CHAPTER 2

3226 Words
"Anak, hindi sana kita pipilitin pero wala na tayong ibang paraan. Pasens'ya ka na." Pinakinggan ko ang bukang bibig ni Mama. Pagkatapos kasi naming kausapin si Madame Maritesa, tumuloy na kami sa isang bakanteng kuwarto rito sa mas'yon. Naka-upo kaming dalawa ni Mama sa single-sized bed. Nasa tabi ko s'ya habang inaayos naman ni Anghelita ang aming gamit sa aparador. Hindi ako kumukurap habang nakipagtitigan lang din sa makinis na tiles ng sahig. "Alam mo namang aabot ng 20 million ang utang natin-" "Alam ko 'ma. Pero hindi natin sigurado kung babayaran ng lalakeng iyon ang napakalaking halaga na 'yan," mahinang usal ko. Naramdaman kong dahan-dahan n'yang hinimas ang aking likuran na sinabayan pa ng isang malalim na buntong hininga. "S-Subukan lang natin, anak. Hindi naman kita ipapakasal kung hindi n'ya tayo matutulungan. Sorry, anak. " Humingi ng humingi ng tawad ang mama ko sa 'kin. Ako naman 'tong hindi s'ya kayang tanggihan dahil alam ko ang kinalalagyan namin ngayon kung gaano nakakasakal. Noon pa, nasa utak ko na kung saan namin pupulutin ang perang ipapambayad dahil kahit anong gawin naming kayod ay hindi talaga sapat. Wala naman kaming mahihingian ng tulong. Kami-kami na nga lang ang nagtutulungan. Ang dating lagi kaming binibisita ng aming mga kamag-anak para kumustahin, simula nu'ng nabaon na kami sa utang, hindi na sila maka-alala. Kahit nga ang malalayo naming pinsan, nakikipagclose sa 'min. Kapag hihingi sila ng tulong, nand'yan agad. Pero hindi talaga namin sila masisisi dahil pinautang nilang lahat ang papa at ang kuya ko na hindi namin nalalaman. Kaya ngayon, hindi na nila kami pinapansin dahil batid nilang hindi namin sila kayang bayaran- sa ngayon. Pero ang kinasasama ng loob ko, noong mga panahong inaabuso nila ang kabaitan ni mama. Kahit sinasaway ko na s'ya dati na huwag mas'yadong maagan ang kamay sa pera. Isang request lang kasi ng mga kapatid n'ya, nand'yan na agad. Alam nilang nag-s-struggle kami ngayon pero ni isang singkong duling, wala silang inabot. Ang bait-bait ng mama ko sa kanila. Sana maawa man lang sila sa kapatid nila. Siguro nga, pinagtatawanan pa ng mga 'yon ang mama ko. Mga mukha silang pera. Mabait lang din kapag may mga kailangan. "Payag ka na bang makipagkita muna, anak? Kakausapin natin s'ya 'nak. Subukan natin," nangungumbinsi pa ng mama ko. Alam kong na-d-desperada na kaming tatlo para maka-survive lang. Ayos sana kung isang milyon lang ang utang namin pero... twenty million? Mamamatay kami na hindi mababayaran iyon lahat. "S-Sige po, 'ma." 'Yan lang ang tanging naisagot ko. Ngayon pa lang, natatakot na ako sa biglaang hakbang na gagawin namin. Aaminin kong hindi ko talaga gustong maikasal dahil ang dami-dami ko pang pangarap. Pangarap na makapag-aral at makapagtrabaho. 'Yon lang sana ang hangad ko pero may malaking hadlang. Tila kakapit na yata ako sa patalim. "Anghelina. Wala ka bang matinong damit kahit dress man lang? Saan na 'yong mga branded na suot-suot mo dati?" tanong sa 'kin ni Madame Maritesa. Panibagong araw na naman. Kagabi, kinausap na agad ni mama si madame na pumapayag na s'ya. Kakapasok ko lang sa living room dahil dito raw kami magkikita ng lalake. Tahimik muna akong umupo sa kaliwang mahabang sofa. Mamaya, nandito rin si mama. Naliligo pa s'ya ngayon dahil kakatapos lang n'ya mag-luto sa kusina. "W-Wala na po. Nagmamadali rin kasi kami kaya hindi ko na nadala ang iba ko pa pong gamit," magalang na usal ko sa malumanay na boses. Naka-upo s'ya sa kanang bahagi ng sofa habang nagkakape. Alas siete pa lang kasi ng umaga. "Sige na nga. Okay na 'yan. Tinatamad na akong mag-halungkat sa baul para hanapin ang mga bestida ko noong kabataan," sagot n'ya sa 'kin. "Isa pa, kahit basahan ang suotin mo, maganda ka pa rin." Napa-tikom ako ng bibig sa papuri n'ya. Ang totoo, ang daming nakapagsabi sa 'kin n'yan. Ilang lalake na rin ang nag-tangkang ligawan ako pero ni isa, wala akong sinagot. I don't want to get committed to a relationship. Ang iniisip ko, mas'yado pa akong bata para sa ganoon. Bahay-eskwelahan din ako dati. Ni hindi ako mahilig gumala. Mas'yado rin akong introvert. Mahiyain ako. Hindi ako sanay na may kausap na ibang tao. Hindi rin ako nakikipagkaibigan. Mas gusto ko pang mag-isa sa sulok habang nag-t-type sa laptop. I rather want to write a story than hanging out with my classmates. Hobby ko talaga ang paggawa ng novel. Flexible ako sa action genre. Mahilig ako manood, mag-basa ng ganoong tema kaya na-inspire din ako para gumawa ng aking sariling obra. Pero dahil nga gipit, hindi rin naka-ligtas ang laptop ko. Sinave ko na lang ang copy ng novels ko sa isang flash drive. Iyon lang yata ang natira sa 'kin na gadget dahil pati cellphones at tablets ko, naibenta na rin. Dati, pinapangarap ko rin na makapag-publish ng libro kapag may natapos ako. May natapos nga ako pero, doon naman kami naging gipit. Wala akong panggastos. "Ang tagal naman ni Angelina. Baka mamaya, dumating na si Mister Douglas." Napa-kurap ako na'ng nag-salita si Madame. "Nagbibihis na po s'ya," tugon ko kahit hindi ko alam kung tapos na ba ang mama ko maligo. "Ah, Madame? Mabait po ba 'yon? 'Yong si Douglas po?" nahihiyang tanong ko. "Aba'y malay ko. Huwag mo na'ng isipin 'yon. Basta, guwapo ayos na 'yon. Ang suwerte mo pa nga dahil bata ka pa. Kapag kasing edad lang kita, ako na ang papatol sa kan'ya. Mas mayaman pa kasi sa asawa ko si Douglas," pabirong tugon n'ya sa 'kin sabay humalakhak. Natawa na lang din ako ng hilaw. "Pero hula ko, Anghelina... magugustuhan ka talaga no'n. Ang sabi kasi sa 'kin, gusto n'ya ang mahihinhin na babae. Tamang-tama dahil gan'yan ka at ang inosente mo pa tingnan." "Matutulungan po ba n'ya kami kapag magpapakasal ako sa kan'ya?" Mabilis akong tinanguan. "Oo naman! Tingnan mo lang mamaya! Kung talagang kukunin ka n'ya, imposibleng walang ibibigay 'yon sa iyo!" Huminga ako ng malalim. Nilalamig ang mga kamay ko. Ganito ako kapag hindi ako komportable. Pakiramdam ko kasi, may mangyayaring masama pero ayaw ko namang mag-over think kaya kinalma ko na lang ang sarili ko. Makalipas ang ilang sandali, dumating na si mama at umupo sa tabi ko. Nag-kuwentuhan pa sila ni Madame Maritesa habang tahimik lang pero kung ano-ano pa rin ang pumapasok sa utak ko. "Madame, narito na ang bisita." Lunok laway kong binalingan ng tingin ang bumukas na pinto ng living room. Pinigilan ko saglit ang aking pag-hinga na'ng masilayan doon ang isang matangkad na lalake. Inalalayan s'ya ng butler papasok dito sa loob. Sinundan ko s'ya ng tingin. "Welcome to our humble home, Mister Douglas. Maupo ka rito." Tumayo na si Madame Maritesa at ganoon din ang pag-upo ng lalake. "Maiwan ko muna kayo rito ah?" At nilisan na n'ya itong silid pero hanggang ngayon ay hindi ako kumukurap habang pinagmamasdan ang guwapong nilalang. Napapaisip ako kung half-foreigner ba s'ya o ano dahil kakaiba ang hitsura n'ya. Naka-suot s'ya ng itim na long sleeve polo shirt tapos maong na pantalon na ganoon ang kulay. Naka-tanggal ang lahat na apat na butones sa ilalim ng kan'yang leeg. Ang ganda ng hubog ng kan'yang katawan. Bagay sa kan'ya maging action star. Badboy ang dating pero sa mukhang ito, sigurado akong habulin s'ya ng mga babae. Nakapagtataka dahil bakit pa s'ya maghahanap ng ordinaryong dalaga kung puwede naman s'yang makipagdate sa mga model o 'di kaya sa mga anak mayaman katulad n'ya. "Magandang araw, Ginoong Douglas." Binasag ni mama ang panandaliang katahimikan. Bahagya kong tinikom ang aking bibig dahil ngayon ko lang napansin na titig na titig s'ya sa 'kin tapos napapalunok habang naglalakbay ang kan'yang paningin sa bawat parte ng katawan ko. "Is she your daughter?" Hindi n'ya man lang binati pabalik ang mama ko pero nakakakilabot pakinggan ang pagiging mahinahon ng kan'yang tinig. Kinuryente ng bahagya ang mga tainga ko. "Opo, Anghelina po ang pangalan n'ya." Alam ni mama na hindi ko pa kayang ibuka ang bibig ko ngayon kaya s'ya na lang ang nagpakilala sa 'kin. Niyuko ko ng bahagya ang ulo ko para hindi kami magkasalubong ng tingin at para mas maobserbahan ko s'ya ng maayos. Patago nga lang. Hindi agad s'ya nag-salita dahil tinitigan n'ya akong muli. Tagos na tagos ang mga mata n'ya. Kinilatis ako sa mapanghusgang mga mata. "I like her." Unti-unti akong huminga ng malalim sa kan'yang komento. "I heard from Miss Tesa, you need money. How much?" "Ah, kasi..." Si mama naman 'tong nagaalangan para masabi 'yong kailangan namin. "Just tell me the exact amount. I will pay for it." Ang ganda sa tainga marinig ang mga salitang iyon pero nangingibabaw pa rin ang kaba ko. Natahimik saglit si mama sa aking tabi pero narinig kong huminga s'ya ng kay lalim. "M-Mahigit... twenty million ang kailangan namin." Halos hindi na marinig ang kan'yang inusal. "I got it. I will deliver the cash later." Bahagyang nanlaki ang mga mata ko ro'n na ikina-angat ng ulo ko. "Is that all? Narinig ko rin na wala kayong tahanan. I will buy a house and lot para hindi na kayo maninirahan sa mansyong ito." "T-Totoo ba 'yan, Mister Douglas?" Biglang pumiyok ang boses ni mama na parang iiyak na s'ya sa tuwa. Napa-salin saglit ang tingin ni Douglas kay mama. "Yes. Tomorrow, dadalhin kayo roon ng aking mga tauhan but of course, your daughter must marry me." Mariin kong nilunok ang sarili kong laway na'ng nag-tama bigla ang aming paningin. Nagtayuan ang mga balahibo ko sa mukha. Imbes na matuwa ako kagaya ni mama, nagdududa ako pero hindi ko pa naman maitanong 'tong bumabagabag sa aking isipan. Ganoon lang ba talaga kadali? Pumayag kaagad s'ya? Ang akala ko, hahaba pa ang usapan namin pero usapang pera na agad ang nahantong ang lahat. Hindi ako nag-salita pagkatapos naming ma-meet ang lalakeng 'yon. I was just acting like I am happy for my Mom and my sister. Hindi ko pinapakita sa kanilang masama ang instinct ko sa lalakeng iyon. Mas lalong hindi ko rin gustong masira ang mood nila dahil ilang taon ko na ring hindi nakita ang napakasayang ngiti at masiglang mukha ni mama. Tinupad nga ni Douglas ang kan'yang mga sinabi. Na'ng dahil sa kan'ya, nabayaran namin lahat-lahat na utang. Wala kaming natirang balance kahit piso. Binilhan din n'ya kami ng bahay na may dalawang palapag at lupa mismo sa loob ng isang village. Ang layo ng nilipatan namin. Sa karatig syudad pa. Doon daw kasi sila nakatira kaya dapat, malapit lang ang titirahan naming tatlo. Napapadalas naman ang pag-bisita ni Douglas. Nahahata n'ya sigurong naiilang ako sa kan'ya kaya nilalabas n'ya ako para makipagdate sa mga mamahaling mall, restaurant at sa mga bigating resorts. Pinakita n'ya sa 'kin na mabuti naman s'yang tao. He is a gentleman. Ang akala ko, manyak s'ya at may gagawing masama sa 'kin pero hanggang akbay lang ang kan'yang ginawa. Hindi n'ya ako hinipuan o ano. Doon ako nagiging kampante pero hindi ko maintindihan ang sarili ko dahil kahit anong pilit kong gumaan ang loob ko sa kan'ya, naiilang pa rin ako at mabigat ang aking katawan. Ilang araw na ang nakalipas simula noong nakilala ko s'ya. Ngayon naman, dadalhin n'ya raw ako sa mans'yon na pagmamayari ng daddy n'yang nag-adopt sa kan'ya. He said that man raised him alone without a mother. Naging single dad daw iyon na hanggang ngayon, hindi pa rin nagaasawa kahit 33 years old na. Ikinuwento n'ya sa 'kin ang buhay n'ya. Nakikinig lang naman ako. "Did you know that our village is the most dangerous of all?" sabi n'ya habang humihithit ng sigarilyo rito sa tabi ko. Naka-upo kami sa backseat ng mamahaling sasakyan. May sarili s'yang driver na naka black suit. "Bakit?" Dudugtungan ko sana ng 'po' pero inurong ko agad ang dila ko para hindi matuloy. He doesn't like to call him that way. Parang tinuturing ko raw s'yang matanda. Naka-titig lang ako sa kaliwang bintana habang pinagmamasdan kung ano ang nakikita ko. "Because it was surrounded by tall gates under the tallest trees," tugon n'ya sa 'kin. "Our village consists of 5 gates. Each gate has the headquarters of our men. They are our protector-to protect the mansion at gate 4 and the interior sa gate 5." Hindi ko mas'yadong inintindi ang sinabi n'ya dahil naka-focus lang ako sa labas ng bintana. Ilang minuto pa ang hinintay ko hanggang sa huminto na ang kotche sa tapat ng isang matarik na gate na imposibleng akyatin ng kahit sino mang tao. May mga naka-bantay pang mga naka-black suit na kalalakihan. Hindi ko sila mabilang dahil nagpapatrolya sila sa gilid ng private road na 'to kahit wala namang dumadaan. Tao man o mapasasakyan. They had machine guns with them. May kapit-kapit silang nakakatakot na baril tapos ang iba, may mga katana na paraang handa na makipagtagaan. Naastigan ako dahil pangarap ko rin na maka-hawak ng totoong baril. Huminto ang sinasakyan namin. Med'yo natakot ako dahil lumapit sila sa sasakyan at dumugaw sa naka-bukas na mga bintana. Na'ng makita ng apat na mga lalake si Douglas, awtomatikong bumukas pahati ang gate na may matitibay at malalaki ang mga bakal na parang rehas style. Nag-maneho na ulit ang driver papasok. "This is gate 1," rinig kong saad ni Douglas. "There are so many trees, right?" Tinanaw ko naman sa labas ng windshield para pagmasdan ang sinasabi n'ya. Tama nga s'ya. Sa magkabilang gilid nitong malawak na kalasada, ang dami-daming malalaki at ang tatarik na mga puno. Sobrang lago pa ng mga dahon na halos hindi na nga makikita ang bubong ng mga bahay kung nasa itaas ang view mo. Tapos nakikita kong may mga plain rectangular shaped houses na naka-tayo sa bawat puno. Hindi naman ganoon kalalaki ang mga bahay pero pare-parehas ang disenyo. Kulay itim pa ang pintura. Ilang minuto pa ang biniyahe namin tapos may gate ulit na may mga bantay kagaya nu'ng una naming dinaaan. Hanggang sa tatlong gate talaga ang humarang sa 'min. Nalula nga ako sa lawak ng village na 'to dahil halos fifteen minutes bawat gate ang biniyahe namin. Napapaisip na naman ako kung bakit ganito na lang kahigpit ang seguridad nila. "Bakit ang daming mga naka-bantay? May mga baril pang naka-sabit sa balikat nila? May machine guns, ArmaLite rifles, tapos may nakita pa akong mga hand guns na naka-sabit sa pocket belts nila," mahinag usal ko habang tumatakbo pa rin 'tong sinasakyan namin papunta sa gate 4 kung saan ang mas'yon. I asked him if kung anong meron sa gate 5 but it's a secret na hindi puwedeng ipagsabi kaya hindi na ako nagpumilit pa. "I am quite impressed. May alam ka pala tungkol sa mga baril. You recognized some of it." He chuckled. Hindi ako naka-titig sa kan'ya dahil sa labas lang talaga ng bintana ako naka-focus kahit kinakausap ko s'ya. "Well about your question, my dad owns a firearm company. He is also a CEO. We are making the most destructive gun. He is the inventor of new types of it. Our company is the biggest in the whole of Asia. Rank 2 in Europe, rank 2 in North and south America, and rank 1 in Africa. We have to protect our territory here. Our company building is visible in public. It's somewhere in the town but our factory building is inside of these gates for security and safety purposes," mahabang paliwanag n'ya sa 'kin na sinasaulo ko naman. Habang nasa biyahe, nakuha ang aking atens'yon sa malakas na ugong ng kung anong truck. Pag-tingin ko sa windshield, may makakasalubong nga kami. Tatlong malalaking truck na magkasabay. Hindi ko naman makikita kung ano ang karga nila since sealed ang truck. "I guess they have delivered the gun powders inside the interior already." Na'ng sinabi iyon ni Douglas, nalaman ko na kung ano ang naging nalaman no'n. Nag-hintay pa ako ng ilang mga minuto bago kami naka-rating sa pang-apat na gate. Doon ko naman agad nasilayan ang napakalaking bahay sa 'di kalayuan. Black pa rin ang pintura. It looks like a castle to me. Rectangular pa rin ang shape but it's so high and wide. Inalalayan akong lumabas ni Dougas sa loob ng kotche. Nag-lakad na agad kami sa rough tiles habang panay linga ang aking ulo para mas ma-familiarize ko ang buong paligid. Kahit sa napakalawak nilang bakuran, sa both sides nitong daanan ay ang daming nag-kalat na mga matatandang puno na tinapatan pa ang taas ng mans'yon. The house was hiding under the thick leaves of those trees. Ang linis-linis pa sa lilim ng mga puno. Wala akong ni isang tuyong dahon na nakita sa mga damo but wild flowers. Ang lamig pa rito dahil parang nasa gubat na rin ako. Hindi nga lang masukal. "Welcome to our black mansion," malumanay na usal ni Douglas dito sa aking tabi. Hindi ko s'ya pinansin dahil naka-baling lang ang aking atensyon sa mga bagay na nakikita ng aking mga mata. Habang papalapit kami sa mans'yon, napapatingala ako sa matatarik na mga puno dahil sa mga ibong dumadapo sa mga sanga. They were singing and chirping. Rinig na rinig ko pa ang pagaspas ng mga dahon dahil sa malakas na hangin na humapampas sa itaas. I was amazed by this place. I felt like I was inside an action movie. This environment has a mysterious mood. Kinikilabutan ako na na-e-excite. Sinundan ko lang si Douglas hanggang sa inakyat namin ang kaliwang hagdan para marating ang malaki nilang entrance. Pag-hinto namin sa tapat ng main door, nakita kong tinapat n'ya lang ang kanan n'yang kamay sa isang sensor. May lumabas kasing pulang liwanag sa gitna ng dalawang naka-saradong pintuan para i-scan ang kan'yang palad. Ilang segundo lang, bumukas pahati ang pinto. "W-Wow..." mahinang usal ko na'ng tuluyan na naming pinasok ang kanilang ground floor. Hindi ko pinapahalatang mas'yado akong namamangha sa nakikita ko. Tama nga ako dahil ang lawak-lawak ng mans'yon na 'to. Sa labas lang ang pinturang itim pero pagdating sa interior, lahat ng nakikita ko ay pinaghalong deep brown and gold. Mapa-sahig, chandelier, at kisame. Pumapagitna ang dalawang elevator sa dalawa ring hagdan sa kaliwa't-kanan. "My father isn't here yet but I will tour you." Um-oo na lang ako kay Douglas. Sa bawat palapag, hinahayaan n'ya akong maglakad-lakad sa mahabang pasilyo pero hindi n'ya ako pinapasok sa kung ano mang kuwartong dinadaanan namin which is fine. Hanggang walong palapag pala 'to. Nahihiya naman ako mag-tanong kung anong silid ang nakikita ko kaya hanggang tingin lang talaga ako. "What do you think? Do you like the mansion?" 'Yan ang tanong n'ya sa 'kin habang bumibiyahe na ulit kami pauwi sa bahay. Lumipas din ang ilang mga oras, kumain muna kami ng lunch sa dining room nila at pagkatapos no'n, umalis na kami. "Oo, nagustuhan ko," maikling tugon ko sa kan'ya. Sa labas na naman ng bintana ang aking buong atens'yon. I don't want to get distracted because of him again. "Anghelina..." Tinayuan ako ng mga balahibo sa batok. Kasabay ng pag-tawag ng aking pangalan, naramdaman ko na naman ang mabigat n'yang braso na pumatong sa aking mga balikat. Lumunok ako ng mariin dahil dumako pa ang malapad n'yang palad sa kanan kong pisngi at dahan-dahan n'yang pinaharap ang mukha ko. Pinigilan ko saglit ang aking sariling hininga na'ng bumungad sa malapitan ang kan'yang mukha na halos magdidikit na ang mga ilong namin. Unti-unting kumurba ang gilid ng kan'yang mga labi. "Magiging tahanan mo na mans'yon na iyon, Anghelina. Few weeks to go, papakasalan na kita."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD