang ang bigat na aking dinadala. Haggang sa hindi ko mapigilan ang aking sarili na mapaluha at maawa sa aking pinagdadaan, pilit kong inaalala ang mga masasayang araw na kasama ko si Nanay Melanie at kung paano kami simpleng namumuhay sa isang probinsya. Naisip kong sana ay hindi na lang kami ng punta ng Maynila para sa pag-aaral ko ng sa ganoon ay hindi na rin nito naibenta ang lupain na minana pa bito sa kanyang mga magulang, para lang ipangtustos at ng maipagpatuloy ko ang pagiging scholar ko dito sa Maynila.
Subalit kung alam ko na lang na sa ganito lang pala hahantong ang lahat ay mas gugustuhin ko pang mamuhay na lang sa dati naming tinirahan ung tahimik at masaya lang at walang problemang kasing lala nito, dapat pala ay naging kontento na lang ako sa kung ano lang ang meron ako sa probinsya, eh hindi sana ganito ang buhay ko ngayon na puno ng pangamba at takot sa aking puso. Hanggang sa pag-iisip at pag-iiyak ay naramdaman ko ang pagod hanggang sa tuluyan na akong nakatulog. Hindi ko rin maintindihan pero parang meron matang nakatingin sa kuwartong ito. Hinayaan ko na langdin at baka ganito lang sila magbantay talaga ang gusto ko na lang muna ngayon ay ipahinga ang katawan ko at ang isip ko kahit sa pakiramdam ko ay ubos na ang lakas na meron ako ngayon.
Hanggang sa nagising ako na nasa ibang kuwarto na rin ako, mabilis akong napabangon dahil sa hindi ko maipaliwanag kung paano ako napunta sa ganitong kagandang kuwarto as in bagong kuwarto at kagamitan ang mnakikita ko. At masasabi kong para lang akong na nanaginip kung saan ako ngayon naririto dahil ibang-iba ito kanina sa nakita ko. At bukod pa doon ay napansin ko ring bago na ang aking suot at malinis na kulay rosas na dress ang suot ko na hindi ko rin alam kung paano napalitan na hindi man lang ako nagigising? Ganon ba kahimbing ang tulog ko at hindi man lang talaga ako nagising na hawakan nila ang katawan ko? At malaking katangungan sa akin ay kung sino nga ba ang nagpalit sa akin para mabago ng ganito ang lahat? Ang daming gumugulo sa aking isipan at kung titignan ay mukha pa akong prinsesa dahil sa sadyang mamahalin ang mga nasa paligid ko ngayon at kulay gold ang lahat ng ito.
Kinurot ko ang aking sarili para sa gumising pero nasaktan lang ako at napag-isip-isip na totoo nga ba ang mga nakikita at nahahawakan ko. Ilang sandali pa ay tatlong babae ang pumasok at ang dalawa sa kanila ay mukhang mga katulong at ang isang matandang babae naman ang nag-uutos sa mga gagawin ng dalawang katuloing. Labis pa rin ang aking pagtataka nguni’t wala talaga akong mahanap na kasagutan sa isip ko at puro tanong ang naroroon. Maganda ang ngiti sa akin ng matandang babae at hindi ko rin alam kung paano ako ngingiti dito dahil iosang malaking katanungan sa akin ang lahat ng nakikita at nakikinig ko.
“Good morning, Madam, narito na po ang breakfast n’yo. Maaari na rin po kayong magpalit at inaayos na rin po ang paliguan ninyo, pasensya na rin po kung naabala namin ang inyong pagtulog sadyang pinahatid po ito lahat ni Lord ng sag anon ay makapag-ayos na rin po kayo.” Mahina at magalang na sabi sa akin ng matandang babae na mukhang mayordoma ang ayos. Hindi agad ako nakapagsalita dahil sa nabibigla pa ako sa mga nangyayari ngayon. Hanggang sa mapagtanto ko na kinidnap nga pala ako.
“Sorry po Manang, pero maaari po ba ninyo akong tulungang makatakas dito, please po maawa po kayo siguradong hinahanap na rin po ako ngayon ni Nanay Melanie ko. Please po Manang tulungan po ninyo ako at ipinapangako kong hindi po ako magsusumbong sa mga pulis. Please po Manang, please po.” Nagmamadali at umiiyak kong sambit dito. Naisip kong baka pwde naman nitong palayain na lang ako tutal ay mukha naman itong mabait at baka magkaroon ito ng awa sa akin.
“Pasensiya na po Madam, hindi maaari ang nais mo dahil ang utos lang ni Lord Zen lang ang nasusunod sa bahay na ito. Huwag kang mag-alala nakikita ko namang magiging maayos ka sa piling niya at kung nanaisip mo parin tumakas ay huwag mo ng gawin dahil hindi mo gugustuhin ang mangyayari sayo. Hindi sa tinatakot kita anak pero mas magiging mabuti para sayo ang sumunod dahil alam kong sa huli ay ikaw rin ang makikinabang sa kung ano meron ka man ngayon.” Pahayag nito sakin at umalis na. Narinig ko pa ang paglock ng pinto kaya naman nagkakatok ako dun para pagbuksan at paalisin na lang, ang buong akala ko pa naman ay magiging Malaya na ako dahil sa nabago ang nasa paligid ko subalit nagkamali ako dahil mukhang nakakulong pa rin ako dito naiba lang talaga ang kulungan ko. Pero napagod lang ako sa kakatok sa pintuang makapal at narinig ko na lang ang mga yapak ng mga ito na papalayo sa kuwartong nilipatan ko.
Napadausos nalang ako sa likod ng pintuan at umiiyak at muling niyakap ang aking sarili wala na talagang pag-asang makaalis pa ako dito, hindi ko kailangan ang lahat ng ito dahil hindi ako masayang ikinukulong sa ganitong lugar. Gusto kong maging malaya ng sa ganoon ay maranasan kong maging masaya at magawa ang mga bagay na gusto kong gawin at hindi ganito na nakakulong ako na parang bilanggo. Mabuti pa nga ang bilanggo ay alam mong may kasalanan pero ako alam ko sa sarili kong wala akong ginawa sa kapwa ko para maranasan ko ang ganitong kalupit na parusa.
Hanggang sa sumagi sa aking isip ang narinig ko sa isang tauahn kanina na dahil sa aking ama kaya ako naririto at kaya rin ako pinarurusahan ay dahil saw ala kong kuwentang ama. Napakuyom pa ako sa aking kamao dahil hidni ko magawang magwala dahil sag alit na meron ako sa aking puso para sa isang taong hidni ko man lang nakita kahit na kailan sa buong buhay ko. Tapos ngayon madadamay ako sa kasalanan nitong ginawa at ako pa ang magdudusa para lang matapos ang lahat ng may galit dito. Hindi ako kumain at hinayaan ko lang ang pagkain sa ibabaw ng table kung san ito iniwan kanina. Hindi ko ugali ang magsayang ng pagkain pero nawawalan na rin kasi ako ng pag-asang mabuhay at alam kong ni isa sa mga tao dito ay hindi ako tutulungan na makaalis sa nagiging sitwasyon ko ngayon. Muli akong nahiga sa kama at ipikit ang aking mga mata, lumandas naman mula dito ang mga luhang ayaw pang tumigil. Muli akong nakaramdam ng takot, at iniisip kung sinong Lord ang sinasabi ng mga ito.
Wala akong maisip na ganong pangalan kung hindi Papa GOD lang, siya lang ang kilala kong Lord sa buhay ko kaya naman hihintayin ko na lang ang paghaharap naming dalawa kung sino man itong lalaking to at mag-iipon ako ng lakas ng loob para labanan ito kahit sa anong paraan dahil alam kong wala akong ginagawang mali dito kaya wala rin itong Karapatan na gawin sa akin ang ganitong klaseng bagay.