NANATILI kami ng halos kalahating oras sa simenteryong ‘yon. Pagkatapos ng libing, isa-isa na’ng nag-alisan ang mga dumalo at bumalik na sa kani-kanilang mga trababo. Habang ako naman, nag-alay pa kasi ako ng mga bulaklak sa lapida ng mga fallen soldiers at associates. Hindi naman umalis sa tabi ko si Kruger. Naka-abang lang s’ya sa ‘kin kasama ang mga bantay n’ya habang nag-d-distribute ako ng mga bouquets. May naka-sunod sa ‘kin na isa n’yang tauhan na taga payong. Ayaw n'ya ako maambunan kahit okay lang naman. Hindi ako sakititin. “Nais mo bang sumama sa aking kompan’ya?” Napa-tayo ako ng tuwid sa paanyaya n'yang iyon. Hinarap ko s’ya. Naka-tayo lang si Kruger malapit sa ‘kin. Ilang metro lang ang layo. “Sa… labas ng gates?” Pormal n’ya akong tinanguan. Umaliwalas ang mukha ko. “T