CHAPTER 39

2123 Words

HINDI ko alam kung ilang paru-paro ang nagsiliparan sa tiyan ko when he called me ‘baby’. Pero gusto kong pigain ang bibig n’ya dahil may lumalabas na namang pasimpleng banat. Ang tagal kaming nanaliti sa loob ng company building n’ya dahil inisa-isa pa talaga namin ang gun gallery n’ya. Magdidilim na bago kami naka-uwi sa black mansion. Tamang-tama, naka-handa na pala ang dinner kaya hindi na muna kami pumasok sa aming mga kuwarto. Tinungo namin ni Kruger ang dining room. “Nand’yan na pala kayo.” Na’ng maka-pasok kami, naabutan naming kumakain na sina Don Dario, Gideo at Gadreel. Pinaupo ako ni Kruger sa upuan bago s’ya umupo sa tabi ko. Nasa harapan namin sina Gideo at Gadreel. Tahimik silang kumakain. “Saan ba kayo nag-punta, anak? Kanina ko pa kayo inaantay,” tanong ni Don Dario.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD