bc

The Tycoon's Lover (Los Solteros De Calientes Series 1)

book_age18+
7.4K
FOLLOW
38.9K
READ
billionaire
possessive
sex
second chance
self-improved
drama
bxg
office/work place
realistic earth
affair
like
intro-logo
Blurb

Anong kaya mong gawin para sa taong mahal mo?

***

Nagbago ang buhay ni Tala nang makilala niya at mahalin ang estrangherong walang alaala sa nakaraan na si Lucas. Lubos na minahal nila ang isa't isa at inakalang wala na itong katapusan.

Ngunit lahat ng iyon ay gumuho nang bawiin si Lucas ng totoong pamilya nito. Ang inakala niyang simpleng estranghero ay isa palang tagapagmana ng isang napakalaking kumpanya, si Thaddeus Calientes.

Year have passed, they met again. But he is not the Lucas she used to know anymore. Lucas became Thaddeus Calientes, one of the reigning business tycoon.

And Stella is not the unfortunate Tala anymore. For she will do everything to take him back, even if she have to be that tycoon's lover.

Will Tala gave up Lucas and go back to her unfortunate life?

Will Lucas love her again?

Or will they bury everything they shared for five years?

chap-preview
Free preview
Prologue
Malakas ang kulog at kidlat kaya halos lumiwanag ang langit kahit gabi na. Habang pinagmamasdan ang mga mangkok na nakakalat para saluin ang tulo mula sa bubong namin ay naririnig ko ang ungol at hiyaw mula sa kwarto. Si mama ay nag-uwi na naman ng lalaki para gamitin siya at bayaran. Ilang oras din nang lumabas ang lalaki sa kwarto kasunod si mama na tanging tuwalya ang nakatapis. "Sarap mo pa rin, Rosa." Tumingin ito sa akin at ngumisi. "Dalaga na pala anak mo." Si Mama ay tumayo at humarang sa paningin ng malisyosong tinyente. "Umalis kana, 'wag mong isipan ang anak ko kaka-eighteen lang niya." "Eighteen? Hinog na 'yan, Rosa. Baka gusto mong ipatikim sa akin 'yang anak mo. Mukhang mas masarap sa 'yo." Pinulot ni Mama ang tsinelas at ibinato sa lalaki. "Tangina mo ah! Gamit na gamit mo na akong hayop ka at kakarampot lang binabayad mo tapos papakialam mo pa anak ko?! Lumayas ka nga!" "Puta! Buti nga nagtitiis ako sa 'yo, Rosa eh. Sa'n ka nakakita na habang magse-s*x tayo ay may tumulong tubig sa mukha ko. Tangina ka!" "Tangina mo rin! Layas!" umalis ang lalaki at padabog na sinarado ang pinto. "Akala mo kung sino, jutay naman." Lumapit si Mama sa akin at ngumiti. Kitang-kita ko ang pasa na medyo mamula-mula sa leeg at itaas ng dibdib niya. Ngumiti siya sa akin at iniabot ang limang daang piso. "Bili ka na ng ulam natin. Gusto mo ba ng fried—" Hindi natapos ang sinasabi niya nang bigla ko siyang yakapin nang mahigpit. Oo pokpok, prosti, bayaran ang mama ko. Pero hindi siya nagkulang sa pangaral, pag-aalaga at pagmamahal sa akin. Sa eskwelahan ay hindi siya nagpapakilalang nanay ko. Nahihiya raw siya. Itinulak niya ako nang marahan. "'Wag mo ako yakapin, anak. Ayokong mabahiran ka ng karumihan ko." "Mama..." "Sige na. Ay oo nga pala. Kailan pala ang bayaran niyo sa eskwelahan?" "Hindi na po ako mag-aaral ma, magtatrabaho na lang ako sa bayan para..para tumigil na po kayo sa trabaho niyo." "Tala, magtatapos ka, okay? Kung kailangan matuyot ang pagkatao ko o maubos ang respeto ko sa sarili, gagawin ko, Tala. Kailangan mong magtapos at ilayo ang sarili mo sa ganitong sitwasyon." Napatango ako at umiyak na lang. Grade three lang ang natapos ni mama dahil sa hirap ng buhay. Maagang nabuntis ng isang amerikanong sundalo. At dahil walang kakayahan magtrabaho ay ganito ang napili. Pumupunta sa bayan para ibenta ang sarili. "Hayop ka! Tangina mo! Papatayin kita!" Iyak ako nang iyak sa sulok habang hawak ang damit kong punit. Nanginginig ang boung katawan sa takot at pandidiri. Pakiramdam ko ay napakarumi ko na. "Rosa! Ano ba!" "Hindi ba ang sabi ko 'wag na 'wag mong hahawakan ang anak ko?! Tangina ka! Papatayin kita!" Nanlaki ang mata ko nang ambahan ni mama ang lalaki ng kutsilyo. Ngunit malakas ang lalaki at walang pagdadalawang-isip na ibinalya si mama at nauntog ang ulo sa malaking bato. Dumugo ang ulo ni mama at hindi