CHAPTER 3

2154 Words
ISANG linggo ang makalipas simula noong dinala ako ni Douglas sa kanilang mans’yon. Nakakailang balik na rin s’ya sa bahay na nilipatan namin para bisitahin ako. He is always welcome to enter our new home. Bakit hindi, s’ya mismo ang bumili ng maayos na bahay at malawak na lupa para may matirahan na kami. We don’t have to escape and hide anymore. Wala na’ng humahabol pa sa amin. Nakakatulog na sila ng mahimbing. Lalong-lalo na ang mama ko. Sinagot na rin ni Douglas kanilang allowance every month. Separated naman ang allowance at tuition ng kapatid ko. “Anghelina! Kumakain ka ba ng maayos? Bakit ang putla mo naman yata?” ‘Yan ang reklamo ni Madame Maritesa. Kapit-kapit ng kaliwang kamay n'ya ang isang pulang mansanas habang kinakagatan. Nandito kaming lahat sa kusina. Si Mama, nagluluto pa ng kung ano sa kan’yang likuran habang naka-talikod sa aking paningin. Katabi ko naman ang kapatid kong si Anghelita habang ninanamnam ang sausage na pinirito ni mama kanina. “Ah, wala po ito,” magalang kong tugon habang naka-titig lang ako sa plato kong may lamang pagkain. Binibisita kami rito ni Madame. Mukhang tuwang-tuwa kasi s’ya dahil makakapag-asawa ako ng mayamang lalake. S’ya mismo ang nag-reto sa ‘min kay Douglas at base sa nalaman ko, binigyan din s’ya ng pera bilang pasasalamat daw. May isa pa akong nakikitang dahilan kung bakit bumalik ang sigla n’ya sa ‘min. Tinutukso n’ya kasi si Mama na magiging mayaman ulit kami. Hindi ko naman masasabing masamang tao si Madame Maritesa. Kumare s’ya ng mama ko. Lagi s’yang bumibisita sa malaki naming bahay noon para makipag-chismisan. Pero, s’ya lang naman ‘yong may dalang chismis at nakikisabay lang naman ang mama ko. When we weren’t struggling financially before, tita Maritesa ang tawag ko sa kan’ya pero noong napansin n’yang nawawalan na kami ng assets, mukhang bumaba na yata ang tingin n’ya sa amin. Hindi kami nag-reklamo roon dahil kung tutuosin, kapag walang-wala talaga kami ay sa kan’ya kami humihiram ng pera. Hindi n’ya ‘yon pinapabayaran hanggang sa namatay na nga ang papa at kuya ko. Doon na namasukan si mama bilang katulong sa mas’yon nila. Mabait naman s’ya pero ‘yon nga, umiba ang ugali n’ya kay mama. Kinukutya n’ya kami sa pabirong paraan. “Pansin kong nangangayat ka na! Kinakailangan mong kumain ng marami! Baka mawala ang hubog ng katawan mo!” Sinalinan n’ya pa ng kanin ang aking plato. Hinayaan ko lang s’ya. Totoong hindi maayos ang kain ko simula noong napasok kami sa sitwasyong ‘to. Hindi nga ako nakakakain ng maayos simula noong nagipit kami pero itong may kakayahan nang bumili ng masasarap na pagkain, ganoon pa rin. I am not in the mood to eat. Naka-tulala lang ako tapos minsan habang nagtatrabaho ng gawaing bahay, nahihilo na lang ako bigla. Nandidilim ang paningin ko. Hindi ko pa naman pinagsisihan ang desis’yon ko at ni mama but I have this weird kind of feeling that I shouldn’t have agreed. “Ate, kainin mo na ang breakfast mo. Kukunin ka na ni Sir Douglas mamaya.” Kumurap ako ng isang beses na’ng narinig kong sinaway ako ni Anghelita. Napansin kong napa-hinto sa pagpiprito si Mama. Parang lilingon s’ya o hindi. At hindi nga nangyari. Batid n’yang wala ako sa sarili minsan pero hindi n’ya lang ako makompronta dahil alam n’yang tungkol sa pagpapakasal ang magiging usapan namin. Kumbaga, pinaparating n’ya sa akin na hindi na ako puwedeng umatras. “Naku, Anghelina. Mukha ka ngang anghel pero parang nagiging bampira ka na. Kulayan mo ‘yang mga labi mo mamaya ha?” Hindi ako sumasagot. Tango lang ang ginagawa ko. “Baka anemic lang s’ya, Madame. Nasa dugo na namin ‘yan,” sagot ni mama na may katotohanan naman. “Kumain ka ng marami, Anghelita. Baka mahihilo ka n’yan sa biyahe mamaya.” “Opo, ‘ma,” mahinang sagot ko. Kinapitan ko na ang kutsara at sumubo ng kanin na may kasamang ulam. Pinilit kong nguyain iyon at lunukin para magkalaman man lang ang tiyan ko pero nakakadalawang kutsara pa lang yata ako ay uminom na agad ng tubig para mabusog. Sumabay na rin si mama para kumain. Umupo s’ya sa tabi ni Madame Maritesa habang dada ng dada na halos nakikipaghabulan na s’ya sa sarili n’yang hininga. Kinakausap n’ya ako. Binibigyan ng tips kung paano maging mabuting asawa pero hindi ko naman pinapakinggan. Alam n’ya kasing hindi pa ako nakapag-boyfriend kahit ni isang beses kaya n’ya ako binibigyan ng payo. Pinapalagpas ko nga lang sa kabilang tainga. “Sandali lang, tumatawag ang asawa ko.” Huminga ako ng malalim na’ng biglang tumunog ang cellphone n’ya sa loob ng mamahalin n’yang hand bag. Naka-lapag iyon sa ibabaw ng mesa. Nagmamadali s’yang kunin iyon at na’ng hawak n’ya na, tumayo s’ya sabay patakbong lumakad palabas dito sa loob ng kusina. Sa wakas, makapagpahinga na ako sa bunganga n’ya. Mas’yado kasing maingay. Bakit hindi na lang kasi manahimik sa bahay nila. Hinahanap na tuloy ng kan’yang asawa. “Ate, alagaan mo ang sarili mo ro’n. Kumain ka ng madami dahil alam kong mas masarap ang mga pagkain sa mans’yon ni Sir Douglas,” marahang usal naman ni Anhelita. Binalingan ko s’ya ng tingin dito sa tabi ko habang patuloy lang s’yang kumakain. “I will. Basta, mag-focus ka lang sa studies mo. Ang mga binilin ko ha? Baka makalimutan mo. Huwag na huwag ka munang mag-bf,” seryosong usal ko sa kan’ya. Sinalubong n’ya ako ng tingin at mabilis akong tinanguan. “I won’t forget our rules, ate. Alam ko na ‘yan. At saka, magkikita pa kaya tayo sa kasal n’yo.” Natawa ako ng mapakla. “Oo pero aalis din naman kayo agad. Alam n’yo namang hindi ako sanay na wala kayo sa tabi ko.” Binanggit kasi sa ‘kin ni Douglas na hindi puwedeng tumira sila kasama ko kaya mananatili silang dalawa rito. Kaya siguro ako nalulungkot at balisa dahil hindi ko na sila makikita araw-araw. Puwede naman daw kaming bumisita rito but of course, iba pa rin talaga na makakasama mo ang iyong pamilya. “Hindi ka naman ma-b-bored do’n ate. Hindi ba’t sinabi mong para kang naka-punta sa isang kastilyo? ‘Tas ang ganda pa ng lugar. Iyon ang gusto mo ‘di ba? ‘Yong mapuno at malamig?” Tinanguan ko na lang s’ya. Ikinuwento ko kasi ang mga nakita ko sa village at sa black mansion. Puro positibo naman kasi ang sinabi ko. Hindi ko na binanggit ang mga nakita kong mga taong naka black suit tapos may mga kargadang maaangas na baril. Matapos namin mag-usap ni Anghelita, umakyat na muna ako sa k’warto ko. Wala naman akong aasikasuhin na mga gamit dahil sagot naman daw lahat ni Douglas ang aking mga kailangan. Katawan ko lang talaga ang dadalhin ko mamaya. I took a cold shower tapos nag-bihis ako ng isang pormal na dress hanggang tuhod. Habang inaayos ang anim na butones sa gitna ng aking dibdib, panay hinga ako ng malalim. Iniisip ko, ano kaya ang feeling na maikasal sa taong hindi ko naman mahal? I was just curious dahil syempre, hindi ko pa naranasang mag-mahal ng lalake. Mapapatanong na nga lang ako sa utak ko kung mamahalin ko ba ang misteryosong tao kagaya ni Douglas? Nagmumuni-muni ako habang nagbibihis. Pinatuyo ko ang aking mabasang buhok. Sinuklay ko pa iyon ng maigi especially ang curls ko sa dulo. Lumabas ako sa walk in closet. Umupo at humarap sa side table na katabi lang ng kama. Tinitigan ko naman ang maputlang mukha ko sa oblong na salamin na naka-sandal lang sa pader. I still look pretty. Hindi naman ako napapangitan sa self-reflection ko pero susundin ko ang isang payo ni Madame Maritesa. Dumako agad ang kanan kong kamay sa handle ng pangalawang drawer dito sa ilalim at kaliwang gilid ng side table. Kinuha ko ang isang strawberry pink lip tint doon. I colored my lips. Pinagdikit ko pa ang aking mga labi at marahang kiniskis para kumalat ang kulay. I forced myself to smile. It makes my face even better now. Hindi na ako nagmumukhang patay na bumangon sa kabaong. Just kidding. Nakapagpaalam naman ako ng maayos kina mama. Kagabi pa. So ngayon, hihintayin ko na lang si Douglas. Pagkatapos kong kulayan ang mga labi ko, hindi na ako kumukurap habang naka-titig sa salamin. Ang dami ko lang iniisip. Siguro sa iba, hindi big deal ‘tong gagawin ko pero pwes, para sa ‘kin oo. Pinagdadasal ko lang talaga na hindi ako nagkamali sa lalakeng iyon. Nakakaduda lang kasi. LUMIPAS ang mga oras, dumating na sa wakas si Douglas para sunduin ako. Pagdating namin sa Black mansion, I couldn’t believe what I have witnessed. Pinakilala lang naman sa ‘kin ni Douglas sa lalakeng naka-upo sa mahabang Cleopatra sofa. Nakaramdam agad ako ng kakaibang takot na’ng makita ko kan’yang buong imahe. He has pale white skin. Parang kasing kulay ng ginto ang kan’yang malagong buhok. It’s golden brown, I must say. Ang mas kapansin-pansin ay ang kan’yang mga mata. Hindi ko maaninagan ng mabuti but it seems like he has ash-gray eyes. Nanlamig ako sa na’ng sinalubungan n’ya ako ng tingin. I noticed that he has a depressed face. Parang may pasan-pasan s’yang mabigat na problema. And I found out, s’ya pala ang tinutukoy ni Douglas na ama n’yang umampon sa kan’ya. Nag-palitan sila ng maaanghang na salita. I was so confused habang pinapakinggan sila hanggang nasilayan ko mismo harap-harapan kung paano n’ya binaril si Douglas. May mga dugong tumalsik pa sa mukha ko. Nasaksihan ng mga mata ko kung paano s’ya nawalan ng buhay. Hindi pa ako nagulantang sa buong buhay ko ng ganito kalala. Nangangatog ang aking buong katawan na parang ako ‘yong nawalan ng hininga. He just died. I witnessed everything. “Marry me, you shall bear my child.” The ruthless man suddenly declared those words. Hindi masukat ang kaba ko. Parang hihiwalay ang puso ko sa aking katawan lalo na’t nakita ko kung paano dahan-dahang lumalapad ang pag-daloy ng dugo sa kumikinang na sahig. Ilang segundo akong napa-tulala roon. Hindi ako maka-galaw sa sobrang takot. Para akong maiihi. Damang-dama ko ang pangangatog ng aking dalawang tuhod na tila bibigay na ang aking pantog. I have only seen that kind of brutal death in action movies pero... bakit ako naka-saksi ng ganitong pangyayari? Bumalik lang ang kaluluwa ko sa katawan na’ng marinig ko ang mga mabibigat na mga hakbang papalapit sa aking kinatatayuan. Doon ko ulit s’ya binalingan ng tingin habang nanggigilid na ang mga luha sa aking mga mata. Um-e-echo sa buong silid ang tunog na nililikha ng kan’yang leather shoes. Habang nilalamon n’ya ang natitirang distans’ya, doon ko nilingon ang naka-bukas na pinto. Pero napa-kagat labi ako dahil may tatlo na palang lalakeng naka-harang doon. Humarap akong muli at doon na napa-hinto si Kruger sa aking harapan. Dahan-dahan ko s’yang tiningala. Nanlalabo na naman ang aking paningin dahil sa nanggigilid kong mga luha. Kumurap ako ng isang beses. I shed two lines on my cheeks. Doon ko ulit mas malinaw na nasilayan kung gaano kalamig ang pinapakita n’yang expres’yon lalong-lalo na sa kan’yang mga mata. “Hold your tears.” Napa-pikit ako ng mariin. Kasabay ng pag-hinto ng aking hininga na’ng inangat n’ya ulit ang kan’yang kaliwang braso. Ang akala ko, babarilin n’ya rin ako o ano pero imbes na may balang tatarak sa katawan ko, naramdam kong may ipinahid s’ya sa aking mukha. Pag-mulat ko, nasakihan ko kung paano n’ya dahan-dahang pinunasan aking kaliwang pisngi gamit ang isang maputi at malinis na panyo para maalis ang mga dugo roon. Nabato ako sa kinatatayuan habang pinaparamdaman ang kan’yang bawat galaw. He was staring at every part of my face without blinking. “Fix that mess.” Bahagyang napa-igtad ang aking katawan dahil nabigla ako sa malalim n’yang boses. Kakasabi n’ya lang ng mga salitang ‘yon ay humakbang ang mga naka-tayong lalake sa aking likuran. Pinagtulungan nilang buhatin ang bangkay ni Douglas. “You know the drill. Sell his organs while the remaining flesh.. feed it to my pet. My black puma was waiting.” Halos hindi ko na malunok ang sarili kong laway na’ng marinig ang karumal-dumal na mga salitang binitawan ng demonyong ‘to. “Yes, boss.” Na’ng nag-laho na ang mga kalalakihan, humugot ako ng maraming hangin bago mabilis na tumalikod at inihanda ko na ang nangangatog kong mga binti para tumakbo. Pero bago pa ako maka-labas ng pinto, may mainit at malaking palad na dumako sa aking batok. Hinawakan n’ya iyon ng mahigpit at marahas akong pinabalik paharap sa kan’ya. Sunod-sunod ang pag-buga ko ng mga hininga na parang malalaglag na talaga ang kaibuturan ko. “G-Gusto ko na’ng umuwi! B-Bitiwan mo ako—“ Pinatahimik n’ya ako sa pamamagitan ng pag-dakma ng aking bibig. Dahan-dahan n’yang nilapit ang mukha n’ya sa ‘kin. “You are mine now. Welcome to my hell, My Angel...”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD