MOMMY' REQUEST

2080 Words
Chapter 6 -Zen Levy- Nasa gitna na kami ng dinner ng magsalita si Mommy, at tumingin pa sa akin na may ibig sabihin na ipinagtaka ko naman sa aking ina. “Zen Levy, meron sana akong gustong ipakiusap sayo kung maaari lang sana, anak?” Tanong nito sa seryosong boses at mababakas talaga sa mukha nito ang pagiging istrikto sa kanyang mga bibitiwang salita. “Yes, Mommy, ano po yon?” Seryosong sagot ko dito at hindi ko pinakita dito ang kaba, dahil kahit pa sabihing ako ang mafia lord ng aming angkan ay nagiging maamo akong tupa sa harapan ng aking mahal na ina. “Nakilala mo na yung nurse na nag-alaga sa akin diba? Gusto ko sa na iyon na lang ang ligawan mo at ng may mag-alala na rin naman sayo. Wala ka rin naman kasintahan di ba? At saka nakikita kong mabuti siyang bata, sa katunayan ay nakikita ko ang sarili ko sa kanya. Kaya kung maaari ay ikaw na lang ang maging asawa n’ya ng sa ganoon ay makita kong maging maganda ang buhay ng batang yon.” Masaya pa nitong sambit sa akin ngun’t alam kong inuutusan ako nitong gawin ang kanyang nais para sa babaeng nurse na sinasabi nito. Nabilaukan naman ako dahil sa narinig ko dito at mabilis kong inabot ang baso ng tubig na nasa aking harapan para makainom at ng mawala ang bara sa aking lalamunan. Namumula akong humarap dito at sa mata nito ay diterminado ito sa kanyang mga sinasabi. “Wait, Mommy maganda po ba siya? Kung ayaw ni kambal ako na lang po.” Sabat naman ni Zac liam sa pagitan namin ni Mommy tumatawa pa ito habang nagsasalita. Sinamaan ko naman ito ng tingin pero inirapan lang ako nito at muling tumingin kay Mommy ng may Magandang ngiti. “Zac liam, siguradong magagalit si Sofia pag ginawa mo yun, alam mo naman kung gaano ka kagusto sa babaeng yun. Alam mo na rin naman sigurong kaya ka niyang bantayan kahit pa nasa ibang bansa ang babaeng yon.” Walang buhay na sagot naman dito ni Kalvin kay Zac. “Wala akong pakialam sa babaeng yun. At saka sinabi ko na rin naman sa kanya na wala akong gusto sa amasonang babaeng yon, aba daig pa ako kung manuntok saka ayokong makapag-asawa na mukha pang lalaki sa akin kung kumilos o manalita.” Inis naman nitong sagot kay Kalvin, natinawaan lang din naman ng lahat na nasa hapagkainan. Nanahimik naman ako at kunwaring nag-isip ng mga bagay-bagay dahil mukhang hindi rin ako titigilan ni Mommy sa nais nitong ipagawa sa akin. Subalit sumagi naman sa aking isipan na kasama ko na nga pala ngayon ang babaeng sinasabi ni Mommy at natitiyak ko rin na maisusumpa ako ng aking ina kapag nalaman niya kung ano ang binabalak ko sa babaeng gusto nitong maging asawa ko pagdating ng araw. “Tumigil nga kayong dalawa, dahil hindi kayo kasama sa usapan at hindi si Sofia ang topic dito. Kaya pwde ba kumain na lang kayo dahil nakakairita yang mga boses n’yo ang iingay.” Sagot naman ni Zev loyd, ang pinaglihi ata sa sama ng loob dahil sa palaging nakakuno’t ang noo at palaging walang pakialam sa paligid n’ya. “Seryoso ako sa sinabi ko Zen levy, kaya pag-isipan mo. At saka alam mo naman siguro ang gusto kong marinig na sagot mula s’yo.” Matigas na sambit ni Mommy sa akin habang nakatingin ng masama. Napahawak naman ako sa aking batok dahil sa guilt na aking nararamdaman. Sa tingin ko ay kailangan kong magbago ng plano dahil kilala ko si Mommy malakas din ang pang-amoy nito. Ilang sandali pa ay natapos na ang dinner at umuwi na rin sila Uncle Khen at ang pamilya nito ganoon pa man ay nagkausap pa kami nila Daddy at tungkol pa rin sa paghahanap sa pinsan kong si Kendal. Wala akong naging tugon sa mga ito subalit alam kong hindi naman pababayaan ni Uno ang pinsan, may plano ang mokong na yon at kapag talaga hindi nito napanindigan ang kanyang sinabi ay ako mismo ang kikitil sa buhay nito. “Alam kong may ginawa ka sa anak ni Vizer? Pinapaalala ko lang sayo Zen Levy, alam mo namang ayokong nanakit ng mga inosenteng tao lalo na kung babae at walang kinalaman sa kanyang ama? Naintindihan mo rin naman siguro ang naging turan s’yo kanina ng ing ina? Mabuti pa ayusin mo nay an hangga’t maaga pa wala pang gaanong nakakaalam dahil kapag nakarating yan sa iba mo pang mga Uncle ay baka mas lalong mahirapan kang mapalapit sa babaeng yan.” Bungad agad sa akin Daddy pagkalabas ni Unclen Khen sa loob ng library nito. “Wala akong gagawin sa anak niya kung ititigil na rin Vizer sa pakikialam sa lahat ng transactions na meron ako sa ibang bansa o maging dito sa bansa. Malaki na rin ang nagiging sakot n’ya at hindi ko hahayaan na mapasok n’ya ang lahat na pag-aari ko.” Darechong sagot ko dito sa walang imosyon. Kilala naman ako ng aking ama dahil magkaugali rin kami nito at alam nito ang kakayahan ko bilang isnag mafia lord ng lahat. “Ok, sige ikaw ang bahala, tutal naman alam kong, alam mo kung ano ang tama at mali sa pamumuno mo. Ang sa akin lang ay isang paalala nab ago ka gumaw ng mga desisyon ay siguraduhin mong ikakabuti yan ng lahat, at walang malaking gulong magaganap sa pagitan n’yo ng ama ng babaeng nasa poder mo ngayon. At saka ayokong makakarinig na kahit na anong klaseng pananakit sa babaeng yon dahil siguradong malalakot sa Mommy alam mo naman siguro kung gaano n’ya kagusto ang babaeng yon para s’yo.” Paalal anito at saka inisang lagok ang hawak nitong baso na may lamang alak. Una palang ay alam kong nakamonitor na si Daddy sa lahat ng ginagawa ko, pero hindi naman ako kinakabahan kung malaman nito ang tunay na pagkatao ni Analou Vizer, walang maitatago sa aking ama kahit pa maliliit na detalye para sa lahat ng aming mga kalaban. Nasa biyahe na ako pauwi sa sarili kong mansion kung saan si Nana Mila ang pinagkakatiwala ko doon. Siya na rin kasi ang tumayong Lola naming ng triplet’s at katuwang ito ni Mommy sa paglalaki sa amin, at habang lumalaki kami ay mas nagiging panatag ang aming mga magulang dahil sa alam nilang hindi masasaktan ng iba dahil na rin sa alaga talaga kami ni Nana Mila. Ibinigay siya sa akin ni Daddy dahil para kahit papaano ay meron titingin sa mansion ko at ito ang nag-aalaga sa akin sa tuwing uuwi ko ng bansa. Ang ikinatatakot ko ngayon ay kapag nagpunta si Mommy sa mansion ko para bisitahin ako roon. Tahimik na ang buong paligid ng mansion ng dumating ko at nakikita ko ang mga tauhan kong nagbabantay sa buong paligid ng lugar. Hanggang sa matanaw ko ni Jack na papalabas ng bahay at maganda ang ngiti nito na animoy nanalo sa lotto. Lalapit sana ito sa akin para sana magsalita ng pigilan ko ito sa pamamagitan ng pagtaas ng isang kamay ko dahil sa hindi ko nagustuhan ang aura nito na masaya. Napayuko naman ito sa akin at sumunod lang, naupo ako sa isang coach sa sala at kumuha ng isang bote ng alak at saka isinalin sa baso na mabilis ko namang nilagok, ilang sandali pa akong nanahimik at nagmuni-muni sa maraming bagay na nasa aking isipan. Tinignan ko muna ang mga tauhan kong nakapalimot sa akin ngayon at naghihintay ng aking sasabihin ng dumating si Nana Mila mula sa kusina. “Iho anak, nariyan kana pala? Kamusta naman ba ang biyahe mo?” Tanong nito sa akin na may pag-aalala ang boses napahinga muna ako bago ko sinagot ang matanda. “Maayos naman po ako Nana Mila. Kayo po kamusta kayo dito habang wala ako? Kung may mga kailangan po kayo ay magpasabi agad kayo sa mga tauhan ko ng sa ganoon ay magawa nila ng mabilis ano man po ang ipag-uutos n’yo sa kanila. Huwag po kayong mahihiyang magsabi sa kanilang lahat dahil kasama sa utos ko na sumunod po sa inyo.” Magalang kong sagot dito. Ngumiti naman ito sa akin at napatango sa aking naging turan dito. Hanggang sa nababatid kong may nais pa itong itanong na alam ko na agad kung ano yon. “Maayos ang lahat dito kaya huwag mo akong intindihin anak. Gusto ko lang sana itanong kung sino ang babae dinala ng mga tauhan mo dito noong isang araw. Sa totoo lang anak, nakakaawa ang kalagayan n’ya dahil hanggang ngayon ay ayaw n’yang kumain at hindi maganda ang kalusugan ng dalagang yon.?” Tanong nito sa akin at lihim naman akong napakuyom dahil sa isiping hindi pa ito kumakain hanggang ngayon. “My future wife, sa ngayon po ay hayaan n’yo na lang muna s’ya sa gusto n’yang gawin. Kakain din po yan kapag nagutom basta po padalhan n’yo lang ng mga bagong pagkain ng sa ganoon ay alam n’yang malinis ang ipapakain natin sa kanya. Sa ngayon po kasi pinag-iisipan ko pa kung paano siya mapunta sa akin, kaya gusto ko po muna siyang ikulong para hindi na siya umatras sa nalalapit naming kasal.” Sagot ko pero makikita ang pag-iwas ko ng tingin dito dahil sa alam kong hindi agad maniniwala sa akin si Nana Mila. Narinig ko naman itong napahinga ng mahina kaya naman napalingon ako dito at nabasa ko sa mga mata nito ang labis na kalungkutan. “Kung siguro kang siya ang magiging asawa mo bakit hindi ko nakita noon? At saka sa tingin mo ba magugustuhan ka n’ya lalo na kung ikinukulong mo s’ya? Sana ay hinahayaan mo siyang mamili ng mga bagay na gusto niyang gawin bago mo s’ya itali sa desisyon na mukhang ikaw lang din ang may alam Zen Levy.” Salita nito sa akin na ikinatingin ko lang dito. “Alam mo, manang-mana ka sa iyong ama, parehong-pareho kayo kung paano magpakita ng pagammahal sa isang babae. Sana lang ay makayaan ng babaeng ikinulong mo na tanggapin ang magiging buhay kasama ka. Nakikita ko kung paano nahirapan ang Mommy mo nung panahon na kinuha rin siya ng Daddy mo para ikutong sa buhay nito. Wala naman akong magiging tutol sa mga gagawin mong desisyon mo dahil buhay mo yan, ang sa akin lang sana ay makita mo kung paano itrato ng tama ang babae lalo na kung mahal mo s’ya.” Pahabol pa nito payo at saka pinakatitigan ako. “Sabi nila, si Lolo Jacinto lang daw ang hindi naging tapat sa kanyang asawa dahil nagkaanak ito ng maraming anak sa iba't ibang babae.?” Patanong ko dito habang muling umiinom ng alak na hawak ko. “Hindi naman nagluko ang Don nung mga panahon na mag-asawa na sila ng Donya. Dala ng kapusukan ng Lolo mo nong bata pa ito kaya s’ya nakagawa ng mga bagay na hindi n’ya rin inaasahan na magbubunga. Saka nasa mundo kayo ng mga mafia kaya naman noon pa man ay malapit na kayo sa mga tukso at nasa s’yo na lang kung papatulan mo o hindi. Ang mga Tiyuhin ng iyong ama ay sadyang mayayaman at mababait, at higit sa lahat hindi nilang magawang manggulo sa pamilya ng Lolo mo noon kaya naman hindi nahirapan tanggapin ng iyong Lola ang mga ito at minahal na parang sariling mga anak. Naging mas maayos at matatag ang kanilang pamumuhay dahil sa buong pusong tinanggap ng Donya ang anak ng Don sa labas at magpa hanggang ngayon ay nakikita mo naman sigurong solid ang kanilang samahan bilang isa at buong pamilya. Alam moa nak, ang buhay natin ay hindi madali lalo na kung hind imo magagawa ang mga bagay na magpapaligaya s’yo, kaya kung ako s’yo habang nasa tabi mo pa ang taong mahal mo ay pakahalagahan mo ito ng sa ganoon ay hindi ka magsisisi sa huli.” Pagkukuwento nito sa akin. “Alam mo ba kung minsan ay napakahiwaga ng pag-ibig hindi ito kusang hinahanap dahil kusa itong darating para magmahalan ang dalawang tao, walang nakakapigil sa wakas na pag-ibig, kahit pa sabihin ayaw mo dito. Dahil tadhana ang gagawa ng paraan para magkasundo kayo at makasama habang buhay. Halos lahat ng tao sa mundo at kailangan ng patner sa buhay para maging masaya at hindi para saktan ang bawa’t-isa.” Dag-dag pa nito sa akin. Hindi ko maintindihan pero alam kong meron siyang gustong ipahiwatig sa akin tungkol sa buhay pag-ibig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD