TALA "Okay lang ako, Jerry. Ikaw ba? Kumusta na ang project kepyas mo?" Nilapag ko ang mga binili kong sangkap para sa lulutuin kong sinigang na baboy ngayong gabi habang nakaipit ang cellphone ko sa aking balikat at leeg. Kausap ko si Jerry dahil kinumusta niya ako. "Ito, betlog pa rin ang putangina. Wala pang schedule kaya pills muna ang iniinom ko." Hindi ko mapigilan ang matawa dahil sa sinabi niya. Gustong-gusto niya talaga ang maging babae at super supportive naman sa kaniya ang kaniyang ate. Hiniwalay ko ang mga gulay at karne habang nakikinig sa kaniya. Dahil nahihirapan na rin ako ay nilagay ko na lang siya sa loudspeaker at inilapag sa kitchen counter. "Eh, ikaw? Kumusta ka naman diyan sa piling ng jowabebe mong suki ng amnesia?" Napahagikhik ako sa tawag niya kay Thaddeus