gumagalaw. "Puta! B'wisit na pokpok!" Nagkukumahog na tumakbo ang lalaki palabas. Nilapitan ko si mama na hindi gumagalaw. Gumalaw ang mata nito at tumingin sa akin. Nagsimulang lumuha ang kaniyang mga mata. "Mama.. Tatawag ako ng tulong—" "T-tala.. P-pakiusap.. Ingatan mo ang sarili mo ha? Mahal na mahal k-kita.." "Mama naman..." umiiyak na saway ko. Nang gabing iyon ay pumanaw si mama. Huminto ako sa pag-aaral at nagtrabaho bilang mang-aani ng palay. Araw-araw kong tinatanong sa sarili ko kung bakit ganito ang buhay ko? Hindi naman ako masamang tao. Matapos ang ani ay umuwi ako sa bahay. Tanging malamig na hangin ang sumalubong sa akin. Walang pagkain, walang sumasalubong. Huminga ako nang malalim at nagpasyang matulog nang bigla na lamang marinig ko ang malakas na tunog na nagmumula sa kusina. Agad kong pinuntahan iyon bitbit ang pala. Ngunit nang marating ko ang kusina ay isang binata na halos kaedad ko lamang ang nagkukumahog at animo'y naghahanap ng tubig. Duguan ito at may bahid ng mga sugat. Nilapitan ko siya na kinagulat niya at agad nawalan ng malay. Agad ko siyang dinaluhan at kahit hirap ay inilipat ko sa papag. Hindi maikakailang gwapo ang binata at mukhang mayaman. Makalipas ang dalawang araw ay nagising ito at napabalikwas ng bangon. "Sino ka?" tanong nito. "Ikaw ang sino ka?" Agad itong napahinto. Doon ko naisip na mukhang walang alala ang lalaki. "S-sino ako?" anito sa sarili. Bahala na. "Lucas.. Ikaw si Lucas at girlfriend mo ako!" Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at nasabi ko iyon. Siguro ay desperado akong babae. Gusto ko ng may kasama. "G-girlfriend kita? Eh tinanong mo ako kung sino ako. At saka hindi Lucas ata ang pangalan ko." Tumikhim ako. Lucas ang naisip kong pangalan dahil nariring ko iyon sa TV ng kapitbahay ko. Mukhang magandang pangalan sa lalaki. "Nilayasan mo ako dahil gusto mong pumunta ng maynila at ngayong sino ka para bumalik? Sugatan ka pa." Kumurap-kurap ito na tila ba'y nakunsensya. "Gano'n ba? Sorry kung totoo man 'yan." Nameywang ako sa harap niya at pinagsingkitan ng mata. Mukha naman siyang nakokonsenysa at mukha ring naniwala agad siya? "Oh? Ano pang tinitingin-tingin mo diyan? Bumangon kana at umalis." Nanlaki ang mata nito nang irapan ko siya at tumingin palayo. Sinusulyapan ko naman ang reaksiyon niya na mukhang nalugmok. Tumayo ito at lumapit sa akin. Ang puso ko ay tila isang tambol dahil sa lakas ng kabog. Ngayon lang ako nalapitan ng ganito. "Sorry na, patawarin mo ako kung iiwan kita. Hindi na ako aalis. Wala rin naman akong maalala." Nanlaki ang mata ko dahil sa bilis nito maniwala. Inabot nito ang magaspang kong kamay at dahil sa hiya ay agad akong bumitaw. "H-hindi kana aalis?" halos tumalon sa tuwa ang puso ko. Sa wakas ay hindi na ako mag-iisa. Tumango ito at ngumiti. Lumipas ang mga araw ay nagkakalapit kami. Hanggang sa tuluyang nahulog ang loob namin sa isa't isa. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman kong saya. Nawala man si mama ay may pumalit naman na makakasama ko habambuhay. Maraming mata ang nakamasid at nagtatanong. At lagi ko lamang sinasabi ay nakilala ko si Lucas ng kaibigan ni mama. "Ang ganda mo, Tala!" anito nang makapasok ako ng bahay. Simpleng t-shirt at kupas na maong ang sout ko. May nakapatong pang jacket. Nakabota at nakasumbrero rin ako. Ang buhok kong nakapusod ay nang isang araw pa nakapag-shampoo. Bilad din ang balat ko sa init kaya medyo may pag-brown ang kulay ng balat ko. "Lucas sa mukha kong 'to? Gandang-ganda ka?" Lumapit siya sa akin at ginawaran ako ng halik sa pisngi. "Ikaw ang pinakamaganda, mahal ko." Napangiti ako sa sinabi niya. Araw-araw kong pinagdarasal na sana, habambuhay na akin siya. Na sana wala ng humadlang sa kasiyahan ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
73.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
94.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.6K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.5K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook