HINDI ko ginamit ang panyong binato ni Kruger sa mukha ko. Hinayaan ko na lang ‘yon. Mapupunasan ko naman ang mukha ko kahit wala ang tulong n’ya. Hindi ako nag-salita ni isang beses habang nasa biyahe. Naka-tulala lang ako at minsan lang kumukurap. Pinapakinggan ko na lang ang mahinang ugong ng kotche. Iniiwasan kong mahagip ng tingin si Kruger. Pero, kinakailangan kong maka-buwelo para akitin s’ya. I need overflowing self-confidence for that. Hindi ko na ‘yon patatagalin dahil gusto ko na’ng maka-sama ng malaya ang pamilya ko. Makapagpahinga na ako sa kabrutalan. Hindi ko pinansin si Kruger hanggang sa maka-uwi na kami sa black mansion. Hindi na kami nag-kita pagkatapos ng araw na ‘yon. Nag-mukmok lang ako sa loob ng k’warto ko pero ginagawa ko naman ang lahat para hindi umiyak. Sa