TALA Malalim na ang gabi at gising na gising pa rin ako. Sa isang bakanteng kwarto sa bahay ni Ivory ako tumuloy dahil kahit anong pilit kong tumanggi ay siya ring pilit niya na magpalipas muna ako ng isang gabi. Nilalamon na rin ako ng hiya dahil napaka-impokrita ko at kapal ng mukha kong tumuloy sa bahay ng babaeng inaagawan ko ng fiancé. I feel so small and bad in front of her. Nakaramdam ako ng uhaw kaya nagpasya akong lumabas ng kwarto. Bukas na bukas ay aalis ako sa bahay ni Ivory dahil hindi kaya ng konsensya ko ang tumagal dito. Akmang lalagpasan ko ang pinto ng kwarto ni Ivory nang may marinig akong ungol. Natigilan ako at natutop ang aking labi dahil dalawang boses ang naririnig ko na nagmumula sa loob. "Ahh, Thaddeus," ungol iyon ni Ivory na animo'y sarap na sarap sa nang

