Chapter 5
-Zen Levy-
Papunta ako ngayon sa hideout kung na saan ang mga tauhan ko at binabantayan ang babaeng anak ni Felix Vizer. Hindi ko pa ito kilala at lalong hindi ko pa rin ito nakikita wala rin naman ako pakialam kung sino at ano ang itsuka nito o kung anong klaseng tao ito sa mundo, ang importante lang sa akin ay mapasakamay ko at mapasunod sa lahat ng aking nanaisin. Hindi madaling kalimutan ang ginawa ng ama nito sa akin kaya naman hindi rin dapat madali ang gagawin ko sa anak nito dahil sisiguraduhin kong isa lang sa amin ni Felix Vizer ang pwedeng magtagumpay at s’ympre ako yon.
Nasa bayahe ako ng makatanggap ako ng message na nakauwi na raw si Mommy ngayon at nasa mansion ang tatlong kapatid ko para suyuin ang aming in ana hanggang ngayon ay alam kong galit pa rin sa aming mga anak nito. Hahayaan ko na lang muna sila kay Mommy dahil kaylangan ko ng matapos ang gagawin ko dito para makabalik na rin ako sa Italy dahil sa maraming transaction akong parating at ayokong magkaroon ng problema dito. Dahil alam ko ang magiging pagkamali ko ang inaabangan ng mga kalaban para magawa ng mga paraan kung paano ako mapapabagsak. At bilang mafia lord ay mahirap harapin ang lahat ng ito lalo na kung malaking pangalan ang aking dinadala, at buong pamilya ko ang umaasa sa tagumpay na meron ako.
“Lord Zen Levy, narito na po tayo” Sambit ng isang tauhan ko, napatulala kasi ako dahil sa sumagi sa isipan ko ang mukha ng isang babaeng kanina pa ginugulo ang isip ko. Hindi ko makalimutan ang mukha ng nurse na yun at kung bakit parang kinakabahan ko sa tuwing nakikita ko at nararamdaman ang presensya nito. Naisip kong matapos ko lang ang mga dapat kong gawin ay babalikan ko ito at kukunin, magiging akin ito, sa ayaw man o sa gusto nito. Pababa na ako ng masalubong ko ang mga tauhan ko at sabay-sabay ng yukuan sa harapan ko hindi ko naman sila pinansin dahil sa ngayon at gusto ko na makita ang anak ni Felix ng sa ganoon masabi ko na rin sa mga tauhan ko kung ano ang dapat nilang gawin sa babaeng yon.
Naglakad ako ng parang hari at pumasok sa isang cctv room kung saan makikita ko roon ang babaeng pinalipat ko sa isang kuwarto para naman kahit papaano ay makita ko ng malinaw ang mga galaw nito at mapag-aralan ko muna kung paano ng aba ito kumilos. Pinalabas ko ang lahat ng taong naroroon dahil ayokong may kasama sa tuwing may pinanonood akong bihag lalo na kung may gusto akong makita sa taong yon. Nakaupo na ako habang umiinom ng alak at ang mata ko ay nakatutok sa cctv footage kung saan nakikita ang isang babaeng natutulog sa ibabaw ng isang kama. Mat’yaga ko itong pinagmasdan nakatalikod ito at hindi ko kita ang mukha sa ngayon. Pero nakakaramdam ko ng excitement na makita ito o masilayan man lang ito na hindi ko maintindihan kung bakit, tatayo na sa ako ng makita ko itong gumalaw paharap sa akin. Pero nakapatong sa mukha nito ang braso kaya naman hindi ko parin makita ang mukha nito.
Pero nagtataka ako ng makita ang suot nitong nurse uniform, kuno’t noo akong nakatingin dito at pigil ang aking nararamdaman ng hawakan ko ang folder na nasa aking harapan na iniabot sa akin kanina ng tauhan ko. Naroroon na kalagay ang lahat ng impormasyon ng babaeng bihag ko ngayon at dahil sa kabang aking nararamdaman ay dahan-dahan kong kinuha ang folder para tignan at napapigil pa ako ng pagbabasa at makita ang pangalan nito kasama ang isang picture nito na nakausot pa ng nurse uniform.
Nabitawan ko ang folder at muli akong tumingin sa cctv footage at malaya kong nakikita ngayon ang mukha nito. Napayukom ako sa aking kamao ng mapagtanto ko kung sino ang bihag kong babae. Hindi ako makapaniwala na ang babaeng nagpapatibok ng malakas sa aking puso ay s’ya pa lang anak ng kaaway ko at parang hindi ko kayang gumalaw ngayon dahil sa katotohanang aking nalaman. Wala akong maisip na tamang gawin dahil alam kong sa sarili kong hindi ko kayang saktan ang babae, pero hindi ko rin naman ito kayang hayaan na lang dahil siya ang kabayarin para sa ginawa ng kanyang ama sa akin. Napapailing ako dahil sa galit na aking nararamdaman ngayon, bakit kung kaylan natagpuan ko na ang babaeng alam kong mamahalin ko, ay s’yang ring natagpuan ko si Analou Vizer anak ni Felix Vizer ay sa kasamaang palad ay iisa lang sila.
Napahilamos ako at galit na lumabas ng cctv room at nagtungo sa opisina ko. Nagkatinginan pa ang mga tauhan ko pero hindi ko na lang ito pinansin pa dare-darecho lang akong naglalakad at masama ang tingin sa lahat na parang gusto ko na lang din sumabog dahil sa matinding galit sa aking puso na hindi ko kayang pigilan pa. Pabalya kong pinuksan ang pinto ay naupo na sa swivel chair na naroroon at gusto ko na lang Mamaril ng kung sino ng sa ganoon ay mawala ang bigat ng aking dib-dib hindi ko maintindihan kung anong klaseng pagsubok ang nararanasan ko ngayon dahil sadyang hindi ko alam kung paano ko ito malulutas. Alam ko sa sarili ko na isang akong mafia lord na malupit at walang awang manakit lalo na kung matindi ang kasalanan sa akin subalit paano ko rin gagawin na saktan ang isang babaeng nais kong sambahin pagdating ng araw.
“Lord Zen Levy, ano po ang problema maling babae po ba ang nakuha namin?” Kinakabahang tanong ni Jack ang kanang kamay ko hindi ko ito sinagot at kumuha ng alak at sigarilyo kailangan ko kasing kumalma ng sa ganoon ay makapag-isip ako ng tama dahil habang nasa isip ko anbg babeng yon ay hindi ako makakagawa ng tamang plano. Lumagok at bumuga muna ako ng apoy bago muling tumingin sa tauhan kong alam kong malaki ang takot ngayon dahil maaari silang maparusahan oras na mali ang kanilang ginawa.
“Dalhin siya sa mansion ko, at sabihin kay Nana Mila na alagaan at bantayan mabuti ang babaeng yon. Walang ibang hahawak sa kanya kung hindi si Nana Mila at ako, bawal pa rin s’ya lumabas ng magiging kwarto nito, at sabihan mo rin ang secretary ko na mamili ng mga damit n’ya at dalhin sa mansion at ayokong makarinig na kahit na anong tanong kahit kanino tungkol sa kanya, maliwanag ba?” Matigas at madiin kong pagkakasambit dito hindi pa rin humuhupa ang galit ko dahil sa hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari ngayon. Nagtataka namang tumingin sa akin si Jack, pero wala na itong magagawa dahil ako ang palaging nasusunod naupo ako sa sofa ng tumawag sa akin si Daddy na pabuntong hininga pa ako bago sinagot ang tawag nito.
“Yes, Daddy!” Kalmadong sagot ko dito ng sa ganoon ay hindi nito mahalata ang malaking problemang meron ako dahil kilala ko ang aking ama at hindi rin nito gugustuhin na makita ako sa ganitong sitwasyon.
“Gusto ni Mommy mo na magkaroon tayo ng family dinner ngayon gabi, at mukhang ok na rin ang Mommy mo at sana ay makarating kayong magkakapatid. Ayokong magkakaroon ng kahit na anong dahilan ngayon kaya mabuti pa siguraduhin mong kompleto kayong apat na magkakapatid at may sasabihin ang Mommy mo sa inyo. Nagkakaintindihan ba tayo Zen Levy?” Sambit ni Daddy at saka pinatay na agad ang tawag hindi na rin nito hinantay ang aking sasabihin kaya talaga napapahilot na lang ako sa aking sintido dahil sa magkasabay na kailangan kong asikasuhin. Halata sa boses ni Daddy na may tampo pa rin ito sa amin ng dahil sa nangyari sa aming ina. Naisip ko ring ok na ito at kahit papaano ay mapapakalma ako kung lalayo muna ako sa babae yon at hindi talaga maganda ang aking pakiramdam sa tuwing iisipin kong nasa malapit lang ito, at ano man goras ay maaaring maging akin.
“Jack, ayusin mo lahat ng kailangan mong ayusin dito sa bansa at maaaring ikaw ang ipadala ko muna sa ibang bansa para sa mga trabsaction kong parating at hindi pa ako makakaalis ngayon dahil sa may inuutos pa sa akin si Daddy na isang confidential” Malaming kong utos dito at ibinigay dito ang isang folder na naglalaman ng ibang details tungkol sa mga transaction na parating. Malaki naman ang tuwala ko dito at alam kong hindi ako nito bibiguyin. Ganoon pa man ay nag-iingat pa rin ako sa lahat ng mga tauhan kong pinagkakatiwalaan ko dahil alam kong ano man goras ay kaya nilang magtraydor sa akin na hindi ko rin naman maialis sa isip ko. Pagkatapos kong makausap ang tauhan ko ay ang mga kapatid ko naman ang isa-isa kong sinabihan tungkol sa magiging dinner ng aming pamilya, at tulad ng sabi ni Daddy kailangan ay lahat kami ay naroroon.
Pasado alas otso na ng dumating ako sa dati naming mansion, nakita kong nasa garden na silang lahat at parang ako na lang din ang kulang, bago kasi ako umalis ay sinilip ko muna ang babaeng bihag ko sa kanyang kuwarto bago ito dalhin sa mansion ko. Hindi ko pa alam kung tama ba ang ginawa ko pero isa lang ngayon ang gusto kong gawin ang lumapit ang loob nito sa akin at matutunan ako nitong magustuhan ng sa ganoon ay mawala ang galit nito sa akin oras na mapaslang ako ang ama nitong mortal kong kaaway. Pababa naman ako ng ducati ng makita kong pababa na rin ng sasakyan sina Aunt Camille at Uncle Khen, ganoon ang kanilang mga anak.
“Oh, hi! Zen Levy, narito ka pala? Akala ko pa naman busy ka at hindi ka makakarating nagyon. Pero masaya ako dahil napagbigyan n’yo anMommy mo?” Bating tanong sa akin ni Uncle Khen. Napatingin naman ako kay Aunt Camille at makikita dito ang lungkot sa mga mata, at pinipilit na maging masaya kahit na kita parin dito ang lungkot sa pagkawala ni Kendal ang anak isa pa nitong anak na nababae na nasawi.
“Actually Uncle, mukhang magtatagal muna ako dahil marami pa akong dapat ayusin at may inuutos pa po sa akin si Daddy kaya baka po maging madalas rin po ang pagkikita nating dalawa?” Sagot ko dito kasabay ang pagmano ko sa mga ito. Nauna nang maglakad sina Camille kasama ang dalawa nitong anak.
“Uncle Khen, kamusta na po ba si Aunt Camille? Hanggang ngayon po ba nahihirapan pa rin itong tanggapin na wala na rin si Kendal?” Mahinang tanong ko dito, tumingin muna ito kung saan natatanaw nito ang kanyang asawa na ngayon ay kasama na rin ng aking ina at masaya ang nagiging yakap nito sa isa’t-isa.
“Sa totoo lang ay wala pa rin pagbabago ang Aunt Camille mo, hindi pa rin n’ya kayang tanggapin na wala na ang aming anak na si Kendal, maging ako naman ay nahihirapan na wala na ito kaso alam kong dapat kong mas kayanin dahil alam kong sa akin kukuha ng lakas si Aunt Camille mo para kayanin ang lahat ng ito. Kaya kahit na nakikita ko siyang malungkot ay nagagawa ko parin maging masaya at ok kahit na double ang sakit na nararamdaman ko. Feeling ko ay hindi lang si Kendal ang nawala kung di pati na rin ang aking asawa kaya mas lalo lang ako nahihirapan ngayon. At ang Daddy mo lang rin ang nakakaalam ng mga pinagdaraan ko dahil hindi ko kayang ipakita sa iba ang kahinaan ko.” Malungkot na sagot sa akin ni Uncle Khen.
Gusto ko mang sabihin dito ang lahat ay hindi pa rin maaari dahil alam kong magkakagulo lang, at maaaring mapahamak ulit si Kendal. Oo, buhay ang pinsan ko at nasa pangangalaga ito ni Uno Patterson ang g*gong yun matagal na palang may gusto kay Kendal na hindi ko man lang nalalaman. Pero ganoon pa man ay alam kong hindi pababayaan ni Uno si Kendal dahil nakikita ko dito ang pagmamahal sa pinsan ko at ang tanging hangad ko lang ay matanggap ito ni Uncle Khen oras na malaman nito ang buong katotohanan. At sana lang din ay totoong kaya nitong panindigan ang pinsan ko, dahil sisiguraduhin kong may ililibing ko siya ng buhay oras na lokohin nito si Kendal.