CHAPTER 23

1750 Words

WALANG dumanak na dugo sa loob ng elevator. Ang buong akala ko talaga, makakasaksi ulit ako ng kamatayan. Hinila ako palabas ni Kruger at dinala sa kuwarto ko. He was releasing negative energy again. Batid kong hindi sila magkasundo ng pinsan n'ya. "Stay here," mariing usal n'ya sa 'kin na'ng binitawan ang kaliwang pulsuhan ko. Tiningala ko s'ya. Una kong nasilayan na argrabyadong-argrabyado ang kan'yang mukha. Mas lalo tuloy s'yang nakakatakot ngayon. "Hindi ka puwedeng lumabas hangga't hindi ko sinasabi," pagpatuloy n'ya pa. "Bakit?" Niliitan n'ya ang kan'yang mga mata. "Just do what I say," matigas n'yang usal sa 'kin. Magsasalita pa sana ako pero bigla n'ya na akong tinalikuran. Mabilis s'yang humakbang palabas ng kuwarto ko at pabagsak na sinara ang pinto. Huminga ako ng malalim.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD